After many months later naka adjust na rin ako, sa aking new environment. Akalain mo yun, college na ako. We really do have one friend na hindi talaga na uubusan ng energy para makipag chikahan, meron akong ganun si Ayhanna.Naalala ko nung orientation week, dahil wala pa akong kilala maliban kay Ayhanna, ako lang mag isa ang pumupunta sa canteen, minsan nakikita ko si Ayhanna with her classmates, but nahihiya akong lumapit, ang daldal din kaya niyang bruha na 'yan.
But in a positive news, I've meet new set of people na masasabi ko talagang for keeps, they are really supportive. Pero among of them I have two really close friends, Georgine and Rosewell.
"Kollistene, punta tayo sa canteen bili tayo choco-o." mahinhin na sabi sa akin ni Georgine.
"Pasabay hehe." And there she goes the shy Rosewell.
"Rosewell, sumama kana kaya? Libre ko." I said to her, alam kong nahihiya lang siya umalis ng room. Because she's not a fan of surrounded by people, pero kapag nakakarinig yan ng "libre, my treat, akong bahala" Mabilis pa yan kay The Flash.
"Sige, wait lang ayusin ko lang bangs ko." Did I mentioned that Rosewell and Georgine have bangs?
"Tignan mo itong si Rosewell, mabilis pag nakakarinig ng libre." Humagikgik kaming tatlo, at sabay napailing.
"Of course, libre yan eh." This why I like Rosewell and Georgine, para silang si Ayhanna but tahimik and less wild version.
Habang naglalakad pa puntang canteen, I heard my phone beeped, malamang si Ayhanna ang nag text or globe.
Ayhanna <3
11:08 AM
iMessageMiss, punta ka sa clinic kailangan ng kasama ni Ayhanna.
Sino i2? Bak8 moH hawak cp ni AyhAnna?
She's having asthma attack, miss.
Okay, give me 5 minutes.
readI thought pinagt-tripan lang ako ni Ayhanna, ganyan kasi siya kapag gusto niyang mag prank. Tapos hindi pa ganyan mag text si Ayhanna, laging Kollinggit or Kollistene ang unang salita sa text niya.
"Teka lang, need kong pumunta sa clinic." I said to them, hindi ko na hinintay ang kanilang sagot at dali daling pumunta sa clinic, mula sa Educ building tinakbo ko mapunta lang sa Main building. While running I tried to bun my hair, alam kong maraming nakatingin at lumilingon sa akin pero wala na akong pakielam, kailangan ko atang maging si the Flash ngayon.
Hingal akong huminto sa clinic at huminga nang malalim bago kumatok sa, dahil suki ng clinic kilala ko na ang nurse dun.
"Hello nurse Roshel! Si Ayhanna po?" ang lamig talaga dito sa clinic kaya tambay dito si Ayhanna eh. Just kidding.
"Hi, Kollistene, nasa bed 4 may kasama siya pero ang sabi aalis na daw, kaya need ng sub." Pangiting sabi ni miss Roshel.
"Okay po Miss. Thank you po." Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko ng maisip kung bakit inatake si Ayhanna ng hika. Nako! makakatikim talaga sa akin si Ayhanna ng sermon, malamang hindi nanaman niya nadala yung inhaler niya.
"Ayhanna sabi ko naman sa'yo dahil mo yung-" Kung sinuswerte ka nga naman, si Elester pala ang kasama ni Ayhanna, great.
"Kollinggit sorry na, nakalimutan ko kasi yung pink kong pouch dahil nagpalit ako ng bag." Papalapit palang ako narinig ko na agad ang kanyang paghingi ng pasensya. Oh, ayan si Ayhanna, dinaig pa ang may Alzheimer.
"No need to say sorry Ayhanna, ikaw lang naman ang inaalala ko dahil mabilis kang atakihin ng hika. Never leave it again ha? Nako, malalagot ako kay Tito Will."
"Opo, Kollinggit Ayabadu!" she pout her lips, atta cute girl.
"Okie." Saka umupo sa gilid ng higaan ni Ayhanna.
"Cool, 5 minutes nga. Do you need anything? Punta lang ako saglit sa canteen Ayhanna." Napatingin ako kay Elester, habang nagsasalita. Makapal pala ang pilik mata niya.
"Elester hindi na kailangan. Pwede ka ng umalis, kasi nandito na yung best friend ko thank you ulit!" pangiting sabi ni Ayhanna, naging pabebe naman bigla itong si Ayhanna, parang walang boyfriend lang ah, maasar nga mamaya.
"No, I insist hindi ka pa nag lunch." Such a gentleman. Kaya siguro ang daming nag kakagusto dito.
"Nako nakakahiya Elester, hindi na talaga okay lang. Isang pepsi at dalawang fried rice with siomai lang samahan mo ng chilli sauce okay na, ikaw Kollinggit kumain kana ba? Baka gusto mong makisabay?" napahilot ako ng sintido dahil sa aking mabuting kaibigan, pakialala nga ulit kung bakit ko siya naging best friend?
"Loko ka talaga, sige sandali lang." "Ikaw Kollinggit, kumain kana ba?" Wow, nickname basis, close kami. Okay.
"Hindi pa." maikling sagot ko.
"Anong gusto mo?" tanong niya. Pag sinabi ko bang ikaw, ihahain niya kaya ang sarili niya, syempre joke lang.
"Ikaw, I mean ikaw na ang bahala sa kakainin ko or parehas nalang kay Ayhanna." Nakita ko siyang ngumiti at biglang tumitig sa akin. Okay, hinggang malalim Kollis. Ikaw ang nagsimula.
"Ano ba talagang gusto mo? Ako? I mean, ako na ba ang bahala or same nalang kayo ni Ayhanna."
"Sige, ikaw nalang."
"Okay, ako nalang."
To be continued
BINABASA MO ANG
Celestial
Teen FictionWe may fall but we'll keep on going, We may break but we won't stay broken. Kollistene and Elester a love story