Chapter 6

4 2 0
                                    

"Let the Love begin"

-Pagpapatuloy-
Umuwi muna si Gavin sa bahay nila upang kumuha ng mga kasuotan at kaniyang mga gamit. Ngunit habang nag aantay si Cedric ay hindi ito mapakali balisa at palakad-lakad.

-kinagabihan-
*may kumatok sa pintuan*

Cedric,

"Nandiyan na siya, bubuksan koba o papauwiin ko nalang siyaa AAAAAA *natatarantang sinabi sa isip ni Cedric*"
"Kaya koto, bubuksan ko lang naman eh"
*binuksan ang pinto*

Gavin,

"Sup.....pwede naba kong pumasok?"

"Oo pasok ka" *awkward* tugon ni Cedric.

Cedric,

"Uhmmm, alam kong hindi kapa kumakain kaya magluluto muna ako ng hapunan naten"

Gavin,

"Marunong ka mag luto? Hindi ko alam na marunong ka pala"

Cedric,

"Simula bata palang kasi tinuruan nako mag luto ng mama ko kaya ayun nasanay nako, tsaka palagi akong mag isa dito kaya natuto akong asikasuhin ang sarili ko"

Namangha si Gavin kay Cedric natahimik ito at hindi alam ang kanyang sasabihin.

Cedric,

"Ayan luto na"

Gavin,

"Patikim nga....... Mmmmm ang sarap!!"

Cedric,

"Actually specialty koyan Pininyahang Adobo pero may onting tamis" Nahihiyang sinabi ni Cedric.

Sabay na kumain ang dalawa sarap na sarap si Gavin sa luto ni Cedric na pagkain at labis naman ito na ikinatuwa ni Cedric.

Gavin,

"Cedric may dumi sa bibig mo"

"Saan? *hinawakan ang bibig*" tugon ni Cedric.

"Ako na nga, *kinuha ang kanin sa may bibig ni Cedric*" Tugon ni Gavin.

Nagulat si Cedric sa ginawa ni Gavin kaya natahimik ito at tumuloy sa pagkain. Nang natapos sila kumain ay naghugas na ng pinggan si Gavin at pumunta si Cedric sa kwarto nito upang ihanda ang kanilang tutulugan.
*pumasok si Gavin sa kwarto*

Gavin,

"Tabi ba tayo sa kama matutulog? GAME ako diyan!" Masayang sinabi ni Gavin.

Cedric,

"Anong tabi?.... diyan ka sa baba matutulog sa lapag, ito oh inaayos kona nga yung hihigaan mo" *pinakita ang hihigaan ni Gavin*

Gavin,

"Ano bayan" nadismayang sinabi ni Gavin.
"Sige na tutulungan na kita jan...."

Cedric,

"Ako na kaya kona to"

*nag agawan ang dalawa*
*natumba*
*nasa ibabaw si Gavin*
*nagkatitigan*

Gavin,

"Ano to? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?" Nagtatakang tanong sa isip ni Gavin
*tumayo*

"Sige...ikaw na mag ayos"
*awkward*

Pumunta sa isang sulok si Gavin, tumalikod at saka nag hubad sapagkat magpapalit siya ng kanyang damit pantulog.

*napatingin si Cedric*

Cedric,

"Bakit naka sando ka? Hindi kaba nalalamigan?" Tanong ni Cedric kay Gavin.

Gavin,

"Hindi, tsaka concern ka ata na baka malamigan ako(?)" Naka ngiting sinabi ni Gavin.

Pinatay na nila ang ilaw at nahiga na sa kani-kanilang higaan. Tanging ang ilaw sa buwan na tumatagos sa bintana na lamang ang kanilang nagsisilbing ilaw.

Gavin,

"Cedric...."

"Hmmm?" Tugon ni Cedric.

"Hindi sa nanghihimasok ako pero napansin ko lang nasan yung papa mo?" Sagot ni Gavin

Cedric,

"Limang taong gulang palang ako namatay siya sa sakit na Cancer, kaya ayun simula nang nawala siya kami nalang ng mama ko ang magkatuwang" maluha-luhang sinabi ni Cedric.

"Parehas pala tayo na wala nang tatay, namatay din kasi tatay ko ayun ngalang sa aksidente. Nabunggo yung minamaneho niyang sasakyan" Malungkot na sinabi ni Gavin

"Tama na haha, ang lungkot naman ng pinaguusapan naten" Sambit ni Cedric.

Nakita ni Gavin na umiiyak si Cedric, kaya tumayo ito at lumapit sa kanya. Magkalapit ang parehas na muka at pinunasan niya ang luhang pumapatak sa nga mata ni Cedric.

-kinabukasan-

Nagising si Cedric sa napaka bangong amoy na pumapasok sa kanyang kwarto, dali-dali itong tumayo sa kanyang kama upang lumabas at makita kung saan iyong nanggagaling.

Cedric,

"Anoo yon... ang bango naman"

"Sinangag lang tsaka tocino na niluto ko" sagot ni Gavin

"Naks naman siya naman nag luto ng pagkain" masayang sabi ni Cedric.

Gavin,

"Syempre naman bawi kona rin to dahil pinagluto moko kagabi"

"Patikim nga" sabi ni Cedric

Lumapit si Cedric at kumuha sa nilulutong pagkain ni Gavin. Tila ba parang bumagal ang oras at paggalaw ni Cedric at nakatitig si Gavin sa kanya ng parang may kakaiba.

Gavin,

"Ano ba itong nararadaman ko, hindi ito tama. Pero tama ba na pigilan ko kung ano ang itinitibok ng puso ko? o na guguluhan lamang ako ?Tanong sa isip ni Gavin"

Ang Pulang PanulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon