WAKEUP DREAMERS

12 0 0
                                    

"STOP! you're not helping, Cheska! " sigaw ko sa kaibigan kong walang ginawa kung hindi asarin ako.

"What? You should be happy kasi napakarami kong suggestion!" sabi naman nito na parang napakalaki na ng naitulong n'ya.

"Anong masaya? e puro bastos naman 'yang mga pinag sasabi mo! Give him an XXL con—What the hell, Cheska? Spare me, i'm not like you!"  halos sumabog na wika ko rito, D'yos ko! ano ba naman ang iniisip nitong babae na 'to?

Napakarami pang sinabi ni Cheska ngunit hindi ko na ito binigyang pansin at isinulat nalang sa isang notebook ang mga bagay na kailangan kong bilhin para sa kaarawan ni Led.

Mas mahalaga pa 'to kesa sa mga daldal n'ya, duh! That's my honebunchbabypie's birthday!

"Alam mo Ara? 'wag ka ng umasa sa Led na 'yan. Girl, alam kong matalino ka pero hindi ka tanga!" gigil na wika nito, napairap nalang ako sa kanya.

"Ewan ko ba sa 'yo, Cheska. Alam mo namang gagawin ko lahat mapansin n'ya lang ako." sagot ko naman dito.

"Ang akin lang naman, girl. Napakarami pang lalaki riyan na mas matino, hindi katulad n'yang si Led na fuckboy!" tumayo ito at iniwan ako, mag papalamig siguro.

Hindi ko s'ya masisisi, Led is my long time crush, ewan crush pa ba ang tawag do'n and yes he's a player that's why she really hate him.

--

"Tapos kana ba riyan, Ara? Kanina kapa paikot ikot!" inip na sabi nito habang nakatingin sa akin.

" Wait lang! kinakabahan ako! Can't you see? it's Led's birthday party!" naghihisterang sabi ko rito.

kung alam n'ya lang kung gaano ako ka excited, hindi ko nga alam kung anong oras na ako nakatulog at kung natulog paba ako.

MATAPOS KONG pakalmahin ang aking sarili ay sumakay na ako sa sasakyan ni Cheska papunta sa Mansion nila Led.

Gosh! It's my first time. Ma mi-meet ko na ba mga in-law ko? Oh my feels! kinakabahan ako!

"Grabe, Ara. Kalmahan mo para namang kilala ka nung tao, e hindi nga n'ya siguro alam na nag e-exist tayo." natatawang sabi ni Cheska.

Masakit pero 'yon ang totoo. Naalala ko isa nga lang pala ako sa mga hamak n'yang taga hanga.

Lumipas ang ilang minuto ay biglang bumagal ang takbo ng sasakyan na kinalolooban namin, nasa venue na siguro kami.

Walang gana akong lumabas ng sasakyan at inayos ang aking suot.

Humarap si Cheska sa akin, "Smile, Ara. Parang kanina lang excited na excited ka ah? Ano, iuuwi na ba kita?" natatawang tudyo nito, wala akong nagawa kun'di suklian ito ng isang pilit na ngiti.

Grabe, hindi pa nag sisimula parang pagod na ako.

NAG SIMULA kaming maglakad ni Cheska papunta sa entrance para ipakita ang invitation card na binigay sa amin.

Matapos naming ipakita ito ay pinapasok na rin kami. Bumungad sa amin ang mga maingay at puno ng taong venue.

Naupo kami ni Cheska sa pwestong pinakamalapit sa stage.

Mayamaya lang ay nag simula na ang party at mas lalong umingay ang paligid. Inabutan ako ni Cheska ng wine na agad ko namang ininom.

"Ara, palabas na s'ya!" bulong ni Cheska na halatang may tama na.

Pumunta sa gitna ang Emcee kasama si Led na hindi ko agad nakilala.

With his freaking hot Black tuxedo, blue eyes and devilish smile.

Tumigil ang pag papantas'ya ko ng marinig ang sunod na sinabi ng Emcee.

"— Ledui Montero and Camilla Ladezma's Engagement party, again Congratulation and Happy birthday!" masayang wika ng nagsasalita.

Umawang ang labi ko at unti unting tumulo ang aking mga luha.

And i realize. I'm just one of the girls out there na nanalanging sana sila nalang ang babaeng nasa tabi nito

Mapait akong tumawa at nag simulang ayusin ang aking mga gamit.

"Let's go, Cheska." aya ko kay Cheska na hanggang ngayon ay walang tigil paring umiinom.

"C'mon, Ara. Face the reality and let it slapped you hard." tumatawa nitong wika habang umiiling pa.

may tama na nga s'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONESHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon