Chapter 2 - Ikalimang Yugto

1.8K 100 5
                                    

Natutunaw ang puso ni Roanne habang pinagmamasdan ang mag-ama niya. Nakaupo sa malaking swivel chair si Javier sa likod ng desk nito at kandong si Aki na nawiwili sa ginagawang plates ng binata. Panay ang tanong ng bata. Sinasagot naman ito ni Javier nang walang pagkainip.

Ikatlong araw na nila rito. Nag-extend sila para matapos ng nobyo ang iilan sa mga urgent projects nito. Bagamat tambak pa rin ang ibang dokumento na kailangan nitong pagtuunan ng pansin. I-uuwi raw nito ang mga iyon sa Martirez at doon na aasikasuhin.

Sumulyap ito sa kanya at kinindatan siya. She can see her face turning crimson from the glass window across her. Inirapan niya ito ng malambing at binalingan ang cellphone niyang nagvibrate sa ibabaw ng mesitang nasa harapan niya.

Si Miles ang tumatawag.

"Miles?" Tumayo siya at naglakad patungo sa terrace ng opisina. Banayad na humalik sa mga pisngi niya ang mabining simoy ng hangin mula sa kalakhang bahagi ng abalang siyudad.

"Roanne, I think Kreed Andromida is hitting on you! Tinawagan niya ako ngayon lang, he asked me to set up a dinner date with you." Sabik at kinikilig ang tono ng kapatid niya sa kabilang linya.

"Anong sinasabi mo?" Wala sa sariling napukol niya ng tanaw ang nakabukas na tinted glass panel.

"I want you to grab this opportunity, Roanne. Kreed is a good guy and he is pretty much single."

"You're crazy! Single siya pero ako hindi na. Baka nakakalimutan mong may fiance ako at anak? Miles naman, pati ba ako ibibinta mo?" naiiritang sikmat niya sa kapatid.

"Please, for me? I need to earn his trust. Karamihan sa upcoming projects na gusto kong makuha ay nasa Saturn. Help me make a good impression. Just one dinner date, please!" pagsusumamo nito.

Hindi na bago sa kanya ang kalakaran sa showbusiness, lalo na kung walang malakas na kapit sa industriya ang isang artista. Magiging dakilang barbie doll muna ito bago magkakaroon ng malakihang break. Aminado siyang dati sa kanyang panahon ay hindi niya iyon naranasan dahil may pangalan na si Miles sa showbiz at pino-protektahan siya nito. Magiging patas bang sa pagsadsad nito ay siya ang aapakan ng kapatid upang umangat itong muli? Pero kung tatanggi siya, lalabas siyang walang utang na loob.

Muntik na niyang mabitawan ang cellphone nang makitang nakatayo si Javier sa may bukana. She forced a smile to him and avoided his eyes. Lupaypay ang mga balikat na ibinaba niya ang cellphone at hindi man lang nagpaalam kay Miles. Hahabol na lang siya ng chat mamaya.

"Tapos ka na?" tanong niyang siniglahan ang boses.

"Gutom na si Aki. Do you want to go down , or I'll ask somebody to bring the lunch here?" Sinisipat nito ng sulyap ang cellphone na mahigpit niyang hawak.

"Ikaw, okay lang sa aking bumaba."

"Fine, let's go down." He reached out his hand to her.

Humawak siya roon at nagpahila rito. Sinaklot muna nito ang pang-upo niya at sinilyuhan ng mapusok na halik ang kanyang labi. Sumabit pa siya sa pundilyo nito at inangat nito ang kanyang hita. Kung wala silang damit malamang ay naipasok nito ng walang kahirap-hirap ang pagkalalaki sa kanya.

"You have no fucking business being this delicious, you freaked my mind," he said hoarsely.

"Javier," habol niya ang hininga at nagliyab ang puson dahil sa labi ng lalaking nagkulay-dugo.

Pilit siyang dumistansiya sa nobyo. Baka magkalat na naman sila. Nakasilip sa kanila si Aki mula sa gawi ng desk at nakasimangot. Buti na lang at nasa likod sila ng glass panel. Inayos niya ang sarili.

Habang lulan ng elevator pababa ay nag-message siya kay Miles.

Her: Just one dinner date, just one.

She sighed and kept her phone back inside her clutch bag. Hindi niya kayang talikuran ang kapatid gaya ng hindi nito pagtalikod sa kanya noong siya ang nasadlak sa kahirapan. Sinamahan siya nito hanggang sa pagkakasala niya kay Anne Marie. Naging accessory ito ng krimen, dahilan kaya bumagsak ang career nito.

BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHMENT ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon