C-01

328 12 4
                                    

F•R•I•E•N•D

|••••••|

Tahimik kang naglalakad sa may hallway papunta sa classroom ninyo pero agad ding napahinto dahil sa isang pamilyar na boses na tumawag sayo.

Liningon mo ito at bumungad sayo si mitsuya na nakatayo sa likod mo. nakasabit ang bag nito sa isang balikat na hawak ang strap nito habang ang isang kamay naman ay nakapasok sa bulsa ng pantalon niya.

Sinuklian mo ang ngiti nito sayo "Goodmorning, takashi."

"Goodmorning, pasensya ka na hindi kita nasundo sa bahay ninyo kanina kinailangan ko kasing mag hintay kay mama. ayoko namang madamay kung sakaling malate ako."
paliwanag nito sayo saka tumabi sa gilid mo kaya nagsimula na kayong maglakad.

Umiling ka dito. "Okay lang, may kailangan din akong ipasa sa p.e teacher natin kaya mas inagahan ko pero nalate padin ako dahil may ipina record pa siya."

"Man, being class president sure is hard no? by the way, may baon ka?."

Napahinto ka sa tinanong nito at agad tinignan ang bag mo. napabuntong hininga ka nalang nang makitang wala ang lunch box sa bag mo na inihanda mo kanina bago pumasok.

Isinarado mo ang bag mo at ibinalik ito sa pagkasuot. "Nakalimutan ko sa pagmamadali. bibili nalang ako mamaya."

"Actually, dalawang lunch box ang dinala ko dahil alam kong makakalimutan ka. "

"paano kung dala ko iyong akin?. " Tanong mo

"edi hahatiin natin iyong hanggang maubos."

Tumawa ka at agad na huminto sa pintuan ng classroom niyo. "salamat. " Wika mo na ikinangiti lang nito

Binuksan mo ang pintuan at bumungad sayo sayo ang mga kaklase ninyong pinagkukuha ang gamit nila.

"president!."

Tinignan mo ang pinanggalingan ng boses at bumungad sayo ang patakbong si yuri sayo.

Huminto ito sa harap mo

"yuri, anong meron?. " Tanong mo dito.

"Hm? ah, we have to use a tv for our today's lesson pero sira ung tv natin kaya sa canteen tayo dahil may tv doon at iyon lang ang available for us to use. may isa kasi diyang siraulong sumira ng tv!. " Tugon ni Yuri sayo at tumingin pa sa isang lalaking nasa dulo.

Tinuro ni baji si yuri at agad napatakbo palakad palapit sa inyo "Hoy! tangina, ba't ka nakatingin sakin ha? sinasabi mo bang ako sumira?!. "

"baji, ano na namang ginawa mo pare?. " Tanong ni mitsuya na nasa likod mo bago umupo sa isang lamesa sa gilid mo.

"Wala akong ginagawa! kasalanan ni mikey iyon! inakyat ba naman yung tv kasi sumakto hagis niya ng panyo niya sa tv. " Paliwanag ni baji sayo

Napahilamos ka sa muka dahil sa sinabi nito. isang araw, isang araw kalang hindi pumasok tapos ganitong balita na ang bubungad sayo.
"Bakit kailangang akyatin? pwede naman kayong gumamit ng upuan?."

Nagkibit balikat ito sa harap mo. "Iyong mga upuan nung friday ibinaba naming lahat para maayos nung kuya sa baba."

"President, kailangan mo din palang magsulat ng incident report about sa nangyari at ipasa sa principal yung isa kasi diyan ang tanga magsulat ng incident report. parang elementary na nagpapaliwanag. una na ako president." Tumingin si yuri kay baji at agad itong inirapan bago lumabas.

"Luh, tanggalin ko pilik mata mo diyan. Mangkukulam!." Sigaw ni baji dito na ikinataas lang ng gitnang daliri ni yuri na ginawa din ni baji sa kaniya pero ginamit nito ang dalawang gitnang daliri at gigil na itinapat kay yuri.

Ibinaba ni keisuke ang kamay nito nang hampasin mo.

"Aray, oh? sabay na naman kayong pumasok?." Tanong nito na ikinangiti ni mitsuya.

Umiling ka "Nagkasalubong lang kami sa hallway. tumayo na kayong dalawa diyan para makandado ko na itong classroom." Utos mo na ginawa naman ng dalawa.

Nang matapos mong maikandado ang classroom ninyo agad na kayong naglakad papunta sa canteen.

Pagdating agad kang lumapit kay mikey na katabi si draken. nakasubsob ang muka nito sa lamesa na halatang tulog.

Piningot mo ang tenga nito na ikinasigaw niya na kaagad mo din binitawan.

"Hindi ka uuwi kaagad mamaya dahil gagawa tayo ng incident report tungkol sa katarantaduhan mo."

"Oo na."

Tinignan mo si draken na nakangisi habang nakatingin kay mikey na nakahawak sa tenga nito.

"Hindi kayo agad uuwi draken."

Tumango ito sayo kaya umupo kana sa isang bakanteng upuan na niriserba sayo ni mitsuya nang puntahan mo si mikey kanina.

Inilapag mo ang bag mo sa ibaba.

"Okay kalang?." Tanong nito .

Agad mong ibinagsak ang ulo mo sa lamesa pero bago pa magtama ang noo mo at ang lamesa kaagad na naiharang ni mitsuya ang kamay nito kaya ang naging resulta ang palad nito ang naging parang unan ng noo mo.

"Alam mo bang magkakabukol ka sa ginagawa mo?." Tanong nito sayo

"Takashi."

"Hm?."

"Inaantok ako."

Kinuha ni mitsuya ang bag nito at inilagay sa harap mo saka ka nginitian. hindi padin inaalis ang palad nito na ginagawa mong unan.

"Matulog kana, akong bahala. you deserve a proper rest after all." nginitian mo ito bilang pasasalamat at agad na pumikit hanggang sa madalaw ka ng antok sa sobrang pagod.

Kinalabit ni baji ang katabing si mitsuya na kaagad ikinalingon ng isa.

"Seryoso kabang magkaibigan lang kayo?." Tanong nito

"Oo, chismoso huwag mong ituon atensyon mo dito kaya ka bagsak e."

"Baji, tagos sa heart." Asar ni chifuyu habang nakaturo keisuke.

"Nagtatanong lang naman ako. nakakaputa naman."

Tumawa lang si mitsuya at agad na tinignan ka na mahimbing na natutulog. "so peaceful."







Playlist
(Pagtingin)
|Ben and ben|

Im using their last names when narrating except mikey and draken, im used to their nicknames

STAR.         (MITSUYA TAKASHI X READER AND BAJI KEISUKE X OC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon