1

253 9 0
                                    

NOTE

Cass and Veron's POV na lang this time. Give way sa dalawang haliparot na naudlot sa AOWT (A One Way Trip)

Hindi ho ito continuation ng harot nila Ly at Jade ha? Baka mamiss niyo HAHAHA

Cass's POV

Asan ba yung milk bottle ni Tori? Kung kelan aalis saka ako nakakalimot!

Tumunog na ang phone ko sa pang apat na beses ngayong araw. Another reminder para sa sarili ko na masyado na akong kumakain ng oras sa paghahanap at inaantay na ako nila tita sa bahay nila.

Certified lawyer na si Ly. Favorite talaga ni rold. Untouchable na to, baka kasuhan ako.

Hindi ako magkaugagang maghalungkat sa bawat madadaanan kong bag, bitbit ko pa din si Tori na namimilog ang pisngi at mukhang nabuburyo na din kakaantay sa mama niya.

"Wait lang baby ha? Hanapin lang ni mama yung feeding bottle mo saan ba kasi napuntaaaa. Yung tita Jade mo nagmamadali nang makita ang bebe ko." ibinababa ko saglit si Tori sa foam mat at hinayaan siyang maglibang muna.

Ilang minuto na ang lumipas nahanap ko na sa wakas ang feeding bottle na nasa maliit na bag pala ni Tori mula kanina pa! Kung di lang to bata pinatulan ko na to e.

Nilapitan ko na uli si Tori na naka abang na ang mga kamay para sa buhat ko. Pasalamat ka kamukha kita, hays apaka sweet ng anak ko rold, thank you.

Mukha na akong transformer sa dami ng bag na nakasukbit sa akin, dalawa sa likod ko para sa gamit ng anak ko. Habang si Tori ay nag eenjoy sa harapan ko, minsan iniisip ko kung nahihilo na ba to sa pagkaugaga ko.

Inilapag ko na ang lahat sa likod ng kotse at sineatbelt-an na si Tori sa likod. Safe na safe to, sa dami ba naman ng naka angklang seatbelt dito baka kahit mabangga kami, nakakapit pa din tong si Tori.

Hinalikan ko ang ulo niya at inabot na sa kanya ang paborito nitong laruang chicken legs. Tao ho itong anak ko ha baka mapagkamalan niyong aso, ako sasakmal sa inyo.

Bago pumunta sa driver's seat ay inayos ko na muna ang outfit kong nagkalukot lukot na. Hindi ako naging Fashion Designer para maging ganto kalosyang.

--

"Cass! Uy welcomeeee." niyakap ako ni Jade, parang may ari ng bahay ha.

"Aga mo naman? Dito ka na ba nakatira?" natatawang pang aasar ko.

Binitbit niya agad si Tori at hinalikan sa pisngi, "Hi Toriiiii, miss mo ba si Tita? Asan na yung chicken joy mo?"

Tuwang tuwa si Tori na nakikipagkulitan sa tita niya. Sarili kong anak parang gusto magpaampon sa iba e.

"Abunjing bunjing-- ay callsign na pala yun ngayon no? Okay lang yan baby pa din naman namin ang bebe Tori na to ih."

Hindi man lang ako pinansin napaka bastos.

Dumiretcho na ako sa loob at hinayaan na ang mag tita sa pinto, sinalubong ako ng nanay ni Lily.

"Iha, namiss kita." niyakap niya ako ng mahigpit, same old vibes si tita. Mala anak pa din ang trato samin.

"Mas namiss pa kita tita kaysa sa mga tropa ko, pede ka po ba iuwi saglit? Naiistress na ako kay Tori tita." pabiro kong sabi habang niyayakap ng mahigpit si Tita. Sinagot niya ako ng pagtawa.

"Asan na ba yung batang yon? Kaya ko nga kayo pinapunta para makita ko yung bata, asan na?" di magkaugagang hanap ni tita.

"Ayun ho sa sala, kinidnap na po ng manugang niyo."

Kasabay ng pagsulpot ni Jade na tuwang tuwa sa pagpalipad lipad kay Tori. "Grabe ka sa pag kidnap, cute cute nito e. Ay tita, si Tori po." inabot ni Jade ang maliliit na kamay ni Tori kay tita, ngiting ngiti ang dalawa at aliw na aliw sa anak ko.

"Kumain ka na Cass, samahan kita."

Napalingon ako, si Lily pala yung nagsalita.

Ang tensed pa din ng atmosphere naming dalawa. I know na walang kasalanan si Lily pero nafrufrustrate pa din ako. Gusto ko na lang tumambling patalikod para lang takasan tong nakakahiyang moment na to.

She still looked the same, pero mukhang masaya na siya. Good for her, minsan nakakainggit at hindi ko mapigil icompare yung sarili ko sa kanya. I know na mas maganda siya, pero bat siya lang yung blessed? Di mahal ni rold?

Kasi naman, ayun na nga e. Wala siyang ginagawa, kumbaga ba effortless pero siya pa din yung nanalo sa puso nung mahal ko.

Napakaimmature ko talaga mag isip, no wonder walang nagwowork na relationship sakin.

Asan na kaya siya? I'm sure mas better siya without me. Sino ba ang gugusto sa babaeng disgrasyada.

Kinurot ko saglit ang sarili ko.

'Grow up Cass. Hindi na kayo bata. Haharapin mo to soon kahit iwasan ko to ngayon. You are better than this self.'

Mukhang naka halata si Jade sa tagal ng pagsagot ko. Lumapit na siya at parang gusto na makisali para di kami ganto ka-awkward.

Huminga ako ng malalim. Apat na taon na, oras na para mag move on self. May anak ka na.

"H-hi Lily, tara?"

Nginitian niya ako at inangkla yung braso niya sa braso ko, katulad ng dati.

"Sira, anong hi. Ano ka others? tara kain!" natatawa niyang hatak sa akin.

"By! Bat ako di mo ginanyan?" nagtatampong habol ni Jade sa likod.
------

The Lost WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon