Chapter 1

11 0 0
                                    

I smirked as I saw the girls from the quiz bee earlier. They were rolling their eyes on me. Duh? As if kasalanan kong natalo sila?

Sila kasi ang naunang sumagot ng last question but unfortunately, mali yung sagot nila so feel na feel ko na yung moment ko nang masagutan ko ng tama yung question. Well.

Catfight is definitely not my thing so I just turned my back on them and walked towards my adviser. Babalik na raw kami sa school.

"Congratulations Felinn! Kaya kampante ako kanina kasi alam ko naman na ikaw ang mananalo," sabi ni ma'am. Yeah, masyado nilang pinapalaki ang ulo ko and at the same time... tinataas ang expectations sa akin.

"I just did my best ma'am. Thank you po," I replied saka pumasok sa van.

Pagkapasok sa school ay binati agad ako ng Dean at ng ibang teachers. I just thanked them. Palagi namang ganito, walang katapusang congratulations ang natatanggap ko sa loob ng school year.

Tinignan ko ang relo ko bago pumunta sa classroom para kunin ang gamit ko. Fifteen minutes pa naman bago mag dismissal.

"Good afternoon po," I greeted the lecturer before entering the room. Nagkaklase pa pala sila. Nawala sa isip ko.

Nginitian ako ng lec at sinenyasang maupo. Excuse naman kasi talaga ako today dahil alam naman ng lahat na kasali ako sa Science quiz bee. 

Pagkaupo ko ay nag iwas ng tingin ang mga kaklase ko. Okay, I get it, masyado raw akong intimidating para sakanila. It's fine, the way they see me is not my problem. I don't even need to explain myself to them.

They say I am competitive, I am not friendly, and I am a cold hearted bitch.

Hindi ko nalang pinapansin kasi totoo naman.

Ang importante may manners ako. Lagot ako kina mommy at daddy kapag wala. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao? Na ang anak ng politicians, walang modo?

My mom raised me like this. Na dapat daw elegante ako, well-behaved, matalino. Nasa akin ang lahat ng pressure lalo na kasi anak ako ng tulad nila. I can't disappoint them. I guess, tama naman sila. Para rin naman sa akin to, right?

Nang mag dismissal na ay mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at nauna nang lumabas ng classroom. Alam ko naman kasi na pag uusapan lang ako sa loob, makikipag plastikan ng 'congratulations', tss. I am aware na hindi ako gusto ng mga kaklase ko, I wish they're also aware that the feeling is mutual.

Sabi ng parents ko, kailangan daw marami akong friends and marunong ako makisama sa mga tao but what can I do? They don't like me to be their friend, and I am not friendly at all. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa ayaw sa'kin. Besides, hindi ko naman sinusungitan ang mga kaklase ko. Kapag may sinasabi naman sila sinasagot ko naman.. tipid nga lang. Pwede na yun.

Pumasok agad ako sa kotse namin nang makita ko ito sa usual spot nito rito sa parking lot. Hinahatid-sundo talaga ako ng driver namin kasi nga.. delikado. Lalo na ako. My parents were receiving death threats almost everyday so I should take care of myself kung ayaw kong mamatay nang maaga.

While on our way, my phone rang. It was Clarisse, my cousin.

"Yea?" tamad kong sagot sa phone.

"OMG Congrats!" she exclaimed. Sabi ko na nga ba, kalat na naman sa ibang school na ako ang nanalo.

"Hmm, thank you," I said. Pagod na pagod ang utak ko para sabayan ang kakulitan nito. Siya lang ang nakakatiis sa kung sino at ano ako, magkadugo naman kasi kami.

"Walang kupas, grabe!" sabi niya pa. I just rolled my eyes kahit hindi niya naman nakikita.

"Hey, it was just a quiz bee. Not an international competition," I said, ang OA kasi ng reaction niya.

"Kahit pa 'no! I'm proud of you," sabi niya sa kabilang linya.

I bit my lower lip.

'I'm proud of you' are the words I love to hear.

But of course, I won't show it.

I'm scared to show emotions, kasi paano kung gamitin yun laban sa'kin?

It's one of the reasons why I built walls around me.

Alone but safe.

"Felinn? You still there?"

Natinag ako nang magsalita si Clarisse sa kabilang linya. Oo nga pala, may kausap pa ako.

"Yes. Thank you ulit," sabi ko. "I'll hang up, malapit na 'ko makauwi sa bahay."

"Okies! Have a good night ahead! See you soon. Miss ya!" Clarisse said before ending the call.

I just shook my head. She's my sweetest, energetic and loud cousin, completely my opposite. Kaya nagtataka ako bakit hindi ako nilulubayan nito. I mean, hindi ba siya naboboring sa'kin?

I smiled as I enter the house. Nasa sala si mom and dad. Madalas rin silang wala for work, at gabi na umuuwi kaya ngayon ay hindi ko inaasahan na uuwi sila ng ganito ka-aga.

"Congrats," salubong sa akin ni mom at hinalikan ako sa pisngi.

Sumunod naman si daddy na hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "You did well."

"Thank you po," tipid kong sagot saka pinaakyat na ako ni mommy para makaasikaso na ako.

Naligo ako at nagbihis bago bumaba para mag dinner. I hate eating with my parents because you know... ipipressure lang din nila ako.

"I'm glad you're doing well. Alam mo naman ang kapalit kapag bumaba ang academic performance mo, Felinn," sabi ni dad nang hindi nakatingin sa akin.

I know. Halos araw araw kung ipaalala niya sa akin na kapag bumaba ang academic performance ko ay ililipat niya ako sa public school at iuuwi ako sa probinsya, I'll live alone.

And I don't want that.

Naiisip ko palang ang public school nasistress na ako.

Fraternities..
Siksikan sa canteen..
Maingay na paligid..
Catfights..

Okay, baka nagsistereotype lang ako pero nakakatakot kaya! Hindi gano'ng environment ang kinalakihan ko kaya hindi ko alam kung paano ako mag aadjust sa ganoon.

Although sabi sa'kin ni Clarisse, okay naman daw ang public kasi doon ko makakahalubilo talaga ang iba't ibang uri at klase ng tao. Hindi tulad sa private na palaging matataas na uri ng tao ang nagiging kaklase ko. Doon daw ay mararanasan ko talaga maging teenager. She once studied in a public school. Minsan ay naiisip ko na kaya ganyan ang personality niya ay dahil doon. Ako kasi, ewan. I want peace and silence. That's all.

Nagpumilit lang talaga ako na sa private school ako basta raw galingan ko. I don't get it, may pera naman kami. Bakit kailangang pilitin ako ni dad sa public school?

Para sabihin ng mga tao na simple lang kami kahit politicians sila?

Maybe.

"Yes, dad," I replied.

"You are a Gajana. You are our daughter, you should impress everyone," mom said.

I sighed.

I've already accepted it.

That I am Ihara Felinn Gajana and I live in this kind of life.

•••

Okay so, sabi ko I'll write the chapters kapag tapos ko na ang BTM pero masyado ako naexcite HAHAHAHA. Pahapyaw muna hehe.

P.S The pronunciation of her name is i-ha-ra fe-lin ga-ha-na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His CompetitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon