Joke 45 : Susi

294 6 0
                                    

Napag pasyahan ng isang doktor na isailalim sa isang pagsusuri ang mga pasyente niyang baliw para malaman kung magaling na ba talaga sila.Gumuhit siya ng pinto sa isang pader.

Doktor : Gusto niyo na bang lumabas dito?

Mga baliw : Oo! ! !

Doktor : Eto may pinto dito, Ngayon pwede nyo na itong buksan at maaari na kayong lumabas.

Dali daling tumakbo ang mga baliw sa pader at tinangkang buksan ang pinto na drawing lang.Napailing ang doktor dahil hindi pa nga talaga gumagaling ang kanyang mga pasyente.May napansin siyang isang baliw na umuupo at tinatawanan ang iba niyang kasama.Naisip ng doktor na siya lang ang gumaling sa lahat kaya nilapitan niya ito.

Doktor : Oh bkit mo sila tinatawanan? Hindi kaba sasali sa kanila para buksan ang pinto para makalabas ka narin dito?

Umiling iling lang ang baliw habang tawang tawa parin.

Baliw : Pano nila mabubuksan yan? Eh nasaken ang susi? hahaha

Haaay. . . . Baliw nga!

KNOCK! KNOCK! out JOKES!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon