First day of school of being a grade 9 student. They said being in a 9th grade is the hardest I don't know why, I think its because of the Mathematics subject or just the terror teachers like the typical pagkakataon na maraming nagpapahirap because for the training in the next grade or pag-senior high ka na. Ganun naman lagi eh, they just do it for training.
"Mom, I don't want to be in this section puro famous ang naandito. Magkakahiwalay kami nina Arcane" I told my mom. I'm really afraid of being with famous people especially the girl one's because I was so traumatised last year that they spread rumors na I'm a whore daw.
"Wala kang magagawa, kasi your principal rejected na magtransfer ka sa ibang section kasi maraming gagaya" sabi ni Mommy. Yes, nagpalipat ako ng ibang section kasi ayako talaga doon at wala pati akong kilala masyado, pero di pumayag school principal namin kasi nga kesyo marami daw gagaya magpalipat at siguro naman daw magkakaroon ako ng acquintance doon, di nila magets na ayako sa kanila lahat doon dahil natatakot ako. Isa din ang problema ko ay yung school mate ko noong elementary ako na medjo ni-bully ako, ewan ko rin kung bakit.
First day ko ng pagiging grade 9 student and parang feeling ko magiging worst high school year ko na to, or being the worst of all kasi worst din naman yung 7 and 8 ko na school year. Kasalukuyan akong hinahatid ni Mommy papuntang school, kasi wala yung driver namin may sakit daw and yung isa kong Kuya is nasa college na at hapon pa ang pasok tuwing Monday. Nilabas ko ang aking suklay, salamin at lip balm para mag-ayos basa pa kasi ang buhok ko, the usual na pag papasok ako basa buhok ko kasi nga late na ako magising.
"Ah ah ayako nga doon. Wala akong kilala talaga, Mommy" reklamo ko. Narinig ko naman na nag-tsk siya, tiningnan ako saglit at tumingin na muli sa kalsada.
"Sabi mo may kilala ka, yung Sabrina ba yun" oo nga naman, kilala ko naman talaga yun at kaklase ko nung grade 7 pero hindi ko alam kung iimikan pa ba ako noon o hindi. Intorvert kasi akong tao, kapag naging kaklase lang kita nung past school year hindi na kita kakausapin kahit naging kaclose pa kita. Ewan ko rin kung bakit, minsan nahihiya ako.
"Di ko nga masyado kaclose" sabi ko. Nasa may tulay na kami, na malapit sa school at kita ko ang haba ng traffic. I look at my phone and it says 7:00 am, malapit na ako malate 15 min na lang nasa 3rd floor pa naman ata ako.
"Edi iclose mo problema ba yon? Dapat marunong kang makisama, paano yan pag meron ka ng trabaho" hindi ko na siya sinagot, baka mag-away na naman kami.
"Bye" paalam ko sa kanya. Lumabas ako ng sasakyan, at syempre tiningnan ko muna kung may sasakyan ba. Baka kasi mamaya meron eh mabangga pa ako at masira pinto ng car namin. Pagkakita ko naman na walang dadaan, lumabas na ako at tumawid papunta sa gate ng school namin.
Nakita ko si Sabrina, papasok siya sa Gate ng school kaya naman tumakbo ako papasok at nakisingit sa mga estudyante na mga nagsisikan papasok. Sorry na lang sa mga nadanggil ko, nakita ko kakilala ko eh.
"Sabrina!" sigaw ko. May napatingin sa amin, pero di ko masyado pinansin kasi nga gusto ko may kasama paitaas ng room.
"Uy" ngumiti siya.
"Temperance ka noh?" I reassure, maybe im hallucinating na kaklase ko nga siya.
Tumango naman siya at sabay kaming naglakad. Ang tahimik namin, wala akong mailabas na topic sa kanya. Nahihiya kasi ako, matagal ko na siyang di nakakausap.
"Sabi nila terror daw yung adviser natin, matanda na" Malapit na kami sa may canteen ng sabihin niya yon. Kinabahan naman ako bigla, ayako pa naman sa mga ganon na teacher kasi sobrang strict at hindi mo alam kung ano ang mood kasi matanda na.

BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine (Highschool Series #1)
RomansaA high school love story. Riona Zuri Opulencia hates being with popular people for the reason that she doesn't want to be involved with them, but what if she fell in love with the popular boy? Paxton Angeles just got out of a complicated relation...