02

22 6 0
                                    


Papunta na kami ng kaibigan ko sa canteen, tapos may hawak akong notebook dahil nagrereview ako, may quiz sa susunod na subject

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Papunta na kami ng kaibigan ko sa canteen, tapos may hawak akong notebook dahil nagrereview ako, may quiz sa susunod na subject. Nag-uusap kami habang nakatutok la'ng ako sa notebook. Tapos napunta 'yung usapan namin sa crush ko. Sa kabilang building pa 'yung canteen kaya medyo malayo ng kaunti. Habang naglalakad nagkukwento ako tungkol don sa crush ko, puro rant lang sinasabi ko since never talaga akong napansin non.

Nagbibiruan lang kami. Pero hindi kumukibo 'yung kaibigan ko, busy din siguro sa pagrereview. Tuloy lang ako sa pagkukwento tungkol sa crush ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng canteen.Sabi ko, "nako 'yang si Troy yari talaga sa akin 'yan. Sa labas ng bahay ko 'yan patutulugin. Isipin mo jowa ko siya tapos ako la'ng din nakakaalam."

Hindi pa rin siya kumibo kaya tinignan ko siya. Tapos yawaaaaaa pagtingin ko sa tabi ko hindi na kaibigan ko 'yung kasama ko. Si Troy na palaaaa. Nanlaki 'yung mata ko tapos siya nakangisi lang gago ang gwapo talaga nitong crush ko HAHAHAHAHA. Lumapit siya sa akin sabay bumulong sa tenga ko, "at least ngayon, dalawa na tayong nakakaalam na jowa mo ako. Hatid kita pauwi sa inyo mamaya, baby.



Written by: Xione Nomos

HISTOIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon