Prologue
Mabilis dumaan ang araw, linggo, buwan at taon. At ngayon ang napili kong araw na bumalik sa Pilipinas.
'Kamusta na kaya siya?'.
Napabuntong hininga ako sa isiping iyon. Hindi na dapat ako nagtatanong ng ganito. Tss.
Mabilis kong idinial ang numero ng kapatid ko. Dahil wala na akong choice kung hindi ang magpasundo na lamang sa kanya dahil sa kamalas malasan ng buhay ko, ala una ng madaling araw ang dating ko sa Airport. Damn it!
~Calling Psalm~.....
~Calling Psalm~.....
~Calling Psalm~....."Hello?!". Sa ikatlong beses na tawag ko saka pa lamang niya sinagot. Tsk.
"Hey! Where are you?". Malambing na tanong ko.
"What??!". Parang nakikita ko ang itsura niya ngayon, salubong na salubong na naman ang kanyang mga kilay. Tsss.
"Where are you?". Pag-uulit ko.
"Wait... who is this?!!". Galit na talagang tanong niya. Bigla akong nanlumo sa narinig ko. Kilala ng mga kapatid ko ang boses ko, pero mukhang noon lamang iyon, at hindi na ngayon.
"It's me". Ito nalang ang naisagot ko, dahi sa sobrang pagkadismaya.
"Oh..It's you?". Bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita niya at sa sarkastikong tawa nito. "Mabuti naman at naisipan mong tawagan ako? I didn't know that you still exist". Hindi parin ako sumagot sa sinabi niya. Unti-unti akong kinain ng hiya.
'Aaminin kong nahihiya ako sa kanya, dahil ang lakas ng loob kong tawagan siya ngayon... Samantalang wala kaming komyunikasyon sa loob ng tatlong taon.. Tss.. Idiot!'.
"Hey.... Still there?". Kunwaring tanong niya. Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalitang muli.
"Are you busy?". Nahihiyang tanong ko.
"Why?". Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Why... Are you calling me anyway? In the middle of the night?!". May diin ang bawat salita niya. Napayuko na lamang ako sa matinding panlulumo.
"Ahm..Nothing...". Hindi ko na kinaya pa, naibaba ko na ang cellphone ko saka bumuntong hininga. Tsk. Hindi ako sanay sa malamig na pakikitungo ni Psalm sa akin.
Naglakad ako palabas ng Airport, na may masamang loob at nakikisabay sa mga taong naglalakad din habang pilit na tinatawagan si Zander. Sana hindi umatake ang kaabnuyan niya ngayon kailangan ko siya. Tsh.
"Yes? Hello!". Malambing na sagot niya. Napangiti ako at pilit na inaalala ang itsura niya habang tumatawa.
'I miss them. Namimiss ko na ang kaabnuyan nilang dalawa'.
"Hey! Where are you?". Mahinang tanong ko, sinabayan ko narin ng konting lambing baka sakaling may epekto.
"What?!!..". Singhal niya, saka bumuntong hininga. "Are you trying to flirt with me?".
'Damn it! Flirt agad? e di sana tinodo ko na ang pag lambing kung gano'n lang din naman ang dating sa kanya'. Tsh!
"Sorry, to dissapoint you Darling!.. But, I'm busy right now". Dugtong niya, dahilan para tumaas ang kaliwang kilay ko! Seriously?
'Siraulong to, napagkamalan pa ata akong Isa sa mga babae niya'.
Hindi ko na nagawang sumagot sa sinabi niya dahil mabilis niyang pinatay ang linya. Tss.
YOU ARE READING
To Fall Again
General FictionIt is possible to fall in love with a broken hearted woman?