Nagsimulang mahulog ang loob ko sayo hanggang sa napatunayan kong Mahal ko na ang isang estrangherong tulad mo.
ngunit di malaman ang gagawin sapagkat puso'y naguguluhan pa din.
bawat araw ikaw ang nasa isip pangalang mo ay di mawaglit tila bagang nakaukit na sa aking pagkatao na kahit lumipas ang panahon ay hindi na mawawaglit.
Humantong ng ikaw ay ipinaglaban ko, halos mag'makaawa ako para lang iwan ako ng taong nagmamahal sakin, dahil nung araw na iyon ikaw lang ang aking nais makapiling
mali na ang mali, at hndi na magbabago ang nagawa ko pero nalungkot ako dahil sa sinabi mong
"Pasensya na hindi kita maiintay, may girlfriend na ko."
halos bumagsak ang aking mundo, pati puso at kaluluwa ko isinama mo, wala man lang natira sa sarili ko,
pero pasalamat na lang ako dahil hindi niya ko iniwan kagaya ng ginawa mo.-strangers ♡