Francine's POV
"FRANCINE ALEXIA DE LAS VEGA!!!"sigaw agad ni Uncle habang papasok palang ako ng bahay
"What?"
"Anong ginawa nyo naman this time?". Tila nagtitimping tanong ni Uncle Finn habang hinihilot ang sentido nya pero halata mong nagpipigil lang sya na maglabas ng galit. Pero labas na lang sa kabilang tenga ang lahat ng mga pangaral nya. Nasanay na kasi ako sa question and answer portion namin na ito.
"Nakipag-away".I answered him confidently.
Napabuntong hininga naman ng malakas ang lalaking nasa harapan ko."Grrr...Bahala ka jan, magsama kayo ng mga kaibigan mong maghanap ng bagong papasukan. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin sa inyo". Inis na sabi nya habang patungo sa isa sa mga couch upang umupo.
"Okay". Bored na sabi ko at umakyat na ng hagdan.
Bukas na bukas, dapat makahanap na kami kaagad ng school, iyan ang huling sinabi ni Uncle Finn bago ako tuluyang umakyat papunta sa kwarto ko. We've been to different schools. Public, private, and even Christian schools! But we always end in the same situation. That is to be kicked out.
Bakit?
Dahil sa ugali namin at sa mga pinanggagawa naming kalokohan.
Sumalampak na lang ako sa kama ko. "Ouch,ang tigas naman ng pagmumukha ng mga yun". Sabi ko habang hinihimas ang namamaga kong kamay. Pipikit ko na sana ang mata ko ng biglang tumunog ang phone ko. Tamad ko iyong sinagot.
"HELLO I'M IN BLACK ISLAND IN BUSUANGA PALAWAN!!!!! IT'S A BEAUTIFUL BEAUTIFUL BLACK ISLAND WITH---"
"What the hell?!"
"Hi lodicakes hehe eto naman d mabiro tara gala tayo BWHEHEHEHHEEH". Pag-aya sa akin ng isa kong kaibigan na si Glicie.
Bago pa ako makasagot ay biglang sumingit si Alyssa. "Hep!! Hindi ka na pwedeng umayaw dahil nandito na kami sa tapat ng bahay nyo". Napalayo ko nalang ang phone sa mukha ko dahil sa sigaw nya.
"Ok fine. Maliligo muna ako".
Tiningnan ko kung anong oras na at pumunta na akong cr para maligo.
Oh, d pa pala ako nakapagpakilala. Hi my name is Francine Alexia De las Vega 17 years old. Heiress of De las Vega Mafia pero hindi pa nila alam na ako yun except sa family ko at kaibigan. Ipapakilala nila ako pag katungtung ko sa edad na 18.May pag-aari din kaming mga malls and hotels. I'm expert in guns and explosives. And also I have good eyesight. Wala na ang mga magulang ko at kaming dalawa nalang ng kuya ko ang naiwan at inaalagaan ako ngayon ni Uncle Finn at si kuya naman ay nasa Japan para asikasuhin ang business ng family namin. Hanggang ngayon misteryo paring ang pagkamatay ng magulang ko at wala parin akong alam kung sino ang pumatay sa kanila kahit sinabi ni Uncle Finn na aksidente lang yun. Alam ko na hindi totoo yun kaya hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman at napapatay ang pumatay sa kanila...
Pagkatapos kong maligo ay dali dali ako nagbihis at lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ng bahay nakita ko na ang van na sinasakyan ng mga asungot. Papunta palang ako sa van nakita ko na agad si Glicie na kumakaway.

YOU ARE READING
INFERNUM ACADEMY
Mistério / SuspenseA academy where a lot of secrets are hidden. A place where everything is a mystery. Academy that make your life a hell Death is everywhere Your life is always in danger Never trust anybody Welcome to INFERNUM ACADEMY