1

66 1 0
                                    

Positive. Halos manginig ang bawat kalamnan ni Camellia habang pinag mamasdan ang masayang pamilya na nasa loob ng kainang iyon. Ama niya ang naruon kasama ang ibang babae at isang batang paslit.

Kamakailan lang niya nalaman ang ginawang kalokohan ng kanyang ama. Kung hindi pa nito naiwang naka charge ang cellphone at naka tulog. Hindi niya malalamang may ibang pamilya na itong binabahay. Hindi tuloy niya malaman kung kanino ba isisisi ang lahat. Sa ama niya, sa ina o doon sa babae.

Ilang taon na lang mag sesiñor citizen na ang kanyang ama, pero hayon! Nakapag taguyod pa nang isang pamilya. Kaya pala halos magpakakuba sa pagtatrabaho, dalawang pamilya na pala ang sinusuportahan. At ang nakaka inis pa mukhang magkasing edaran lang kami nung babae nang kanyang ama.

Humingi si Camellia nang malalim. Saka binuhay ang second hand na sasakyan. Nilisan ang lugar na iyon.

"Oh, ginabi kana yata?" Si Tessie matapos siyang mapag buksan nang pintuan.

"O.t po." dahilan ko na lang sa Ina. Hindi talaga ako pumasok sa trabaho dahil nalaman ko ang usapan ng magaling niyang Ama at nang bago nito.

Pinag masdan niya ang Ina. Larawan ng pagod sa araw araw na pag-aasikaso rito sa bahay. Ni hindi makapag ayos sa asarili. Tatlo lang naman silang magkakapatid. Nakapag asawa na ang pinaka panganay. At ang bunso naman ay kamakailan lang nagtapos sa pag-aaral.

"Kumain ka na ba?" si Tessie mula sa kusina.

"Ako na dyan, Ma. Magpahinga na kayo. Si Papa ba?" kahit alam ko kung nasaan ang ama nila.

"Ah, nag sabing hindi uuwi at magpapasama ang engineer niya."

Laglag ang balikat na dumulog siya sa hapag. Masarap ang ulam. Tinola. Pero parang nakakawalang gana. Pinilit na lang nya ang sariling malamnan ang sikmura. Matapos makapag ayos nang hapag ay agad siyang tumungo sa silid. Padapang humigan sa kama. Hindi na nagpalit ng damit.

"Zyjan." daing ko sa pangalan ng nobyo. Pumikit.
Pag mulat ko ay umaga na. Dala marahil nang pagod ay tuloy tuloy ang tulog ko. Bumangon ako at nag ayos. Naabutan ko ang Ina na dala ang laundry basket.

"Kain na." ani nito saka tumuloy sa laundry area.

"Opo." Pagkakain ng almusal at naligo at nag bihis ng pang-alis.

"Ma. Lalabas ako." Sigaw ko habang chinecheck ang ref at ang mga cabinet. Hanggat maaari ay ayaw kong nauubusan kami ng stocks.

"Sigi. Ingat!" hiyaw ni Tessie mula sa laundry.

Imbis na mag kotse ay ipinasya niyang mag commute. Sa apartment lang naman siya ni Zyjan pupunta. Walking distance lang sa mall.

Hindi alam nang nobyong bibisitahin nya ito. Kung dati ay nagbibigay abiso siya ngayon ay hindi. Dalawa ang dahilan kung bakit gusto nyang makita ang nobyo. Una na dun ang makita ito syempre.

"Para po." ani ko sa driver. Inayos ko ang suot na t-shirt. Bahagyang ipinagpag sa katawan sanhi ng init. Naka limutan kong mag dala ng payong!

Tanaw ko na ang apartment ni Zyjan. Naka ngiti kong hinaplos ang impis na puson. Naeexcite at kinakabahan rin sa totoo lang. Kahit na may pangit na nangyayari sa pamilya ko, may dumating namang magandang biyaya.

Unti unting tumabingi ang ngiti ko at nag taka ng makitang may naka paradang motor sa tabi ng kotse ni Zyjan. Pag tingin ko sa door step, may sandals. Ewan. Bigla akong kinabahan. Napa isip ngunit agad din iyong pinalis.

Hinawakan ko ang door knob, pinihit. Naka lock. Gusto kong magtawag. Pero may kung anong pumipigil sa akin. Humakbang ako patungo sa gilid. Nagtatago sa tabi ng basurahan at halamanan. Alam ko parang tanga lang pero gusto kong manigurado.

Lawson Series: QuintineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon