Chapter 1

5 0 0
                                    

Ang mundo'y nababalot na ng kadiliman kung saan ang krimen ay laganap at maraming nasasaktan. May mga taong ganid sa pera at kapangyarihan, kaya, kahit ang mga dukhang walang pinag aralan ay kanilang pinagsasamantalahan.

“Luna, kanina ka pa dyan nakatulala, hoy!”

Nagulat ako sa lakas ng boses ng aking pinsan. Haist, when will I stop thinking 'bout those things. I am day dreaming again.

Since I was a child, I always dreamed of to be a hero but as soon as I grew up, I realized, there is no such thing called hero at all. Suddenly, I thought about something on how I can be a hero of myself.

I saw how cruel the world is, even in the government who we trust. Traitor will never be gone. It's like a poison in a food, you surely trust that it will be good for you cause everyone says so but little do you know, it can kill yourself until you run out of breath.

“Nevemind, inaantok pa yata ako.” sabi ko kay Elijah sabay ngiti.

Nangunot naman ang kanyang noo sa aking sinabi.

“Ayan, kulang ka sa tulog gurl! Magpupuyat e' wala namang dapat pagpuyatan.”

Kailan ba titigil kakabunganga 'to? Lagi nalang.  Halos lahat yata ng pinsan ko ganiyan kaingay. Hindi yata nasasayangan sa laway nila. Ni hindi napapagod magsalita lalo na kung chismis iyan!

“Gaga, gumawa ako ng essays kagabi. Sobrang dami kaya noon!” Reklamo ko.

Pinaikot niya lamang ang kanyang  mata at sumimsim sa kapeng dala-dala niya kanina pa.

“Alam mo, 'yan siguro ang epekto ng sobra mong pag ka adik sa kape.”

Itinaas niya ang kanang kilay.

“Ha?”

I sighed.

“Kung hindi ka kulang sa tulog, sobra ka naman sa pagkakadaldal mo. Minsan, mas gusto ko nalang na tulog ka buong mag hapon.” Wika ko sabay ngisi.

Tinignan niya ako ng masama na tila ba'y pinapatay niya ako sa kanyang isipan. Tignan mo, napaka pikon kahit kailan.

“Whatever, Luna. Akala mo naman hindi ka rin maingay. Sobrang daldal mo rin kaya 'no!”

Napatawa ako sa sinabi niya. Sabagay, totoo nga siya. Pero, may mga oras din namang nagiging tahimik ako, lalo na kapag may iniisip ako.

Pero mas madaldal talaga 'tong si Elijah. Akala mo'y walang bukas para sa mga chismis na inihahatid niya, pero mas iingay 'to lalo na kapag nariyan ang crush niya. Papansin ang gaga, akala mo hindi halata!

“Kaya hindi ka crinushback e.” Mahinang bulong ko ngunit parang narinig niya.

Agad siyang lumipat sa tabi ako at diretsong tinignan sa mukha. Hinawakan niya ang mukha ko at dahan dahang itong hinaplos hanggang sa umabot ang kanyang mga daliri sa aking tainga.

“Aray!” sigaw ko.

Piningot ba naman ako. Napakabigat pa naman ng kamay nito.

“Ano? Uulit ka pa?” tanong niya.

Napaisip ako. Ang sarap talagang asarin nito hanggang sa mag lupasay 'to hahaha. Sarap, lasingin e.

“Depende.” Ngumisi ako at kinuha ang aking bag upang ihanda ang sarili ko sa pagtakbo. At iyon nga ang aking ginawa.

“Humanda ka talaga sa 'kin kapag nakita kita!” sigaw niya mula sa malayo.

Hindi ko na lamang siya pinansin at dumiretso sa classroom, tapos na rin naman ang break time kaya makakapag pahinga na rin ang tainga ko sa mabunganga kong pinsan.

Climente Series #1: Dancing SilhouetteWhere stories live. Discover now