6

111 6 0
                                    

Veron's POV

"Is it not for the sake of revenge?" bigla niyang tinanong na ikabuga ko ng kape sa mukha niya. Nagkita kami uli, gusto niya linawin yung nangyari samin kahit sinabi ko na yung rason. This time, wala daw distraction. Iniwan ko na muna si Tori sa mga tita niya na tuwang tuwa nanaman.

"Veron? Seryosong tanong ba yan?" seryoso kong tanong. Come on, bakit niya sasabihin yun?

"Sorry for the rudeness but it keeps hunting me, you know?"

Pinigilan ko ang sarili ko magalit, she deserve an explanation naman talaga.  "Di ko ginawa to para makabawi ako sa ginawa mo. I got lost okay? Huling naaalala ko after kong magpariwala that day, nandon na ako sa sitwasyon na yun. Hindi ko ginusto Veron, ikaw yung gusto ko. Nasaktan lang talaga ako to the point na naging unreasonable na yung mga ginawa ko." Totoo naman, naging pabaya ako. "I'm sorry, alam kong mali but I hope mapapatawad mo ko pag ready ka na."

"I will, surely. It takes time. Well as you can see it took me years before I manage to face you again." nakikita kong nagpipigil siya ng iyak habang nakatingin sakin, "I loved you Cass, we are both aware of that."

Bumuntong hininga siya at may nilabas na maliit na kahon. Binuksan niya at tinitigan muna ng matagal bago ipakita sakin. Kwintas na may nakasabit na singsing. Hindi ako makareact agad. Magpropropos-

"Don't get the wrong idea."

Ok.

"I mean yea that was supposed to be yours but-" napakamot siya ng ulo. "We fcked up so I held on it for awhile. Waiting for the right moment where I can face you again."

Sa kung anong dahilan kumirot yung puso ko sa itchura niya habang nilalabas yung kwintas sa box. 

"I'll keep this one for now." 

Ha?

"H-ha? e bat mo pinakita sakin??" nalilito kong tanong, ano yun? pinakita tas itatago uli?

Ngumisi ang bakla at binigay sakin ang box. "So you can keep this one." Tumigil siya saglit at ginamit yung tagalog niyang may kalawang. "Tago mo, bigay ko sayo after ko mapatawad.." halos machoke pa siya sa susunod na salita. "Ikaw-"

"Mag english ka na lang hindi naman ako bobita."

Tumawa si Veron at parang naiinis na inabot sakin ang box. "I'm trying to take you seriously but d*mn you have a way to get on my nerves." 

Kinuha na niya ang mga gamit niya at hinalikan ako sa pisngi, magpapaalam na. "Keep the box. When I feel like everything's settled and I can love you again, I'll give the necklace."

---

Nakauwi na ko't lahat pero yung isip ko naiwan ko ata sa tabi ni Veron. 

"Anong nangyari sa mama mo bb Tori?" tanong ng intrimitidang bakla na nakikibahay sakin ngayon.

Wala na akong time para magsungit pa, andito naman na din tong si Jade; bigyan ko na ng kwenta.

"Sa tingin mo ba gusto pa din ako ni Veron?" tanong ko habang patuloy na hinuhugasan yung mga pinagkainan namin.

"Anong malay ko sa inyo. Kayo yung nagkit-" tinignan ko agad siya ng masama, mapapalayas ko to ng wala sa oras. "P-pero yea, syempre naman, parang tanga."

Bumalik na ako ng tingin sa ginagawa ko, "Nakamove-on na kaya kay Lily yun?"

"Dapat lang."

Natawa ako bigla, "Kung makareact ka dyan parang di ka engaged kay Lily. Hindi naman na aalis sa paningin mo yun."

Dinaan na lang niya sa tawa yung sinabi ko, nakita ko na lang siya na binubuhat buhat yung pusa nila ni Lily na parang pinaglihi sa sama ng loob.

"Alam ko naman, grabe lang talaga magalit pag lawyer no? Walang takas kahit fiance." malungkot na tono niya.

Akala ko ba ako yung magdradrama dito-

"Ano nanaman kasi ginawa mo? Ilang years na kayo parang mga bata-"

Suminghot singhot na nga, "Di ko napakain si Chubs saglit e. Gumagawa ako ng lesson plan saka natuwa makipaglaro kay Tori. Nirecite na sakin yung R.A 8485, animal neglect daw, ayaw papayatin tong pusang to."

Parang mga tanga.

"Pinadala sakin si Chubs ngayon para daw matuto akong mag alaga ng maayos, diba? Parang ang sama ni Ly sa part na yun." pag mamakaawa pa ng bakla.

"Ewan ko sa inyo, dadamay niyo pa ako prinoproblema ko pa tong si Veron e." naiirita kong sagot. 

Seriously, ano bang gusto mong gawin Veron?

"Baka gusto lang ng closure?" suggestion ni Jade. May point naman, baka gusto mabalik yung friendship naming apat.

"O baka gusto na iend yung sa inyo ng maayos?" Oo nga, kasi diba umalis siya ng walang paalam that tim-

"Ay feeling ko gusto niya bumalik sayo?" Luh, parang tanga pero b-

"Baka an-"

Binato ko siya ng kutsara sa inis, napaka daming sinusuggest di matapos yung inner dialogue ko.

"Gulo mo gag*."

Napatingin ako kay Tori, sh*t baka gayahin niya paglaki yung mga sinasabi ko.

Napatingin naman sakin si Jade na parang natatanga sakin.

"Nanay ka ba, deaf si Tori remember?"


The Lost WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon