A NIGHT WITH HIM by MissHandsomeGray
××DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, events, places and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, and actual events are purely coincidental.
××AUTHOR'S NOTE:
Hi. Hello. Moshi-Moshi.
Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga bagay bagay na hindi angkop sa mga taong "close-minded". Hahahaha. Naglalaman po kasi ito ng mga bagay bagay na sa utak ko lang nakikita. Para lang po sa mga open-minded dahil na rin sa mga eksena at lengguwaheng hindi angkop sa mga taong nagmamalinis at nagpapanggap na inosente.
Ako na ang nagsasabi. Ikaw ang pumasok sa kwento na 'to. Hindi kita pinilit.
R-18. Rated R. SPG.
(Para sa mga taong walang magawa.)
××DEDICATION:
To Miss Cheng,
Kilalang-kilala mo na ang sarili mo.
Dahil ang nagpush sa'king ituloy na talaga 'tong kwento. Sayo dedicated ang buong story. Sayong-sayong. Wala na ngang iba. Hahahaha. Alam na alam mong nagbabasa ka pa habang abala ako sa pagtatype nito. :D
Love you!
××××××××××××××××××××
PROLOGUE
Ramdam na ramdam ko ang kamay niya sa aking bewang. Ang mga kamay niyang walang kasing init. Hindi ko mapigilang mapangiti. Nagwawala na naman ang lintek kong puso. Kinakabahan na naman ako. Letse. Punyeta.
"You look amazing, Dimitri." Namamaos niyang bulong.
"Putangina mo, Ashford. Tigilan mo." Pakipot ko naman at pinigilan ang kilig. Konting galaw, konting bulong, konting hawak lang kasi ng lalaking 'to, nabubuhay ang lahat parte ng katawan ko.
Rinig ko ang tawa niya. Shet na tawang 'yan, napaka-sexy. Mas lalo niya pa akong pinalapit at dahan-dahang isinayaw sa mabagal na kantang tumutugtog ngayon. Kahit pinipigilan ko ang sarili ko, siya na rin ang nagsubsob ng mukha ko sa kanyang dibdib. Tanginang lalaki 'to. Lumunok yata ng heater. Buong katawan ay mainit kahit wala naman siyang sakit. Napangiti na rin ako at hinayaan ko ang sarili kong malunod sa mabangong amoy niya.
Kahit kailan, hindi ko ginusto ang sinasabihan nila ako ng mga gagawin ko.
Ayokong tinuturuan nila ako ng kung anong tama sa mali.
May sarili akong buhay. May sarili akong katawan. Ako ang magdedesisyon sa mga bagay na gagawin ko.
And I choose to have a night with him.
BINABASA MO ANG
A Night With Him (Soon)
General FictionKahit kailan, hindi ko ginusto ang sinasabihan nila ako ng mga gagawin ko. Ayokong tinuturuan nila ako ng kung anong tama sa mali. May sarili akong buhay. May sarili akong katawan. Ako ang magdedesisyon sa mga bagay na gagawin ko. And I choose to ha...