Prologue

8 1 0
                                    

Simula

"Kendall, table 4!"

"Yes! Coming" I grab the small notepad before get the orders of table 4.

Magbabarkada sila kaya medyo marami ang kanilang kinuha at mukhang anak mayaman rin. Hindi na ako nagtataka dahil medyo high class itong cafe shop kung saan ako nag tatrabaho.

Hindi ako nagtagal sa magbabarkadang 'yon dahil sa sobrang dami ng customers na kailangan kong kunin ang mga orders nila. Hindi gaano ka lakihan ang coffee shop sa pinagtatrabahoan ko pero ang daming customers parati dahil na siguro mga masasarap ang mga kape dito.

"Alliah, here's the order of tables 5 and 6" sabi ko sa cashier para makagawa siya nag resibo. Tumango lamang siya at agad ginawa ang trabaho, habang naghihintay kinuha ko ang mga tapos ng ginawa at hinatid sa customers.

Halos apas na oras kong ginawa 'yon at sa wakas tapos na rin ang shift ko. Agad kong inalis ang apron sa aking leeg at daling dali pumunta sa locker.

"Oh? Hindi ka mag-oovertime?" Tanong ni Diane, ang kapalit ko.

"Hindi na muna. Magtatampo 'yong isa eh"

Napatawa siya sa sinabi ko. "Nako, nagtampo na talaga sa wakas noh? Sinabi niya sa'yo?"

"Oo, naawa nga ako eh. Hindi ko lang naman namalayang nagtatampo na." medyong malungkot kong sabi. Bigla akong naawa sa kanya. "Umiiyak nga habang sinasabi sa'kin." tumawa pa ako at biglang dumaan sa aking isip ang imahe niyang umiiyak sa harap ko, namumulo ang pisngi, ilong at tenga, mas lalo pa humaba ang kanyang labi.

"Ganyan talaga, hindi natin mamalayan sa sobrang busy pero ginagawa lang naman natin 'to para sa kanila eh. Mabuti ka nga kasi ngayon lang siya nagtampo. 'Yong akin, halos tuwing alis ko, laging umiiyak. Ang hirap iwan ang batang 'yon" tumawa pa siya at sinuot ang apron.

"Ang cute cute ng anak mo Diane, kaya ka siguro mahirapang iwan hahaha. Wala pang ginawa ang anak mo, naakit ka na"

"Sinabi mo pa"

Napailing at natawa nalang ako. Isa si Diane sa naging kaibigan ko rito sa Tabogon, marami naman ako naging kaibigan pero si Diane lang ang nakakaintindi, malapit at medyo pareho kaming pinagdadaan kaya siguro mas magaan ang loob ko sa kanya kesa saiba.

Nag paalam ako sa mga katrabaho ko bago ako lumabas ng coffee shop. Alas kwatro pa ng hapon at oras na ngayon ng uwian ng mga nag-aaral sa kindergarten. Dahil malapit lang naman ang paaralan niya sa pinagtatrabahoan ko, mas minabuti kong maglakad para makatipid ng pera tsaka sigurado akong magpapabili na naman 'yon ng cotton candy sa kanto.

Limang minuto ang inabot ko bago ako nakarating sa paaralan niya. Hindi pa sila pinalabas sa classroom pero marami na rin mga magulang nag-aantay sa labas ng gate. Hindi kasi pwedeng pumasok ang mga magulang sa loob para iwas distraction sa mga bata. Kaya mas maganda kung sa labas ng gate nalang maghihintay.

Wala pang dalawampung minuto, nag simulang nag silabasan ang mga bata. Ang cute nila tignan habang tumatakbo papunta sa kanilang mga magulang. Agad akong napangiti ng nakita ang isang cute na batang lalaking nakanguso ang mapupulang labi nito. Medyo mahaba ang kanyang buhok na halos natakpan ang kanyang mga mata. Nakayuko ito kaya hindi niya ako nakita.

Hinintay ko siyang makalabas ng gate hanggang sa nag hintay ito sa waiting area sa gilid lang ng gate. Hindi ko maiiwasang masaktan sa nakita. Halata sa kanyang sanay siyang walang sumusundo sa kanya sa ganitong oras. Tila malungkot at nag iisang naghihintay kung may susundo sa kanya. Agad kong winaksi ang aking isipan at pupuntahan na sana siya nang may bigla lumapit sa kanyang tatlong batang lalaki na sa tingin ko ay kaklase niya ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon