Bantay

21 0 0
                                    


This happened when I was 7yrs or 8yrs old.
Buntis ang Ate Gie ko sa bunso nya, medyo maselan ang pagbubuntis nya, malaki kasing baby.
Tuwing 12 midnight hindi sya makatulog, may sarili syang kwarto, sa mezzanine, malaki yung kwarto. Kaya nga lang malapit sa bubong.

Tuwing alas dose nakakarinig sya ng huni ng ibon, malakas. Tinatawag nya agad kami kapag naririnig nya iyon. At sinasabi nya sa mama ko, na may ibon daw syang naririnig na humuhuni, at ang laging sagot naman ng mama ko, maglagay sya ng asin sa tabi nya.  Eh dahil bata pa ako noon, wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. At tuwing umaga, kinakamusta ng mga kapitbahay namin ang ate ko dahil nga naririnig din nilang may ibon na humuhini tuwing alas dose.
Ang tawag nga nila doon ay tiktik o manananggal.
Sinasabi naman ng mama ko na, hirap nga si ate sa pagbubuntis.

Pero matapos ang ilang insidenteng yon ay di na din naulit.

Sa gilid ng bahay namin may puno. Malaking puno ng bougainvillea.
Kabuwanan na ng ate ko, mas nahihirapan sya sa pagbubuntis. Isang linggo bago sya manganak, nagsisisigaw sya, alas dos na ng madaling araw yun. Ang sabi nya may nakita daw syang mga mata na nakasilip sa siwang ng bubong. Ang mga mata daw ay sobrang itim ng gitna at ang gilid naman ay sobrang mapula.
Pinababa sya agad ng mama ko sa kwarto nya at binantayan.
Kinaumagahan, may nagbalita sa mama ko na may nakita daw kapre na nakasilip sa bubungan namin.
Natakot ng sobra ang ate ko. Sinabi nya sa amin na minsan nga raw ay nananaginip syang may kapreng nakabantay sa kanya. 

Nahirapan maglabor ang ate ko, at sa bahay sya nanganak.  Nakakapagtaka lang na nang ipinanganak si baby eh sobrang balbon nya.

Ang sabi nila baka kaya di na bumalik ang  tiktik o manananggal dahil binantayan ang ate ko at ang baby nya ng Kapre.

Pero ako, isa lang ang alam ko, lumaking maganda yung pamangkin ko. ❤️

BantayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon