Chapter 18:Class Trip

46 1 0
                                    

[A/N:Before anything else i just want to say,i'm really sorry for almost 1 month being inactive in wattpad.Di na ako mage-explain masyado,all i just to say is i'm sorry and for today's update here's the Chapter 18... total count of words 2,653...supposed to be it's 5K words but I can't make it so i guess we gonna see again soon...]

ENJOY READING! :>>

Akierra POV

Tirik ang araw.

Maaliwalas ang paligid.

Maganda ang simoy nang hangin.

Pero lahat ng yun nawala nang dumako ang tingin ko sa dalawang kanina pa naglalandian malapit sakin.Pati yung ibang estudyante tila naiingayan narin sa nakakarinding boses neto babaeng parrot na si Cara.

Ewan ko lang kong ako lang.Pero tila ako ata pina-paringgan at pinagseselos netong si Cara sa paglingkis-lingkis at hawak-hawak kay Zekie na as if tatalab sakin like TF! naka get-over na yung puso ko sa lalaking yan.Umirap nalang ako at nag head set

Diko sasayangin ang atensyon ko sa kanila.My time is too precious to be wasted in a trash like them.

Kung nagtataka kayo kung bakit tila magkakasama kaming lahat sa iisang lugar ay dahil may gaganaping class trip yung buong section namin.For research purpose daw but selected lang ,every class ay may limang representatives at sa class namin kabilang kami ng magkapatid sa limang napili.Sa seniors naman lima rin for their section/class,wala nga rin yung ibang gangsters.Sabi samin pupunta kami sa isang mansyon para nag-research daw tungkol sa history ng bahay na pinuntahan namin which is kaka dating lang din namin.Tumingala ako at pinag masdan ang medyo may kalumaang bahay pero maganda parin naman dahil siguro inaalagaan ng mga gardeners.But bitch i have to admit this.This house infront of me is giving me creepy vibe.Napatingin ako sa mga kaklase ko and i think we are sharing same braincells,nakatitig lang rin sila at tila walang ni isang gustong magbabalak na pumasok..

Impit akong napasigaw nang biglang may humawak sa kamay ko.

"Via naman,para kang kabute bigla-biglang susulpot" pilit na kinakalma ang sarili ko saka tinanggal sa tenga ko ang headset

Natatawa naman syang umiiling "HAHAHA ikaw talaga Aki,di halatang takot ah"

Bahagya akong nag-iwas ng tingin "S-sino bang nagsabing takot ako?"

"Oo na,kunwari di ka talaga takot"

"Psh....Ba't ba ang tagal mo?" inis na sabi ko

"Sorry na,kinausap pa kase kami ni Sir at kinuha rin yung mga maleta sa bus" tumango nalang ako

"Pero alam mo medyo creepy naman talaga yung bahay na'to from structure palang.At alam mo ba Aki may nakalap na agad akong balita tungkol sa lugar na to" seryuso nyang turan kaya napa-angat yung kilay ko

"Hmm? Kaka-dating lang natin may information ka na agad? At saan mo naman nakuha yan?"

"Sabi ng matandang naka-usap ko kanina dun sa labas ng gate,ang tawag daw sa lugar na ito ay Hacienda Melissa"

"H... Hacienda Melissa?"

Tumango sya "Oo....Sabi sakin,ang nagmamay-ari daw ng Bahay na yan noon ang ang dalawang babaeng magkapatid na si Melissa at Marjorie.Ayon sa kanila sobrang bait at maganda daw si Melissa kaya maraming trabahador nila ang nagkakagusto sa kanya habang ang kapatid naman na si Marjorie ay maganda rin ngunit may di kaaya-ayang ugali,minsan daw ay nilalandi nya ang ibang trabahador na nagkakagusto Melissa at yung iba pa nga raw ay nauuwi sa pakikipagtalik.Isang araw may nagkagustong binata kay Melissa at sa di inaasahan ay nagkagusto rin ito sa binata ngunit habang nanliligaw ang binata ay palaging nandyan ang masamang kapatid para sirain ito at minsan pa ay kinukulong nito si Melissa sa kwarto kung gustong makipagkita ng binata sa dalaga.Isang gabi napagdesisyunan ni Melissa na tumakas sa mansyon at sumama sa binata para makipagtanan.Galit na galit si Marjorie dahil sa nalaman kaya dahil dun ay nag-iwan sya ng isang nakakapanindig balahibong sumpa sa bahay na iyan,sabi nya 'Kung sino man ang magkasintahan na pumasok sa bahay na ito ay di na makakalabas ng buhay' at nag utos sya ng mga tao na hanapin ang binata at patayin at yun nga ang nangyari.Dahil sa paghihinagpis ng dalagang si Melissa ay nagpakamatay sa sya sa harap ng bahay" mahabang litanya ni Via kaya diko mapigilang makinig at mapa-isip

The Good Girl's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon