Bestfriends since elementary hanggang sa ngayon, laging magkasama, laging magkakampi sa lahat ng bagay.. parehas makulit, parehas magulo, parehas mahilig mantrip, parehas siraulo.
Tanda ko pa noong highschool lagi kaming pinapagalitan ng mga teacher kasi sobra yung mga pantritrip namin, lalo na si Mrs. Albueva, sobra niya kaming pinagalitan noon kasi imbes na si Ivan ang tatamaan ng nakaready ng trap sa may pintuan eh kay 'cher pala nakatadhana yun, swerte ni 'cher bagong rebond pa siya nun ha ang ending tuloy eh sermon ang binigay niyang lunch break samin..
"Mrs. Albueva, 'cher naming maganda, napatawad niyo naman na po kami di ba? Labyuuu 'cher."*Tawanan ng madla ..*
Di naman sa pagmamayabang pero favorite nila kaming duo and at the same time kinakainisan.. Astig no?
College days, eto na ang pageevolve namin sa pagiging malala.
Mas dumami ang trip, mas naging magulo, mas umingay at nagkaroon ng maraming chics etong si A, buti nalang kaclose ko silang lahat at wala pa namang nanabunot sa akin. Thank you sa gabay, G!*Tawanan ulit .. *
Ginawa akong shield netong mokong na to, pag may problema sa babae ako ang hinaharap, spokesperson ampota! Nagthank you kana ba sa akin A?? Thank you, thank you rin pag may time. Ano sagot?!
A : THANK YOU mga 1M! HAPPY?AMPOTA! PINAPAHIYA MO AKO!
*Tawanan pa ulit ..*
Yaaaaaaarn! Welcome A! Dali ka boy!
So eto na naging shield, naging spokesperson, naging thirdwheel, tapos di ko na idedetalye pa yung iba kasi masama na tingin niya sa akin oh! KJ!*Tawang tawa pa rin talaga ang madla ..*
A, my dearest best friend, my soulmate, my ride or die.. Thank you sa lahat-lahat. Sa mga memories na malala, sa pananatili mula umpisa at alam kong hanggang sa huli nandyan ka para sa akin. Sobrang saya ko dahil sa wakas nagbago kana .. totoo talaga ang himala, stick to one kana! Cheeeeers mga kaibigan!
Madla : CHEEEEERS!!!!!!
Nasabi ko na ba sayong napakaswerte ko kasi meron akong ikaw?
*Natahimik ang madla habang nakangiti at parang iiyak naman si A*
Gulat na gulat lang mga kaibigan? Ano ba yan! Porke napakacheesy ng linyahan kong yun??!
Back to my A .. yeeeee.
I love you A, alam mo yan. Masaya akong nakilala kita, nakasama kita, masaya akong naging parte ng buhay mo, masaya akong binwisit ang buhay mo ..A : BINIGYAN MO NG ANGHANG ANG BUHAY KO!
Madla : Eeeeeeeeeewwww!!!
A : Makaeww naman kayo! Akala niyo naman!
Madla : Ano??????!!!!!!
A : Tangina niyo!
Last mo na yan boy! Hahahaha.
*Tawanang malupet ulit .. *
Proud ako sayo, A. Sobrang proud. Natupad natin lahat ng mga pangarap natin sa buhay. Yung dating pinag-usapan lang natin na mga pangarap sa may silong ng mangga sa may likod ng eskwelahan na napag-usapan din natin sa kainan ni aling ising sa may sagigilid at sa iba pang lugar na tago na di pa rin pwedeng sabihin kung saan kasi "atin lang yun"
Ang bilis ng panahon ano?
yung mga pangarap na pinangarap lang natin noon heto na yun ngayon, nakuha na natin ang ilan. Tang-ina! Napakasolid!(Umiyak na ng tuluyan ang mokong..
Hagulgol pa nga! )Ilang taon na tayong magkakilala pero ngayon lang kita nakitang umiyak ng ganyan! Di mo bagay kaya tama na! Nahahawa na ako sayo! Sayang ang make-up ko!