01 | Presence of Death

2 2 0
                                    

“MOLLY, kunin mo nga 'yung order nung nasa may dulong mesa. Kanina pa riyan pero hindi man lang umoorder kahit isa, sabihin mo kung hindi s'ya oorder ay umalis na dahil may gagamit pa noong lamesa!” Inis at mahabang lintaya ni Kuya Kiko, manager nitong maliit na Coffee Shop na pinagta-trabahuhan ko.

“Opo.”

Huminga ako ng malalim bago ako lumapit rito, “Ma'am maari ko po bang makuha 'yung order niyo?” May ngiti kong tanong. Nag angat lamang ito ng tingin at muling ibinalik ang paningin sa binabasang libro.

“Ma'am?” Muling tawag ko rito ng pansin ngunit binigyan lamang ako nito ng nakakatakot na tingin at agad rin ako kinilabutan sa uri ng tingin nitong ipinapakita na tila ba ay naiistorbo ko siya sa kaniyang importanteng ginagawa.

Napabuntong hininga nalang ako at walang ibang nagawa kung hindi ay umalis nalang sa harapan n'ya, bumalik ako sa kaninang pwesto ko at taas kilay akong sinalubong ni Kuya Kiko.

Agad akong umiling dito at tumulong sa pags-serve sa aming mga costumer. Ilang oras pa ang lumipas at unti unti narin nauubos ang mga costumer sa loob pero 'yung babaeng nasa dulo ng Coffee Shop ay hanggang ngayon ay nagbabasa parin at mukhang wala talagang balak umorder o umalis man lang.

Akmang lalapitan kona ito at sasabihan na magsasarado na kami nang bigla akong nakaramdam ng panlalamig at paninigas hindi dahil sa Aircon kung hindi dahil sa presensya ng kung sino man. Kinakabahan kong tinalikuran ang babaeng dapat ay pupuntahan ko at nagmadaling lumapit ka'y Lena na nagtataka akong tinitignan pero inilingan kona lang ito kaya ipinagpatuloy niya nalang ang pagm-mop.

Hindi ko alam kung bakit nanghihina at natatakot ako, ginala ko ang paningin sa buong Coffee Shop at may nakita akong isang lalaki hindi kalayuan roon sa babaeng  nakakatakot ang tingin, pansin ko rin ang kanilang panaka-nakang tingin sa isa't isa at tila ba ay nag kakaintindihan sila. 'kanina paba siya riyan? bakit ngayon ko lang napansin?'

“Hoy Molly!” Biglang sigaw sa'kin ni Kuya Kiko. “Ay halimaw!” Nagugulat kong sigaw at nakahawak sa dibdib.

'hindi yata ako sakanila mamamatay kung hindi sa gulat ka'y kuya Kiko'

“Ano ba iyan Molly, tigil tigilan mo nga muna iyang pagde-day dream mo! Hindi tayo makapag sarado ng Shop dahil sa dalawang iyon, samahan mo ako at ako ang kakausap.” Hindi pa man ako nakakasagot ay hinatak na ako nito papunta sa harapan nung dalawa, hindi ko alam pero habang palapit ako nang palapit sakanila ay feeling ko malapit konang makita si kamatayan kaya agad kong kinuha ang braso ko ka'y kuya Kiko.

“A-ano kuya Kiko may gagawin pa po kasi ako sa loob ng kusina pwede po bang kayo nalang mag isa ang kumausap sakanilang dalawa?”

“Anong– Hoy Molly bumalik ka rito!” hindi kona hinintay pa ang isasagot ni kuya Kiko at tumakbo na agad papasok ng kusina hindi kona rin pinansin pa ang huling sigaw niya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba na sa loob na labing pitong taon kong pamumuhay ay ngayon lang ako natakot. Alam kong hindi totoo ang mga multo, bampira, lobo, mahika at kung ano ano pa pero hindi ewan aish! Napasabunot nalang ako sa sarili ko sa dami kong iniisip.

'huhu sorry kuya sana hindi mo ako alisin sa trabaho'

“Ano ba Molly tigilan mona nga pagbabasa ng mga ganoong libro.” Inis na bulong ko sa sarili at umupo sa nag iisang upuan sa tabi ko.

Napatingin ako sa biglang pumasok sa pintuan, “hoy 'te lagot ka ka'y manager bigla mo ba namang tinakbuhan hahaha!” agaran niyang chika sa'kin.

Nag iwas ako ng tingin dahil bigla akong nahiya sa ikinilos ko kanina 'kapag ikaw nawalan ng trabaho dahil sa katangahan mo Molly, ay ewan ko nalang kung saan ka nalang pupulutin!'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Molly's DestructionWhere stories live. Discover now