Napilitan akong imulat ang aking mga mata dahil sa ingay na ginagawa ni Kuya Zheion.
Pag-bangon ko ay kaagad niya akong niyakap.
“ K-kuya, bakit naka-impake mga gamit natin?”, tanong ko rito habang kinu-kusot ang mga mata ko.
“ Just don’t ask okay? Listen to me Rhye, mahal na mahal ka ni kuya”, sagot nito na may kasamang pag-tulo ng luha.
Hindi ko man maintindihan kung ano ang nangyayari ay kaagad na lang ako sumunod sa sinabi niyang dahan-dahang umalis ng bahay.
Bago pa man kami makalabas ng pinto ay napahinto kami ng may marinig akong yapak ng mga paa, sa tingin ko ay marami sila kaya’t sumilip ako mula rito sa pinag-tataguan namin.
“ Sigurado ako may anak ‘yong mag-asawa na ‘yon, hanapin n’yo nasa tabi-tabi lang ‘yon.”
Nakaramdam ako ng takot, ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit, niyakap lang ako ni kuya Zheion habang tahimik kaming naka-tago rito sa ilalim ng lababo.
“Rhye, Rhye, gising”, ramdam ko pa rin ang init ng yakap ni Kuya na siyang naging dahilan para makatulog ako kanina.
Pag-labas namin sa silong ng lababo ay tahimik ang bahay, walang bakas na may tao pa rito.
Pinuntahan namin ni Kuya ang kwarto nila mama, at pag-pasok namin doon ay isa isa ng pumatak ang mga luha sa mata ko.
“ M-mama”, wala akong nagawa kundi yakapin ang malamig na bangkay nilang dalawa ni papa, habang si kuya naman ay tahimik lang sa gilid at pilit na pinipigilan tumulo ang mga luhang iyon.
“ Kuya, wala na sila, kuya iniwan na tayo nila mama, kuya wala na, wala na”, paulit-ulit kong sambit sa mga salitang ‘yon.
Pakiramdam ko ay niyayakap ako ng tinik at ang aking puso ay bumabagal ang tibok, ang aking mga mata ay tila ba isang gripo na walang lubay ang agos ng mga maalat na luha na hinaluan ng poot at hinagpis.
Si kuya Zheion naman ay nakabaluktot lamang at nakatingala, hindi ko alam kung ano pa ang mga nakita niya, nilapitan ko na lang ito at niyakap.
Blangko ang mga mata niya, at mababasa mo roon ang mga salitang nais niyang isigaw, ang mga kamay niya ay naka-ikom at ang kanyang panga ay nanga-ngalit na para bang may nais siyang gawin.
Pag-katapos naming mag-luksa ng ilang araw ay umalis na rin kami sa bahay na ‘yon, at humanap ng lugar kung saan ay haharapin namin ang panibagong mga araw na wala nang ma-gigisnang ama at ina.
BINABASA MO ANG
The Surgeon
Mystery / ThrillerAng magkapatid na sina Zheion ang pinakamatanda, at si Rhye ang bunso lamang ang natira sa pamilyang Dawson matapos paslangin ng napaka-brutal ang kanilang mga magulang. Ito ang naging dahilan kung bakit may namumuong galit sa puso ni Zheion. Siya n...