Prologue

24 6 0
                                    


"Mahal na mahal kita Illan"
Isang tinig na nag mula kung saan.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay natagpuan ko nalang ang sariling lumuluha.

"Ano yon? Bakit ako umiiyak" Hinaplos ko ang aking mga pisngi at pinunasan ang mga luhang bumabagsak dito.

Naupo ako sa kama. Pamilyar ang boses na yon.

Madilim ng lumabas ako ng bahay. Alam kong maaga pa ang pasok ko mamaya pero hindi rin ako makakatulog ng maayos kung nasa bahay lang ako.

Pumunta ako sa malapit na convenience store. Nagutom kasi ako bigla hindi nga pala ako nakakain kagabi.

Buti na nga lang 24/7 tong convinience store na to. Tuwing hindi kasi ako makatulog sa gabi dito ako nagpupunta.

Pansin ko rin ng mga nakaraang araw madalas nagiging ako ng hating gabi at hindi na makatulog. Lagi akong nakakarinig mga pamilyar na boses, nagkakaroon din ako ng mga kakaibang panaginip.

Nahulog ang hawak kong icecream ng biglang nandilim ang paningin ko. Natigil ako sa paglalad at napaupo nalang. Hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari sa paligid at tuluyan ng nawalan ng malay.

Nagising ako dahil sa kalansing ng mga kutsara.

"Alyana gising kana pala, halika kumain ka muna bago ka umuwi"

Napatanga ako ng makita ang mama ni Harry. Dali dali kong binalot ang sarili ko sa kumot.

Shocks bakit ako nandito?!

"Ija come join us" Sabi ni tita Flory habang nagsasandok ng kanin.

Pilit naman akong pumunta sa mesa at naupo sa tabi ni Harry. Nakakashy.

Tahimik ako habang kumakain habang sila nag uusap. Bigla naman akong kinababan ng nagtanong tita Flory sakin.

"Where did you go last night Ija?"

Namawis naman ang kamay ko dahil hindi ko alam ang isasagot. Wala kasi akong maalala sa nangyari kagabi.

"Convinience store ma, nag ice cream kami" Napaubo naman ako ng marinig yon.

What magkasama kami kagabi at nag ice cream pa!

"That's nice but I suggest na kung lalabas kayo together wag gabi, baka may mangyari sa inyo sa labas alam niyo naman maraming adik dyan" Harry nodded at ako naman nanatiling nakayuko.

Natapos ang breakfast ng tahimik matapos ang usapan na yon ay ipinagpatuloy naman ang pagkain.

Totoo ba talagang labas kami kagabi? Nakapagtataka naman.

"Alyana hinihintay kana ni Harry, bilisan mo dyan" Kahit nasa second floor ay rinig ko ang matinis na boses ni mama.

Bumangon ako sa pagkakahiga binuksan ang pinto.

"Bakit daw po?"

"Anong bakit ang sinasabi mo dyan hindi ba lunes ngayon at may pasok kayo"

Napatulala ako sa orasan. Hala anong oras na!

Dali dali akong naligo at nagbihis.

Pagkalabas ko sa gate bumugad kaagad sakin si Harry as always nakasimangot na naman.

"Hi" Medyo alanganin kong bati.

"Hi" Walang gana nyang sagot. Parang hindi magkakilala ah. Ganito kami tuwing umaga walang pansinan ewan ko nga kung paano ko siya natitiis.

"Sandali lang kukunin ko lang yung bike." Medyo nahihiya kong sabi, ngunit hindi nya ko nilingon. Snob be like.

Napangiwi ako habang nakatingin sa bike. Iniisip kung paano kami sasakay. "Har-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng binara nya ko.

"Ako na" Huh? Ako na? anong ibig nyang sabihin? Sumakay na sya sa bike.

"Sasakay ka o iiwan kita." Wow ah ako pa talaga iiwan. Sakin ang bike walang sayo.

"San? Dok" Pamimilosopo ko sa kanya.

"Tsk" Hinila nya ko at pina upo sa harap.

"Hoy bakit dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Shut up and hold." At yon na nga bigla syang pumidal kaya napakapit nalang ako. I heard he whispered 'tsk' pero hindi ko na pinansin.

Sa totoo lang first time ko umangkas ang sarap pala sa feeling pero masakit sa pwet.

Napahinto kami bigla ng may batang tumawid sa harap.

"Daddy!" Sabi nito. Nilingon ko ito ng makalayo.

"Kilala mo yon?" Tanong ko sakanya pero hindi nya ko pinansin seryoso lang sya sa daan. Galit ba sya don sa bata?

Hininto nya ang bike sa tapat ng gate.

"Baba!" Nagulat ako ng simigaw siya kaya napababa ako.

Pagkababa ko palang umalis na agad sya at iniwan ako mag isa sa harap ng gate. Ang kapal talaga.

Naglakad ako papunta sa classroom kahit late na. Huminga ako ng malalim bago pumasok buti nalang walang teacher tahimik akong umupo malapit sa bintana para abangan sya.

Nang makita ko syang padaan ay tinitigan ko lang sya ng masama at sinabing mamaya ka lang.

Wala pang lunch ay nasa cafeteria na ako buong umaga ba namang walang pumasok na teacher samin. Halos lahat din ng kaklase ko ay nandito kung titingnan sila isa isa ay parang pinagsisisihan nila pumasok.

Pagkatingin ko sa relo ko 12:00 pm na bakante rin ang afternoon class ko. Umuwi nalang kaya ako?

Patakbo akong lumabas ng gate ng makita si Harry na bumibili ng kikiam sa di kalayuan. Wala talaga siyang awa paglalakadin niya talaga ako.

Tatawid na sana ako pero nag red light kaya ibig sabihin kailangan ko huminto.

Habang nag hihintay mag green
light natatanaw ko siyang kumakain, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang aming mga mata napaiwas ako ng tingin ng maramdamang namumula nako. Bakit ang pogi niya?

Nasa gitna nako ng pagtawid ng nanlabo ang aking paningin, naramdaman ko nalang ang mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa aking mga mata. Natatakot ako hindi ko alam ang gagawin.

"T-tulungan n-niyo ako" Sigaw ko pero tila ba paos ito at hindi marinig.

"Illan!" Ang na boses niya, akala ko iniwan nya na ko.

"Ahhhhhhhhhhhhhh" Wala mang boses ay nakuha ko pa ring sumigaw.

"Illan" Tawag nya muli. Hindi ko man makita pero alam ko na malapit lang siya.

"Mahal kita, matagal na" Ang huling nasabi bago pumikit.

Waves of Memories (Under Editing)Where stories live. Discover now