CHAPTER 2

365 19 15
                                    

A week later.

NiKi's POV

Papasok na ako ng school ng makita ko si Sunoo bumaba ng kotse niya. Kaya napatakbo ako papunta sa kanya.

" Yow, Sunoo. Ba't dito ka bumaba? " bungad ko sa kanya medyo nagulat siya dahil kababa pa lang niya.

" Good morning, Ni-Ki.. Wala lang, ayaw kong mahirapan ang guard sa kakabukas ng gate, ikaw ba't nandito ka? " respond niya naman sabay ngiti.

" Same reason naman. Nagmamadali kasi si papa, kaya hindi na siya pumasok sa school. Wait, hintayin na lang natin 'yong iba, nag-text si Jay na padating na sila nina Sunghoon at Heseung. "

" Sige, by the way Ni-Ki. May tatanong ako sa iyo."

" Sure, kahit ano, basta ikaw.. "

" Matagal na ba kayong magkakaibigan? "

" Oo siguro simula pa noong bata kami pero si Sunghoon, Jay at Heseung talaga ang mas close sa isa't- isa kasi, close din ang family nila. Kami ni Jungwon at Jake nakilala namin sila noong elementary kami. "

Biglang yumuko si Sunoo.

" Siguro marami na kayong masasayang alaala sa isa't- isa. -------" he paused for a bit " kasi ako hindi ko naranasan magkaroon ng mga kaibigan.. siguro si Andrea lang ang meron ako noon. " he added.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kasi, puro kalokohan lang naman ang alam ko. Pero ramdam ko ang lungkot ni Sunoo nung sinabi niya yon.

"Di bale, Sunoo. Gagawin ko ang lahat maging masaya ka at ma-enjoy mo ang school year natin.. Nandito lang kami. " Inakbayan ko siya. Nag-alinlangan akong tanungin si Sunoo. Pero dahil curious ako. Bahala na.

" Sunoo? "

" Hmm? " tumingin ito sa akin. He looks like a lost puppy.

" Pwede bang magtanong? "

"Sure.. "

" Bakit parang hindi ka sanay sa mga tao tas sobrang tahimik mo pa, may nangyari ba sa iyo noong bata ka pa? " Ayun nasabi ko rin.

" Hindi sa hindi ako sanay sa tao, hindi lang ako marunong magsocialize sa iba kasi, paano ko ba sasabihin to.. Kasi alam mo nung------------" Mukhang sasabihin na ni Sunoo, ang reason niya ng biglang dumating sina Jay, Heseung, Jake at Sunghoon. Lakas talaga ng timing niyo!

" Hey, ba't parang ang seryoso ng pinag-uusapan niyo? " Tanong ni Jay.

" Mukhang seryoso ba? Then, salamat sayo hindi na matutuloy.. " inis kong tugon sa kanya

" Bakit, anong meron? " tanong ni Jake.

" Wala naman, wait---- sandali Jake, ba't ang aga mo? " tanong ko naman kay Jake.

" The early bird catches the worm, alam mo ba yan, NiKi? " sagot niya.

" Early bird ka jan, ang sabihin mo pinuntahan ka ni Heseung sa bahay niyo."

" Sinabi mo pa, alam niyo ba pagdating ko sa bahay nila, ang sabi ng mama niya ay naliligo na, pagcheck ko sa taas, oo naliligo nga siya----naliligo sa laway sa loob ng cr. " sabi naman ni Hee.

" Hoy, grabe ka naman. Nakaidlip lang naman eh " paliwanag ni Jake.

" Ikaw talaga, tara na. " Jay said at nagsimula ng maglakad.

Pumasok na kami ng campus at nadatnan namin ang masipag naming president sa hallway ng senior building.

" Woonie, ang aga natin ha. Anong meron?" Hee asked.

Straight to my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon