LALABAN AKO PANGAKO

7 2 0
                                    

"Sobrang Hirap naman nito!"

"Ang sakit na ng ulo ko Wala pa rin Akong Maintindihan!"

"Argggghhh hindi ko na kaya!!"

Mga salitang lumalabas sa aking bibig habang sinasagutan ang aking mga modules. Napakahirap kasi, isa ito kung bakit madaming nagpapakamatay na kabataan ngayon.

"Ma,Ang hirap nito baka Pwedeng Next year na lang ako Mag-aral Ang hirap na tlga kasi ma ehhh."Saad ko sa aking Ina.

"Anak naman, sayang ang taon. Saka walang madali sa buhay. Saka madali lang naman 'yan kung babasahin mo ng mabuti.Subukan mo pa'ng intindihin Dahil lahat ng Problema may Solusyon."

"Ang hirap talaga ma ehhh,kahit basahin ko po ng paulit-ulit. Sukong-suko na'ko,Sukong suko na yung katawan ko ma. Next year nalang ako mag-aral ulit."

"Anak, mag-aaral ka ngayon. Magiging madali 'yan kung nilalagay mo sa isip mo na madali. Parang sa buhay lang 'yan kailangan mong maghirap para lang makuha ang 'yong pinapangarap. Hindi porket nahirapan ka na sa isang bagay ay susuko ka na. Tandaan pagkatapos mong maghirap diyan at masagutan lahat ay masarap sa pakiramdam. Kahit na sumakit 'yung ulo mo, kahit na napagod ka, sa huli magiging masaya ka rin dahil natapos mo ang Dapat mong gawin at makakapagpahinga ka na,gaganda pa ang buhay mo."

"Ma,Sobrang hirap tlga."

"Anak, inisip mo ba 'yung mga taong mas grabe pa ang hirap nila kesa sayo? Yung sa'yo modules lang pero 'yung sakanila mas mabigat pa. Huwag mong isipin na mahirap 'yan, isipin mo kaya mo yan ginagawa ay para sa pangarap mo." Hinaplos ni mama ang aking mukha.

"Kakayanin mo 'yan anak. Kahit nahihirapan ka huwag mong ibubuwis ang buhay mo, dahil kailanman hindi magiging rason ang hirap para lang magpakamatay. Lahat tayo nakakaranas ng pagsubok sa buhay, kaya kayanin mo 'yan anak. Makakapagtapos ka." saad ni mama at niyakap nya ako.

Tama nga si mama, kapag pinaghirapan mo ang isang bagay ay maginhawa ito sa pakiramdam. Kaya kahit nahihirapan na ako sagutan ang modules ko ay hindi ako tumigil. Sinagutan ko ito hanggat saaking makakaya.

Hindi ito magiging balakid sa mga pangarap ko,gagawin ko ang lahat para makapagtapos kahit nahihirapan ako dahil walang madali sa buhay Sabi nga nila lahat tayo Dumadating Sa Mahirap na parte ng buhay pero kung Lalabanan natin ito ay Malalagpasan natin ito.

"Huwag kang susuko anak, kakayanin mo 'yan. Umpisa palang 'yan, andito lang ako hinding hindi ako Mawawala sa tabi mo." saad ng aking ina sabay kalas ng kaniyang yakap saakin.

Hindi rason ang hirap upang Tayo ay Sumuko.
Kundi ito ang rason para lalo pa tayong magsumikap para sa ating mga Pangarap.

The End

LALABAN AKO PANGAKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon