Chapter 2
"Nako! May pa-exce-exception pang nalalaman si Clyde kanina. Sus, for all I know, it's just one of his tactics para makuha ang loob mo." Si Elira na nagbago ang ihip ng hangin habang sabay kaming naglalakad patungong studio.
Hindi ko naman talaga sineryoso ang sinabing 'yon ni Clyde. I get it. He's a flirt and it's very, very obvious. The way he speaks and the way he brings himself, napaka-feeling lang! Palibhasa alam na... gwapo siya or whatever. Siguro halos sambahin siya ng mga babae roon?
"Ibahin niya ako, Eli. Kuhang-kuha ko na 'yang mga ganyan. Dadaanin sa salita tapos 'pag napasagot, magsasawa, then boom! Voila, iniwan!"
"Maniniwala na sana ako kaso mahina ka sa gwapo, eh! Pero hayaan mo, ipagdadasal nalang kita. Hihingi tayo ng pag-asa, Astrid. Humanap nawa ng lunas sa karupokan mo." Aniya sabay pikit at pinagdikit ang palad at umaktong nagdadasal.
Agad ko namang binatukan ngunit tumawa lang siya.
"Ahh, nagsalita! Sure kang ako lang ang dapat mong ipagdasal? Hindi kaya dapat mas maging concerned ka sa'yo kasi kung marupok na pala ako, ano ka pa? Uto-uto?" Pambawing pang-aasar ko kay Eli na ngayon ay ready na akong sabunutan.
"Gaga ka! Mapanakit ka emotionally, Hemera! Hindi ako uto-uto! Sadyang ano... pinaasa lang ako ni baby Sage, huhu." Aniya tinutukoy ang vocalist na long-time crush niya since grade school.
"Hindi ka pinaasa nun, sira! Ikaw 'tong kusang umasa. In the first place, wala naman kasing sinabi si Sage na siya yung uupo sa pina-tabi niya sa'yong upuan sa audi, eh, 'yun naman pala para sa iba. At ang malala, ipinilit mo pa! Maka-eksena lang! Ano ka ngayon?" Sambit ko habang binubuksan ang pintuan ng studio. Kaunti palang ang tao dahil maaga pa kami ng twenty minutes sa call time.
Nagbatian lang kami ng mga ka-member namin na siyang narito sa studio at saka nilapag ang gamit sa sahig nitong malawak na studio. Pinapalibutan ng mga salamin ang unahang bahagi ng studio at ang malalaking bintana naman sa magkabilang gilid nito. All white rin ang theme ng studio kaya minimalist at presko tignan.
"Oo na! Salamat sa pagpapaalala, ha! Napakabait mong kaibigan, Astrid. Sa sobrang bait mo, ang sarap mo lang ihagis sa tulay. Iyong tipong nakanganga 'yung buwaya'ng wewelcome sa'yo ro'n para roon ka sa bituka niya lumanding, 'no?" Sarkastikong panunumbat ni Eli habang gaya kong kumukuha ng pamalit na damit sa dalang duffel bag.
Inirapan ko lang ngunit ang bruha, inirapan din ako pabalik!
Nagpalit lang ako ng gray na sweatpants at itim na oversized shirt samantalang itim na leggings at puting cropped shirt naman ang kay Eli. Pagkatapos ay bumalik na rin kami sa studio at nadatnan na kumpleto na pala kaming lahat roon, pati si Coach Ae.
Agad akong namataan ni Coach at sinenyasan kaya alam kong kailangan ko na ring lumapit sa kaniya para malaman ang agenda namin para sa araw na ito. Mukhang gaya ng huling napag-usapan, tatapusin muna namin ang natitira sa nakalahati naming kanta noong huli nang sa gayon ay hindi kami magahol sa oras. Nalalapit na rin kasi ang intrams kung saan isa kami sa mga inaasahang mag-perform tuwing may mga intermission na magaganap rito.
Isa pa, ako rin ang naatasan bilang president ng DT, sa pangunguna ng nomination ng siraulong si Eli. Don't get me wrong, it's not that I don't like my position, nga lang, hindi kasi pinaalam sa'kin ng isang 'yon na ako pala ang trip niyang i-nominate sa araw na iyon. Kaimbyerna!
"Coach!" Pagbati ko kay Coach Ae nang makalapit.
"Oh, Astrid. Same old routine lang ang gagawin natin ngayon. Isang pasada muna ng mga natapos natin noong nakaraan saka tayo magb-brainstorm ng panibagong steps. We just need to finish the second song right away so we could proceed to choreographing the third." Ani Coach habang hinahanda ang sound system.
BINABASA MO ANG
Beneath A Thousand Stars
JugendliteraturHemera Astrid dela Fuego, who happens to be a girl from a well-known family, decides to go and live her own life independently in a faraway province. Accompanied by her friends, she meets Zechion Clyde Velarde, a full-time flirt thrown straight from...