PROLOGUE

34 3 6
                                    

DISCLAIMER:

Names, characters, business,places,events, and incedents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person's ,living or dead is purely coincidental.


Hi! I'm Alessia Cassandria Del Mundo, but you can call me Alessia pagpapa kilala ko sa sarili 'ko bago bumalik sa upuan ko, First day of class kasi kaya introduction lang meron kami ngayon. Habang busy na nakikinig at nagpapa kilala ang mga kaklase ko, ako naman binibilang ang mga studyante na dumadaan mula sa labas ng bintana..

"Hi Alessia right?" nawala ako sa pagbibilang ng marinig ko ang pangalan ko, dahan dahan akong lumingon para tignan kung sino 'yong tumawag sa akin.

" Yes, I'm Alessia" sagot ko, i think siya 'yong kanina na madaldal....

" I'm Kionna, you can call me Kio" maganda siya, maputi, lagi nakangiti kaya nga nagtataka ako bakit niya ako kinakausap but anyways feeling ko naman okay siya kasama.

"Gusto ko sana makipag kaibigan, kung okay lang sayo alessia" hinawakan niya ang kamay ko at saba'y ngumiti ng malaki.

"Oo, okay lang naman Kionna!" Muka naman siyang masaya kasama e, maamo naman mukha niya.

"Yessss!" inalog alog pa 'ko na akala mo nanalo siya sa lotto, parang ewan naman 'to...

"Tomorrow start na ang lesson". Pagpapa alala ni Sir Franz. mabait siya pero strikto pag oras na ng klase, lahat kasi kailangan sumagot para daw alam niya kung sino ang hindi nakaka intindi sa lesson niya...

"Okay class, see you tomorrow and nice meeting y'all.." pagpaalam n'ya bago umalis sa room. Break time ngayon kaya agad lumapit si Kio.

"So ano, tara? madami daw pogi sa kabilang building" pagyaya niya

"Hindi naman ako interesado diyan." sabi 'ko habang inaayos ang aking gamit. Totoo iyon wala akong panahon para sa ganon.

" Weee? di ako naniniwala" umiling pa siya habang nakangiti na akala mo nasisiraan na ng bait.

"Tara na nga, nagugutom na 'ko" pag-aya ko at  kanina pa 'ko nagugutom , hindi kasi ako nag almusal bago pumasok dito dahil pinagagalitan na naman ako ng magulang ko..

Dumating kami sa cafeteria ng puro tawanan lang pano ba kasi si kio , lahat na lang na nadaanan e gusto n'ya daw at naniniwala daw siya sa love at first sight. Kahit una pa lang na pagkikita namin iyon ni Kio, naramdaman 'ko na agad na okay siya kasama, masaya, at feeling ko magkaka sundo kami sa lahat ng bagay...

"Excuse me, bibili kaba? kasi kung hindi pwede ako na?" nagulat ako ng meron mag salita sa likod ko, taka akong tumingin sakanya.

"Huh.?" nilibot ko ang tingin ko sa paligid 'ko at nang mapansin 'ko na ako na pala ang nasa unahan ng pila para bumili ng pagkain, agad akong tumabi at dahan-dahan yumuko.

Ano ba yan Alessia, first day of class lutang , bulong 'ko sa sarili 'ko..

" Ikaw na miss" agad kong inangat ang ulo 'ko ng mapansin 'ko na, ako na pala ang kinakausap ng lalaki. may hawak na siya ngayon na tray na laman ay pagkain.

"Y-yeah ako na.." dahil sa taranta natulak 'ko siya ng bahagya.

"I'm s-sorry, hindi 'ko sinasadya..." nakayuko na sabi ko.
narinig ko s'ya tumawa kaya inangat ko ang ulo 'ko para tignan s'ya.

" Bakit? A-anong nakakatuwa?" tanong ko habang nakataas ang kilay ko, bakit ba siya tumatawa! may nakakatuwa ba sa sinabi ko??

" Wala, wala. Mukha ka kasing maraming iniisip." sabi niya, bago umalis ng nakangisi.

Rain on MeWhere stories live. Discover now