II :: Tutor

45 28 1
                                    

I woke up feeling delighted knowing that Kuya granted my request. He allowed me to study but it's a homeschooling so my tutor will come here later and it excites me so much knowing I am going to learn new things again.

I look at Kuya who's standing at the door frame. Anong oras na ba? bakit nandito si Kuya? this is so unusual of him. Nasaan naman kaya si ate Plora? I will apologize to her, baka kasi dinamay pa siya ni Kuya.

"Kuya? why are you here?" tanong ko at humikab pa. Kinusot ko naman ang aking mata para makita siya ng maayos.

"Go down, mag-aalmusal tayo," said by him before leaving me without any goodbye. He didn't even greeted me good morning!

It sent excitement through my whole body. This is the second time I had a breakfast downstairs! Yay!

Nasaan si ate Plora? she should be brushing my teeth at this moment. Hindi ko na siya hinanap pa dahil hindi ko rin naman siya matatawag sa baba dahil bawal ko siyang tawagin dahil dapat siya ang kusang pupunta rito sa kuwarto.

Gusto ko sanang ayusin ang hinigaan ko kaso masyado pa akong maliit kaya hindi ko pa kaya na ayusin ang kumot at ang sapin ng kama dahil mabigat ito kaya naman pumunta nalang ako sa banyo.

Mataas din ang lababo at hindi ko maabot ang toothbrush ko na nasa cabinet. Tumingkayad ako at sinubukang abutin ang hawakan ng cabinet ngunit hindi ko inaasahang madudulas ang paa ko kaya naman nauntog ang kaliwang siko ko sa tiles ng lababo. Agad na napa-ngiwi ang mukha ko dahil sa sakit, gusto kong umiyak pero 'wag nalang. Malaki na 'ko at dapat hindi na ako umiiyak. Hinimas ko nalang gamit ang isa kong kamay ang siko ko na nauntog sa tiles upang maibsan ang sakit.

Bakit kasi ang taas ng mga kagamitan dito or sadyang maliit lang ako?

Buti nalang at abot ko ang toilet bowl kaya umihi nalang ako kaysa mag toothbrush, siguro naman ay hindi mabaho ang hininga ko. Nasanay na rin kasi ako na inaasikaso rito at hindi gumagalaw dahil ginagawa na ni ate Plora 'yon para saakin. Noong buhay pa sila Mama ay hinahayaan naman nila akong gawin ang mga gusto ko.

Sumasakit ang dibdib ko sa tuwing binabanggit ko sila Mama at Papa. Hanggang ngayon ay masakit parin na wala sila at miss na miss ko na sila. Ano pa bang magagawa ko? hindi ko naman sila puwedeng i-request kay Papa Jesus na ibalik sila saakin.

Bago lumabas ng C.R ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin kahit na ulo lamang ang kita dahil nga mataas ito.

Ang puti ko na. Sobrang puti at ang bilog kong mata lang ang naabot ko. Maraming nagsasabi saakin noon na mukha akong barbie dahil sa mata ko. Mas gusto ko pang maging kamukha si Tinky Winky ng teletubbies kaysa sa mga barbie na 'yan.

Binuksan ko ang pinto habang hinihimas parin ang aking siko. Masakit parin kasi talaga, mukhang nauntog siya ng sobra-sobra.

Birthday ko na sa susunod na araw. Hindi ko alam kung ma-eexcite pa ba ako lalo na't wala sila Mommy. Noong nakaraang taon kasi ay walang ganap sa birthday ko, ni birthday cake ay wala akong natanggap, kahit nga pagbati ay wala rin. Natulog akong tahimik na umiiyak noon dahil ang lungkot ng kaarawan ko.

Nakarating ako sa dining hall kung saan ako kumakain noon. Pagpasok ko ay abala ang mga katulong sa paglilinis at pagluluto habang si Kuya V ay nakaupo lang at katapat niya ang laptop niya.

Hiramin ko kaya laptop niya tapos ibato ko?

Gusto ko lang manood ng teletubbies dahil miss ko na sila Tinky-Winky, Dipsy, Laa-Laa at ang paborito kong si Po.

The Viscount's Captured Heart (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon