Perfect..

30 0 0
                                    

Author’s note:

                Love, marami sa atin ang nagtatanong kung ano nga ba ang LOVE, marami na rin sa atin ang nagtangka, nagtatangka at tatangkaing maranasan ito sa kanya kanyang panahon.. Matanong ko nga.. ikaw, naniniwala ka ba sa Love, Lovestory, First Love, Puppy love, eternal love, everlasting love at love the way you lie?, marami sa mga nakakahalubilo ko sinasabi nila ang gusto nila ay iyong EVERLASTING love & ETERNAL love, ung bang tipo raw ng pagmamahal na habang panahon ay consistent ung pagmamahal, walang labis walang kulang, saktong sakto.. marami rin sa kanila ung nakaranas na ng Puppy love ung bang love na “love-lovan” lang, ung tipong love na hindi mo alam kung love nga ba o crush o infatuation o lasing ka lang at delusional nung mga panahong nagustuhan mo ang isang tao.

                Maraming klase ng love pero balibaliktarin mo man ang ulo’t balun-balunan mo love parin yon. Love love love love love isang napakaigsing salita ngunit napaka kumplikado bakit pa nga ba kasi naimbento ang love! Haha..

                Ayon so, ito actually hindi ko pa alam kung ano itong gagawin ko kung kwento nga ba o ano, ahaha basta kung ano man ito sana pagtiyagaan mong basahin.. ibat ibat mga bagay bagay tungkol sa love.

-Karl David Santiago

 “Perfect”

                Isang hindi inaasahang pagkakaibigan ang nabuo sa gitna ng dalawang taong hindi mo talaga aakalaing magkakasundo sa unang tingin.

                Matangkad, maputi, matalino, crush ng bayan at lagging hinanhangaan;  yan si Mark, isang labing limang taong gulang ng magaaral sa isang Mataas na paaralan o highschool, kung akala mo pisikal lang ang kanyang alindog, nagkakamali ka dahil siya ay matalino, mayaman at napaka “ideal boyfriend” kung tutuusin. Kabilang siya sa isang samahan ng mga kalalakihang exceptional at nakaaangat sa kanilang paaralan ngunit nahirang na mga pasaway at public enemy dahil sakanilang walang katumbas na kayabangan at kasuklaman ng kanilang mga kalokohan..

                Itong si mark ay almost “perfect” na kung iisipin pero kung iisipin mo, tao rin lang siya at merong kahinaan o “weakness” at ang kanyang weakness ay ang kanyang bestfriend na si Pauline J, Kamag-aral niya ito mula elementarya at sila ay magkababata. Kung aakalain mong pipitsuging babae lang itong si Pauline ay nagkakamali ka dahil si Pauline ay isa sa kandidato sa  “Honor roll ”  ng pinakamataas na pangkat sa kanilang paaralan, editor-in-chief ng school paper, Muse ng Student Council at galling sa pamilyang alto-sosyedad or sa medaling salita ay mayayaman at kilala..

                Si Mark at Pauline ay magkababata, nagsimula ang kanilang pagkakaibigan sa isang playground na malapit sa kanilang tinitirahang subdivision na exclusibo at para lamang sa mga may kaya at piling mga personalidad, Sa ilalim ng isang malaking SLIDE sa playground nakita ni Pauline si Mark na umiiyak sapagkat siya ay na-Bully ng mga malalaking mga bata at kinuha saka sinira ang laruan binigay ng kanyang pumanaw na ama tanging ito nalang ang nalalabing alaala nya sa ama kaya’t napakaimportante nito sa kanya. Nang malaman ito ni Pauline agad niyang pilit binawi ang laruan ng kaawa- awang si mark ngunit hindi niya nagawa sapagkat tumakbo papalayo ang mga nanguha nito at hindi na nila naabutan.

Pauline: Pasensya na hindi ko na nabawi ung laruan mo.

Mark: (umiiyak) tanging un lang ang nagbibigay na ligaya sakin, bigay un saakin ng aking ama.

Pauline: Uy! Tahan na wag ka ng umiyak! Ngumiti ka na! lilipas din yan.

Mark: (pinunasan ang luha) Importante talga sakin un e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon