Kanina pa s'ya umiinom sa isang luxury bar, ang G.S Bar na pagmamay-ari ni Gab Saavesrdra. Nagpapakalasing talaga s'ya nais n'yang maglasing para makalimot sa sakit na nararamdaman n'ya. Alak ang tingin n'yang sagot sa problema n'ya.
"I hate.. you.. Gael.. Saavedra," paputol-putol na sambit n'ya.
"I am- Ju-li-a San-tillan-" Lasing na sabi n'ya sa sarili. At muling nilagok ang bote ng alak. Nakakarami na s'ya at nakakaramdam na rin s'ya ng pagkahilo. Maingay ang buong bar at halos nagsasaya ang mga tao roon, tanging s'ya lang yata ang nagluluksa. Paano naman s'yang hindi magluluksa kinasal na ang lalaking dapat n'yang pakasalan.
Ano pang saysay ng buhay n'ya ngayong kinasal na si Gael sa ibang babae? Si Gael Saavedra lang ang misyon na binigay sa kanya ng ama, buong buhay n'ya hinubog s'ya ng ama na kailangan isang Saavedra ang mapangasawa n'ya, at dahil si Gael ang natipuan n'ya, si Gael ang napili n'ya sa tatlong magkakapatid. Pero nabigo s'ya hindi n'ya nagawa ang nais ng kanyang ama na makasal kay Gael. Isa pang dahilan n'ya kung bakit andito s'ya sa bar at nagpapakalasing ay dahil sa ama. Tiyak na sesermunan s'ya nito at pagsasabihan nanaman ng kung anu-ano. Para sa kanyang ama isa s'yang walang kwentang anak dahil mula pa noon ay hindi na n'ya mabihag-bihag si Gael, mas lalo na ngayong kasal na si Gael mas lalo na s'yang walang pag-asa at walang kwenta sa ama.
Matapos maubos ang laman ng bote tumayo s'ya mula sa kinauupuan. Pasuray-suray s'yang naglakad palabas ng bar. Kung saan s'ya pupunta ay hindi n'ya alam. Basta ang alam n'ya hindi na s'ya pwedeng umuwi sa kanila. Dahil panigurado palalayasin din s'ya ng ama.
Papalabas s'ya ng bar ng biglang may makabunggong papasok.
"Ouch,' maarteng tili n'ya. Nahawakan naman s'ya ng taong nakabunggo n'ya bago pa s'ya bumagsak.
"Are you ok?" Tanong ng lalake na agad n'yang naamoy ang spicy cologne nito. Sinulyapan n'ya ang lalake, pero hindi n'ya ito masyadong maaninag dahil sa madilim na paligid.
Inayos s'ya ng tayo ng lalake. Nagpasalamat naman s'ya at naglakad na palabas ng bar. Lasing s'ya pero hindi naman ganoon kalasing, kahit hindi n'ya naaninag ang lalaki kanina panigurado n'yang gwapo 'yon, amuy gwapo kase.
Naupo s'ya sa hagdan at pinagmasdan ang mga taong paroo't paritong may mga kasamang partner at masayang naglalakad.
"Mabuti pa sila," bulong n'ya.
Buong buhay n'ya sinentro n'ya ang sarili sa pagiging asawa ni Gael Saavedra, dahil 'yon ang gusto ng ama, kahit simula pa lang ramdam na n'yang hindi s'ya gusto ni Gael, pero pinilit pa rin n'ya para masunod ang kagustuhan ng ama. Wala s'yang naging nobyo sa edad n'yang bente tres wala pa ni isang lalaking nakalapit sa kanya, may mga nanligaw na agad n'yang pinapranka, dahil lahat 'yon kay Gael. Pero ngayong wala na s'yang pag-asa pa kay Gael, may asawa na ito, ano pang silbi ng buhay n'ya?
"I hate my life," she whispered.
Tumayo s'ya mula sa pagkakaupo at naglakad pasakay ng elevator. Alam n'ya ang pasikot-sikot ng mataas na building na ito sa San Sebastian, madalas kasi s'ya noong kabataan n'ya sa building dating pasyalan at ngayon ay ginawang malaking Luxury Bar sa ibaba at mga condo units sa itaas, gawa ng mga Saavedra of course.
Nagtungo s'ya sa rooftop, malakas na hangin ang sumalubong sa kanya. Halos liparin ng hangin ang mahaba n'yang buhok at suot na bestidang abot lang hanggang tuhod n'ya.
Sinamyo n'ya ang malamig na hangin at naiyak muli. Naaawa s'ya sa sarili, dahil napakalaking failure n'ya. Wala s'yang trabaho kahit nakapag tapos naman s'ya ng pag-aaral sa Colegio de San Sebastian sa kursong fine arts, hindi kasi s'ya sigurado kung ano ang gusto n'ya noon, at isa lang ang alam n'ya at laging sinasabi ng ama. Hindi na n'ya kailangan magtrabaho pa kung isang Saavedra naman ang mapapangasawa n'ya, panigurado daw na mamumuhay reyna s'ya kapag kinasal s'ya kay Gael Saavedra.
"The f*ck!" Mura n'ya at naglakad sa gilid ng building. Mula sa kinatatayuan n'ya nakikita n'ya ang mga naglalakiang mga building sa bayan nila, kung hindi s'ya nagkakamali ang mga Saavedra din ang nagmamay-ari. Naisip nga n'ya ang buhay n'ya kung s'ya ang pinakasalan ni Gael. Magiging pagmamay-ari n'ya lahat ng kay Gael, mamumuhay nga s'yang reyna.
"F*ck you Gael Saavedra for choosing other girl over me! f*ck you!" Sigaw n'ya. Nais n'yang ilabas ang sama ng loob n'ya kay Gael.
"I hate you Gael! I hate my f*cking life!" Patuloy lang s'ya sa pagsigaw at pag-iyak.
Pakiramdam n'ya wala ng saysay ang buhay n'ya. Alam n'yang kung uuwi s'ya sa bahay nila sermon ng ama ang sasalubong sa kanya at mamaliitin s'ya ng ama. Isa lang ang misyon n'ya at hindi pa n'ya nagawa, baka nga itakwil pa s'ya ng ama dahil sa nangyari. Isama pa ang kahihiyan ng pamilya n'ya sa mga nakakaalam na ikakasal s'ya sa isang Saavedra.
"I need to end my life here, bago ba ko pagtawanan ng mga tao," umiiyak na sabi n'ya at napatingin sa katamtamang bakod ng rooftop. Kaya n'yang akyatin 'yon.
Umiiyak s'yang umakyat roon. Sinilip ang ibaba, nalulula s'ya halos wala s'yang makita dahil madilim ang buong paligid.
"I need to do this, para matapos na ang lahat," umiiyak na sabi n'ya.
"I hate everyone! I hate my life!" Sigaw n'ya.
Buo na ang desisyon n'yang wakasan ang kanyang buhay. Hangang doon na lang marahil ang buhay n'ya.
Nang biglang may humila sa kamay n'ya. Napatili s'ya at naramdaman na nahulog s'ya mula sa kinatatayuang pader. Mabilis ang mga pangyayari, bumagsak s'ya sa matipunong dibdib ng isang lalaki. Habang mahigpit ang hawak ng lalake sa braso n'ya at isang kamay naman ay nakayakap sa bewang n'ya.
Madilim ang buong paligid kaya hindi n'ya masyadong naaninag ang lalake. Pero naamoy nito ang spicy mint cologne ng lalake. Ito rin ang amoy na na amoy n'ya kanina sa lalaking nakabunggo n'ya sa bar.
Nagtama ang kanilang mga mata, tanging malilim na ilaw at liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa kanila. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata habang titig na titig sa isat-isa.
"Are you ok?" He asked. His voice is husky and perfectly sexy.
BINABASA MO ANG
Save You Tonight
RomanceDahil sa kabiguan ni Julia sa pag-ibig kay Gael Saavedra ay naisipan n'yang wakasan na ang kanyang buhay. Nabigo kasi s'yang makasal sa lalaking mula pagkabata ay iniibig na n'ya. Nasira ang lahat ng plano n'ya at ng kanyang ama ng ikasal si Gael s...