update update na ulit medyo sinisipag eh
_________________________________________________________________________________
ELLAINE'S POV
naalipungatan ako sa nanggising sa akin.
"hello Sleeping Beauty baka gusto mo nang gumising 9am na kaya."
"eh ano ngayon alam mo naman na puyat ako diba kaya wag mo nga akong istorbohin."
"aba at matapang ka pa baka nakalimutan mo na yung kasalanan mo kahapon." sabay kuha at bato sa akin ng unan na nasa pagitan ng hita ko.
"kuya naman hindi naman kasi big deal yun eh kaya please lang huwag mo na muna akong gisingin."
"anong hindi big deal yun, alam mo bang andito yung mga kaibigan ko kahapon para ma-meet ka lang nila tapos yan pa sasabihin mo sa akin."
"kuya ang OA mo ka lalaki mong tao ang drama mo alam mo ba yun."
"eh kung hindi mo na dinadagdagan yung bwisit ko baka patawarin pa kita."
"kuya naman ano ba pakielam ko sa mga kaibigan mo."
"wala."
"oh alam mo naman pala bakit ganyan ka pa makapag-react, lumabas ka na nga tatayo na ko nawala antok ko sayo eh."
Krrrrrrrrringgggggggggggggggg...............
"Ellaine phone mo."
"sige umalis ka na sasagutin ko yung phone."
"sige iintayin kita sa baba ha."
"ok."
lumabas na din si kuya at kinuha ko na yung phone ko para sagutin yung tumawag at pagtingin ko naman sa phone ko si Kevin yung tumawag.
"good morning."--si Kevin
"ano naman maganda sa morning?"
"naku ewan ko naman sayo parang laging may bagyo sa inyo."
"ano ba balita sa trabaho."
"ay oo nga pala kinalawang ka na ba."
"bakit?"
"meron ka nang gagawin kaya lang kasama mo daw ako kasi baka mapahamak ka lalo na napahinga ka ng matagal."
"sige ok na yun what time tayo magkikita?"
"kahit mga 2pm siguro tayo magkita ako na lang maghahatid sayo papunta doon."
"ok. bye."
Toot toot....................
naligo muna ako saka ako bumaba at nadatnan ko sila mommy at kuya na naghihintay sa akin
"huwag mong sabihin na aalis ka na naman?"--sabi ni kuya lupet naman nito si mommy nga relax lang siya talo pa niya si Daddy kung makapanermon
"ah eh galing mong manghula ahh."
"huwag mo na nga akong inuuto walang aalis ng bahay."--si kuya pa rin at ayun si mommy walang pakielam nanonood lang siya sa amin putek naman oh.
"pero may trabaho ako ngayon."
"lalong hindi ka aalis."--ayan sumagot na rin si mommy pero parang mas gusto ko pa na tumahimik na lang siya eh
"yan nag hindi pwede pumayag kayo na magtrabaho ako tapos pagbabawalan niyo ako ngayon umalis."
"sige na paalisin niyo na yan kesa naman sa takasan pa tayo niyan."--yes naman buti na lang dumating si daddy may kakampi na ako
BINABASA MO ANG
my wife is assassin (dangerous girl meets her match)
Teen Fictionano ang gagawin mo kung ang pinakamamahal mong asawa eh isang assassin? Iiwan mo ba siya oh susuportahan sa oras na nasa panganib na siya?