EHT 08

149 6 0
                                    

Tyche Eilene

As much as possible, I don't want to engage in a serious relationship. Dahil maliban sa hindi ko kaya ang responsibilidad. Hindi ko rin alam kung iibig ba ako.

I don't even know if love does really exist.

If it really does exist, iba umiikot ang mundo natin ngayon. Hindi ganitong puro pasakit at paghihirap.

"What's this all about?" tanong ko.

Nakatayo ako, kaharap ang lalaking pamilyar sa akin. Uwian na at patungo na sanang parking lot nang hinarang niya ako. May tipid na ngiti ang makikita sa kanyang labi. Matangkad at payat itong lalaki. Namumula ang mga pisngi habang titig na titig sa akin.

"I like you, Tyche."

Hindi ako nagsalita.

I scanned him. He looks like an ordinary man to me. Despite of being famous, I couldn't find him attractive.

I don't understand why he's so famous. Maybe because he's good at basketball, huh.

Ang mga mata ko ay nagtagal sa suot nitong kwintas. Nanliit ang mga mata ko bago sumilay ang ngisi sa aking labi nang mabasa ang pangalan ng isang babae.

"And you're not single at all." wika ko.

Agad siyang napakurap. Nagliwanag ang mga mata niya habang humahakbang papalapit sa akin. "D-Do I have a chance-"

"No." agad kong putol sa matigas na boses.

Ano ba sa tingin ng lalaking 'to ang ibig kong sabihin?

"Why would I give a low man like you a chance?" hinagudan ko pa ito ng tingin bago ko napansin ang biglaang pamumula niya dahil sa galit.

This is the reason why I want to keep my status to be single. Bakit ka papasok sa isang relasyon kung gayong hahanap ka ulit ng iba habang kayo pa?

Matamis akong ngumiti. "Are you getting mad because of the truth?"

"Bitch," he hissed.

"That you like?" I laughed.

Mas lalong gumuhit ang iritasyon sa mukha niya.

"You're disgusting of still wearing that necklace. Your lover deserves someone." pang iinsulto ko pa habang nagkukunwaring naaawa para sa babae.

"If I-" tumigil lang ako sa pagsasalita nang makitang aambahan niya akong sasaktan.

"Just try," pinanlakihan ko ito ng mata. "...to do it and you'll see yourself in prison for opposing the law of human rights in assaulting, sexual assaulting and harassing a woman."

Tindig ang tayo ko habang hindi ko binibitaw ang talim ng titig ko rito. Nananatili akong nakahalukipkip, inaabangan ang susunod niyang gagawin.

He stepped back. Nakakunot noong nakatingin siya sa akin, pinagpapawisan na siya nang matauhan.

"I forgot you're a Verlice." sinambit niya iyon sa garalgal na tinig.

Nanunuya akong natawa, natatanga sa sinabi niya.

"Even without that I'll still sue you. I have rights as you have, fucker." mariing sinabi ko.

Namutla ito bago ako mabilis na tinalikuran. Hindi ko inasahan na bigla na lang siyang magwwalk out.

That's it?

"Oh, he chickened out." ngisi ko habang pinagmamasdan ang likuran nito.

"If you're that scared to be in jail, keep your dick down!" habol ko bago na dumiretso sa parking lot.

Pagod akong napairap habang hinahagod ang buhok.

"Natagalan ka," iyon agad ang bungad sa akin pagkapasok ko ng sasakyan.

Napantig ang tainga ko, hindi dahil sa itinanong kundi sa boses nag aalala ni Lyre. Hindi ko na maitago ang pagkairita sa akin habang nilalagay ang aking shoulder bag sa tabi.

"And it is my business, Lyre."

Bahagya siyang natigilan at hindi agad nakaimik. Napabuntonghininga na lang ako habang masama pa rin ang timpla ng mukha.

"I'm sorry, Tyche." dinig kong hingang malalim niya bago na nagsimulang nagmaneho.

Sa huli ay napairap na lang ako.

"Don't you ever asked with that worried tone again." I ordered coldly.

Pinagkrus ko ang mga hita ko habang kinakalma ang sarili.

God, it's just irritating. Ayoko nang taong ganoon sa akin. Even it may sounded sincere, I won't care.

Nauna akong naglakad papasok sa mansiyon. Dire-diretso ang paglalakad ko kahit napuna na ng tingin ko si Thad na papalapit. I just ignored him. Kahit si Mama na pababa sa hagdan ay sinundan ako ng tingin nang lagpasan ko siya. Lagi namang ganoon, hindi pa siya nasanay.

"Why she's in a bad mood?" dinig ko ang banayad niyang tinig kay Lyre na nakasunod ngunit nanatili sa ibaba.

"I don't know, Madame."

Iyon lang ang narinig ko bago ako tuluyang nakaakyat. Hindi iyon sa pagiging mababaw. Ayoko lang na masira ko ang sarili ko sa taong ginugol ko kaya ko nakamit ang sariling mayroon ako ngayon.

Sinarado ko ang pintuan ng aking silid bago pinatong ang aking bag sa kama. Sinimulan kong buksan ang butones ng suot kong fitted na top habang hinahanap ang phone sa aking bag.

Bubuksan ko palang iyon nang makitang may bago akong mensahe na natanggap mula kay Gray.

Can I call?

Bumuntonghininga ako. Ramdam ko ang bahagyang pananakit ng ulo ko dahil parang wala akong nabanggit sa kanya noong nakaraan na nagkita kami.

I already told you, right?

Hindi ko binitawan ang phone ko dahil alam kong agad ko ring matatanggap ang reply niya.

This isn't meddling your life.

Pakiramdam ko ay luluwa ang mata ko nang mabasa ko iyon. I couldn't believe it. Umirap na ako nang makitang tumatawag na siya dahil hindi na ako nag reply.

"What is it?" bungad ko pagkasagot agad.

Sandali pang namaig ang katahimikan. Nakahalukipkip ako habang nag aabang ng sasabihin niya.

"What happened?"

Napakunot noo ako. "What?"

"You sound mad."

Muli akong umirap. "It's none of your business. Bakit ka napatawag?"

"What happened?" ulit niya sa nakakairita niyang tanong.

Iritado akong napahawak sa aking ulo. "You're not making any sense."

"Are you okay?" nananatiling kalmado at banayad ang tinig niya na tila wala lang sa kanya ang iritasyon ko na ipinapakita ko.

Nasagad na ang pasensiya ko kaya agad ko nang pinatay ang tawag.

Inabangan ko ang pangungulit niya sa pamamagitan ng pagtawag ngunit hindi iyon nangyari.

Napaangat na ang kilay ko. Ilang sandali pa akong naghintay ngunit wala na talaga akong natanggap na kahit ano kahit pa mensahe.

Sa huli ay pagod kong binagsak ang balikat habang nagtitipa na sa aking phone.

He's making me feel guilty.

Hey, sorry. I didn't mean to end the call while we're still talking.

Napahawak ako sa aking batok.

Did I went too far?

My phone beeped. Nagmamadali kong tiningnan ang phone.

It's fine. I just want to know how your whole day went.

Napasinghap ako sa nabasa ko.

Hindi pa nagtatagal ng isang minuto nang makita ko na ang pangalan niya sa screen ng phone ko na tumatawag.

I irritatedly rolled my eyes before I answer his call.

DS #1: Embracing Her Thorn (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon