Our Lovestory starts at 3am

12 1 0
                                    

Beneath the full moon which shines brightly accompanying the stars, the greenery that turns dark during at night which is enough to mesmerized those who looks at them. Especially with a small palace in the middle of the mountain. No neighbors and such, only them.

"Mommy, bakit may nakaframe na diary sa sala? I'm just confused mom, ganun ba ka importante ang diary nayun?"—nabigla si Cassandra sa biglaang tanong ng kanyang anak na babae na nakatira sa maliit na palasyo.

"It's not just important honey. Like you, its my own universe"—nalito ang anak niyang si Esmeralda.

"Anong ibig mo sabihin mommy?"—tumawa si Cassandra.

"Okay, let me tell you a story"

"What kind of story mommy?Is it yours?"

"Shhh, stop the questions for now. The story starts at 3am. The girl named Cassedy Del Montero always have a dream at exactly 3am in the morning that she forgets once the clock turns past 3:59 am"

............
*3 am*
Cassedy P.O.V:

Hindi ko alam kung nasan ako at kung anong lugar ito. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa gitna ng madilim na kapaligiran at kakahuyan hanggang sa nakadating ako sa isang napakagandang ilog.

Kitang-kita ko ang repleksiyon ng mga nagkikislapang bituin sa ilog na napapalibutan ng iba't-ibang bulaklak at halaman.

Umupo ako sa isang bato malapit sa tubig at nagtampisaw.

Lumipas ang ilang minutong pagtitig ko sa mga bulaklak at ilog. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko ng may makita akong isang bulto ng tao. Tinatagan ko ang loob ko at lumapit ng kunti tsaka ko napagmasdan ang isang nakatalikod na bulto.

Hindi ko alam kung lalaki o babae ito dahil sa baba ng buhok niya. Tinatakpan nito ang hubad niyang katawan.

Napamaang ako ng bigla itong humarap sa kinaruruonan ko. Natuod ako sa kinatatayuan ko't napatitig sa isang perpektong hugis ng mukha. Isa siyang lalaki, lalaking kay kinis ng balat at sobrang puti.

Alam kung kasalanan ito, sa gabi ding iyon, nawala ang pagkainosente ko dahil buong magdamag kaming nagtitigan. At ako na tinititigan ang walang saplot niyang katawan. Gusto kung takpan ang mga mata ko ngunit parang may humihila saking mga mata at bumubulong na titigan kulang ang magandang lalaki.

Binuksan ko ang bibig ko at magtatanong sana kung nasan ako ng bigla nalang pumuti ang palagid ko hanggang sa naging itim.

"Ano yun?"

Tanong ko sa sarili ng namulat ako sa sariling silid. Bakit parang may nakalimutan ako? Isang panaginip? Anong panaginip iyon? Teka, anong oras naba?

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras.

*4:00 am*

Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

~fast forward~

-The next day
*3:00 am*

Napunta ulit ako sa lugar nayun at ngayong kulang naaalala ang lahat. Panaginip nga ba ito? Bakit parang totoo?

Tiningnan ko ang palagid at nakita ko ulit ang lalaki pero may damit na siya. Damit na di ko mawari kung ano.

Nagtaka ako ng bigla siyang lumapit sakin at hinaplos ang mukha ko.

"Cassedy"—tawag niya sa pangalan ko gamit ang nangheheleng boses.  Huh? teka, pano niya nalaman pangalan ko? 

"P-pano mo nalaman ang pangalan ko?"—tumitig ako sa asul niyang mga mata at parang may kung anong pumiga sa puso ko ng may makita akong lungkot dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet Witching Hour Where stories live. Discover now