1.1

7 0 0
                                    

“ Ano ba yan! Ang ingay ng aso mo!”sigaw sa akin ng babaeng kaharap ko.
Hindi ako natinag sa naging sigaw niya bagkus nanatiling deretsyo ang aking paningin na para bang walang naririnig, tanging ingay lang nang tren at ingay sa paligid ang aking pinagtuunan ng pansin. Patuloy lang sa pagtahol si Chantel hinayaan ko lang siya.

“Kairita ang ingay! Bakit hindi moba yan patigilin!” galit na saad ulit ng babae.
Nagkaron ng maraming bulungan ng bigla pa niyang ipadyak ang sapatos sa sahig, ganoon nalang ang kaniyang pag-iinarte na naging sanhi ng lalo na pagtahol ni Chantel sa kaniya.

“Kairita! Dapat hindi nagpapasakay ng aso dito sa tren,” reklamo pa ulit sabi niya.

Tumayo ako ng maramdaman ang pagtigil ng tren.”Hindi rin dapat sumasakay ang maarteng tulad mo dito.”

“ What! Seriously?” may pag-iinarte pang sabi pa niya.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglabas. Iniisip kong  napakawalang kwentang makipagtalo sa katulad niyang napaka-arte.

Nakarating kami ng unit na hindi nagrereklamo si Chantel tahimik siyang pumunta sa balcony napagod siguro kaya hinayaan kona siyang magpahinga.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang pinto at itinapat ang mukha sa monitor.

“Welcome back Ms.Jaci!”

Bumukas ang pinto tulad ng inaasahan ko. Bago hubadin ang gloves sa kamay ay kumuha muna ako ng tubig mula sa mine ref. Tulad ng pag-alis ko kanina nanatiling tahimik ang bahay. Walang bago, tanging ang huni lang ni Tayler ang nag-iingay sa sala.

Nagsimulang kumalam ang tiyan ko marahil gutom na. matapos kong ubusin ang isang basong tubig ay pinili ko nalang magtungo sa sala at umupo sa sofa.  Hihintayin ko nalang si Yenne para sa umagahan. Umakyat muna ako sa kwarto para makapagpalit.

Hindi rin nagtagal narinig ko  na ang malakas na boses nito. Nariyan narin siya matapos ang maraming taon. Bumaba narin ako dahil sa gutom.

“ Ya! Stop calling me soju! I am Che-ye-nne not Soju!”  sigaw ni Yenne.
Nagmumula ang boses sa harap ng pinto, Kinakausap  na naman niya siguro si Aji na system monitor nitong unit.

“ Magluto kana, gutom na ako,”  saad  ko  para makuha ang  atensyon niya,
naamoy korin ang dala nitong hipon. Mukhang namalengke pa siya. Hindi ko nalang ‘yon pinansin at  dumiretsyo agad ako sa sofa at naupo.

“ Phew! Anong magandang gawin sa hipon?” tanong pa ni Yenne ng makalapit ito sa’kin.
Napakunot-noo ako dahil  ang ingay ng takong ng heels niya.  Namalengke lang ang ginawa niya, nakaheels pa. Pambihira.

Bored na bored naman akong  binuhay ang TV, Pinatay rin ng marinig ang mga balita tungkol sa murder, Napakawalang kwenta.

“Adobohin mo nalang,” walang-gana kong tugon.

“ What? Ptt… anong adobo? Seryuso ka ba? Ngayon ko lang nalaman na inaadobo pala ang hipon,” nangi-insulto niyang sabi.

Sa’kin pa kasi nagtanong tsk nilaga at pritong itlog lang ang alam ko, malasado pa.

“ Iprito mo,” walang-gana ko ulit na saad.

Sinandal ko ang aking likod sa sofa.  Gusto ko siyang asarin, pustahan na napataas ang kilay niya sa biro ko. Hindi ito kumuntra at nagsimula ng mag-ingay ang heels niya papuntang kusina.

Kabisado ko na ang buong bahay kahit gano pa ito kalaki kahit sulok nito amoy ko kung saan.  Habang hindi pa tapos si Yenne sa pagluluto nagtungo ako sa balcony. Naupo ako ng marahan sa swing sofa na narito  kung saan katapat nito ang kabilang building. May mga lights dito na siyang nagsisilbing liwanag. Tulong kami ni Yenne para maayos ito.

light upon the DarknessWhere stories live. Discover now