I.

3 0 0
                                    

Mahigpit ang hawak ko sa librong dala-dala ko habang iniiwasang mapatingin sa ibaba. I guess I'll never be friends with heights.
  
  
"Brie, may nahanap ka ba sa library?" Tanong sakin ng kaklase ko pagpasok sa classroom. Tumango ako at iniabot sakaniya ang librong hawak ko.   
  
     
My groupmates asked me to search for this particular book in the library that we need for our report. In exchange, pwede akong umalis nang mas maaga sakanila.
 
"Mauna na ako," paalam ko sakanila at inayos na ang gamit ko.

"H'wag! Bata ka pa!" Biro ng kaklase 'ko na tinawanan ko nalang.

  
Mabilis akong naglakad paglabas at kinapa ang cellphone na kanina pa nagv-vibrate sa bulsa ng uniform ko. Ang kulit, Sofia.

  
Napamura ako nang mahulog ang bitbit kong mga drawing materials sa gitna ng hallway.
  
     
Napalinga ako sa paligid ko kung mayroon bang nakakita sa nangyari. Wala akong nabunggo at wala akong kasabay na yumuko para pulutin ang mga gamit na nahulog ko. Napatawa ako sa naisip ko.

Why did it suddenly come across my mind that this life will turn out like a fairy tale story when reality has been slapped to me a couple of times already.
   
 
Pagkatapos pulutin ang mga gamit ay isinukbit kong muli ang bag ko at mahigpit na niyakap ang paper bag. I can't risk holding its handle at baka mapigtas pa.

  
  
 
I was half-running.
 
  
   
I'm really hungry and I look so haggard already. I look ugly na nga tapos nagmumukha pa kong basahan sa hitsura ko ngayon. So what, Brie? No one really cares or pays attention naman so you're safe.

  
Sa may soccer field ako dumaan na katabi lang ng gym. May ball magnet yata ako at ilang beses na ring napahiya kapag dumadaan sa gym kasi palagi akong natatamaan ng bola.  Wala rin namang tumutulong o lumalapit sa'kin kahit manlang manghingi ng sorry.

  
Napadako ang tingin ko sa may elementary building at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita sa malayo kung sino ang makakasalubong ko. Hindi ko alam kung tatakpan ko ba ang mukha ko o babalik ako. Nanginginig ang mga kamay ko at natataranta na.

 
I closed my eyes and took a deep breath.   Keep your calm. Wala siyang pakialam sa'yo. You're just like any other girl he sees everyday. You're just you. You're no different.
 
  
Thinking that way somewhat calmed me. Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad  nang magring ang cellphone ko.
 

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko pero nabitawan ko ulit ang ibang dala ko. Great. Just great.

 
Sofia's calling me.

I tapped the answer  button, "I'm on my way na. Nasa gym na ako. Wait lang," I said while fixing my things na nahulog. I'm so lucky naman today.

    
"Great! Bilisan mo ha. Nag-order na ko ng pagkain natin," masayang wika nito at pinatay na ang tawag.

 
Binalik ko ang cellphone sa bulsa at tumayo na rin pagkatapos.
 
 
Nagkunwari nalang akong walang pakialam nang lagpasan ako ni Liam. I'm pretty sure naman na he won't notice me or even glance a second look at me. I smiled bitterly when he walked past me. I'm not even worth his attention.
  

Liam is one of the famous gamers that I adore. He is well known  because of his great performance in esports and he's kinda popular among girls because he's really handsome.
  
 
I like him but he's just so hard to reach.
Nagulat nga ako noong nalaman kong dito siya nag-aaral. I wasn't aware of his whereabouts or anything about him because I'm mostly interested in his gameplay. He's great at it. And he's quite a private person, too.
  
 
"Girl! I missed you!" Teary-eyed ma bati sa akin ng best friend ko nang magkita kami. Nagtatalon kami habang magkayakap sa loob ng restaurant and we couldn't care less.

 
Ngayon palang ulit kami nagkita  simula noong  lumipat siya ng school ngayong college. Sofia is my best buddy since Senior High School.

She's the girl na type ng lahat. She's gorgeous, fair-skinned, kind, funny, talented and so on. I was the total opposite of her but we clicked.
   

Umupo kami at nagsimula na siyang magkwento sa mga ganap niya sa buhay. Tagapakinig lang ako because I don't have much to say.
 
   
"So I've met this guy..." Then she started talking about the moreno and mabango guy na she's currently dating. Nagsimula na rin akong kumain habang nakikinig sakaniya. I'm starving.

   
I remember that one time when someone confronted me if how do I feel being the total opposite of her. If do I feel envious or what because she has everything--- money, talent, looks and he can get any man she wants while I'm just me. I said no cause why would I? I'm simply grateful to have her.

    
Seriously speaking, I'm sorrounded by gorgeous people and sanay na rin ako na nilalapitan lang para mapalapit sa mga kakilala ko. They are indeed great and I can't blame people for admiring them. In fact, ako pa nga ang nagpu-push sakanila  to do better. I was never envious  but rather proud and happy for them.

  
 
"Bitch, pinakilala ka agad sa parents niya? Ilang tita pa ba ang mami-meet mo bago mahanap ang the one?" Sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.

 
"Atleast may jowa," She let out a sheepish grin.

   
Sinamaan ko siya ng tingin, "Nagdidilim paningin ko. Pwede-"
 
 
Naputol ang pagsasalita ko nang may kumalabit sakin.
 
     
"Miss," nakatalikod ako kaya kinailangan ko pang lumingon. Napakunot ang noo ko. He looks familiar. Tumingin ako sa mga kasama niya at hindi ako nakapagsalita sa gulat nang nakita ko ang grupo nila Liam sa likod niya. Marami sila at pinagdidikit-dikit nila ang mga mesa.

 
"Yes?" Napansin yata ni Sofia ang pagkatuliro ko kaya siya na ang sumagot.

"May kasama pa ba kayo?" Tanong nito at parang nahihiyang nagkamot sa noo.

 
"Wala."

 
"Pwedeng mahiram 'yung dalawang upuan? Wala na kasing available at kulang kami ng upuan." Inikot ko ang paningin ko at napansin na punuan na rito. Uwian na rin kasi at friday pa kaya maraming estudyante ang nandito.

 
"Sige," Sabi ko at kinuha ang mga gamit ko saka nilapag nalang sa ilalim ng mesa.

"Salamat," Aniya at kinuha ang upuan. Malakas parin ang tibok ng puso ko. Nasa likod  lang namin sila Liam.  Hindi ko manlang napansin ang pagdating nila kasi nakatalikod nga ako sa pintuan.
  
   
    
"Kilala mo sila?" Taas kilay na tanong ni Sofia. I know that she noticed my uneasiness kanina.

   
"Schoolmates ko. Crush ko yung isa," I whispered at her.
 
 
She smiled evilly.

 
I am fucking doomed.

 
"Seryoso? Crush mo 'yung isa? Sino sakanila?" Di mapakapaniwalang bulalas nito. Malakas ang boses niya kaya naman imposibleng hindi marinig ng mga tao sa paligid ang sinabi niya. Ramdam ko naman ang titig nila samin at ang pag-init ng pisngi ko.

 
Sinamaan ko siya ng tingin at nagpeace sign naman siya sa'kin. Lumapit siya sakin at bumulong,  "'Yung kinuwento mo ba last time? What's his name again? Lester? Lex? Luthor? Lim..."

Umiling ako at tumawa, "Hulaan mo."

Sumandal siya  sa upuan niya at malalim na nag-isip. Natawa nalang ako sakaniya saka nagpatuloy sa pagkain. Nanatiling nakatitig si Sofia sa'kin at sa tao sa likod ko.

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang hampasin ni Sofia ang mesa namin. What the fuck, ramdam ko pa ang pag-alog nito at ng mga plato.

Yawa.
 

Kalma self, kaibigan mo 'yan.  
  
 
"Naalala ko na!" Tuwang-tuwa na sabi nito, "Liam diba? Tama! Liam!" At nag-evil laugh pa. Tumahimik naman ang mga tao sa paligid at ramdam ko ang paglisan ng dugo sa mukha ko. Hindi ko alam kung iiyak ako o pupunuin ko ng pizza ang bunganga ni Sofia para manahimik.

   
  

Akala ko ba kapag nakaapak ng tae, swerte? I have stepped in cow poop  earlier and I thought that it's my lucky day since that's what they told me--- or that's what I made myself believe. Fuck it.
  

Lucky day, huh. I've been scammed.

WhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon