IN ANOTHER LIFE

55 4 4
                                    

"HI, Sky baby. How are you? Do you wanna sing me a song for you?" I asked him lovingly but he didn't answer back at me.

"Well, silence means yes, right? Okay, I'll start singing now. Listen carefully, this is for you.

"And I love you so much, baby," I said to him before I strum my guitar and sang the song I prepared for him.

"Summer after high school when we first met

Damn! This song really reminds me on how we first met and how our love story started.

"We'd make out on your Mustang to Radiohead

Tandang-tanda ko pa 'yong araw na 'yon. It was a rainy afternoon, tapos wala akong dalang payong. Pagminamalas ka nga naman kasi, eh. 'Yong tipong pag may dala ka ng payong, hindi uulan. Pero pag wala, asahan mo na. Basang sisiw ang labas mo niyan pag-uwi mo sa inyo.

Nag-aabang ako nang masasakyan ng hapong iyon sa labas ng University namin. Marami nga kaming mga estudyanteng nagsisiksikan doon sa maliit na waiting shed na iyon. Mabuti na nga lang at wash day kami, kaya hindi gan'on ka-hassle sa damit kahit mabasa ng ulan. Hindi kasi ako maihahatid ni Kuya sa bahay. Busy pa siya sa practice game nila para sa basketball tournament. Malapit na kasi ang finals.

No choice ako nang araw na 'yon. Kailangan kong umuwi mag-isa. Agawan pa naman ng masasakyan kasi nasabay sa rush hour. Isa pa, eh, sobrang lakas ng ulan kaya punuan ang bawat sasakyang dumadaan.

"Miss," tawag ng lalaking nasa likod ko. Hindi naman ako lumilingon sa kanya, baka kasi hindi naman ako ang tinatawag. Mapahiya pa ako ng wala sa oras, eh.

"And on my 18th birthday we got matching tattoos

"Miss in red shirt," muling tawag ng lalaki sa likod ko.

Teka, red shirt? Naka-pula rin ako, ah.

Nagpalinga-linga muna ako sa paligid, baka kasi hindi naman ako ang tinatawag niya 'diba.

"Miss in red shirt, ikaw po ang tinatawag ko," rinig kong muling sabi nito. Binalewala ko na lang, kasi nga baka hindi naman talaga ako ang tinatawag niya. Ayokong maging assuming 'no saka isa pa, ang dami namin kayang nag-aabang dito. And take note, hindi lang naman ako ang nag-iisang naka-pula rito.

"Miss, kanina pa kita tinatawag," wikang muli ng lalaking nasa likod ko. Kasabay niyon ay may kumalabit sa likod ko. Nabigla naman ako sa ginawang iyon ng kung sino mang pangahas, kaya medyo napaatras ako papalayo sa kanya at sa kinatatayuan ko kanina.

"Ano bang kailangan mo, ha? Bakit ka ba nangangalabit?" mariing tanong ko sa lalaking iyon.

"Used to steal your parents' liquor and climb to the roof

"Eh, kanina pa kasi kita tinatawag, hindi ka naman lumilingon," sagot nito sa 'kin habang nagkakamot sa kanyang batok. Napa-irap naman ako ng wala sa oras dahil sa naging sagot niya.

"Bakit, sinabi ko bang tawagin mo 'ko? Saka tingnan mo nga, hindi lang naman ako ang naka-pula rito," sagot ko rin sa kanya pabalik habang pinandidilatan ito ng mga mata.

Akala niya siguro, gan'on-gan'on niya na lang akong mapapaniwala sa mga sinasabi niya. Pwes, no i'm not!

"Hindi nga lang ikaw ang nag-iisang naka-pula rito. Pero ikaw naman 'yong nag-iisang maganda sa paningin ko," sabi nito sabay kindat sa akin.

Damn! I'm speechless! Sa hindi ko malamang dahilan pero kinikilig ako sa sinabi niyang iyon.

Umawang lang ang bibig ko ngunit walang kahit ano'ng salita ang nais kumawala rito. Kaya napa-iwas na lang ako ng tingin sa kanya upang itago ang kahihiyang nararamdaman ko.

In Another Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon