Plug (one-shot)

324 16 7
                                    

Hello.

First time ko po ito gumawa ng one-shot story. First story ko din to kasi di naman talaga ako marunong gumawa ng story. Kaya pagpasensyahan nyo na po kung hindi maganda ang kinalabasan ng kwento nitong one-shot.

- Lena.chan

________________

Thursday, 10:00am

Habang nag-kaklase...

*text text text*

*hinablot yung cellphone*

"ANO BA!" gulat na gulat si Steph dahil sa may biglang kumuha ng cellphone nito habang nag-tetext. Ayaw pa man din nitong may kumukuha ng gamit niya nang biglaan.

"Tumahimik ka! May klase, text ka nang text." biglang nagsalita si Michaella. Napatingin sa direksyon ni Michaella si Steph. Nakita niya na si Michaella ang may hawak ng cellphone niya kaya sinubukan nitong kunin dahil sa katabi niya lang naman ito. Naiiwas naman agad ni Michaella ang cellphone dahil ayaw nitong masira and pag-aaral ng kanyang matalik na kaibigan.

"Eh ano naman? Ibigay mo na kasi. Magagalit yung katext ko!" reklamo ni Steph.

"Anong 'eh ano naman'?! Yung katext mo pa inuuna mo kesa sa grades mo! Honor student ka na nga, ayaw mo pang i-maintain. Di ba, eto yung gusto mo?!" sumbat ni Michaella.

"ALAM KO, ALAM KO. Eh kasi naman, di ako pinapayagan gumala, mag-text sa bahay, tumanggap ng mga tawag galling sa mga ka-text ko. Dito ko na nga lang nagagawa ng malaya ang pag-tetext, pipigilan mo pa 'ko." Pagdadahilan ni Steph.

Totoo naman talaga lahat ng sinabi niya. "Pero hindi naman ata tama yang ginagawa mo." Binigay na ni Michaella ang cellphone ng kaibigan nito. "Onga, dito ka nga malaya pero wag mo namang abusuhin. Pati grades mo, dinadamay mo sa kalokohan mo. Maawa ka naman." Pagsesermon ni Michaella.

"Opo. Opo. Di na po mauulit." sinunod na lang ni Steph ang bestfriend niya. Nagkamali uli siya.

Kailan ba niya itatama lahat ng pagkakamali niya?

Natapos ang klase. Hindi na din niya nagawang hawakan ang cellphone niya pagkatapos ng maliit ng pag-aaway ng bestfriend niya.

Kinabukasan...

"Ay nako... Late na ako. Ang bagal ng sasakyang 'to. Nagmamadali na nga tong tao eh." bulong ni Steph sa sarili niya. Umagang-umaga kasi, iniinis siya nung drayber ng tricycle. Napakabagal magpatakbo. Isa pang dahilan ay....

di niya makikita ang crush niya, si Brix.

"Leshe. Pwede po bang PAKIBILISAN po ng onti manong?! LATE na ako oh. Anong oras na. Psh" halos sigawan na niya yung drayber. Sinunod naman ito dahil mukhang nagulat dun sa sinabi ni Steph.

Nakarating siya ng school 2 minuto bago magsimula ang klase. Haggard agad ang itsura niya dahil sa puyat ito kagabi. Nagdidiretso na agad siya sa upuan niya. Pang-limang upuan sa pangalawang row. "Oh, ba't ngayon ka lang?" pambungad ni Michaella kay Steph.

"Yung sinakyan ko kasi. Karindi lang."

"Bakit? Anyare?"

"Parang pagong."

"Ah."

"Bakit naman ganyan itsura mo?"

"Andami mo tanong. Basta late ako, tapos."

Badtrip siya dahil sa hindi na nga niya nakita ang crush niyang si Brix. Araw-araw niya kasi itong nakikita kasi malapit lang ang bahay nito sa school. College na kasi si Brix at High School pa lang siya kaya ayun lang ang paraan para mabuo ang araw niya. "Panigurado, may masamang mangyayari nanaman." bulong ni Michaella.

Plug (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon