Hailey's POV
"Anak, kanina kapa inaantay ng driver mo. Bumaba kana diyan!" Sigaw ni Mama habang ako'y nag-mamadaling mag ayos. Late nanaman ako nagising.
"Eto na po Mama! Pababa na." Natataranta kong sigaw. Habang dali daling bumababa sa hagdanan, tinignan ko muna ang sarili ko sa camera ko sa celphone.
"Good Morning, Mam Hailey." Magalang na bati ng aming driver, si Manong James.
"Good Morning din po kuya!" Nasanay na 'ko na ituring siyang kuya dahil simula nung bata ako siya na ang laging nag hahatid sundo ko sakin.
Pag pasok ko sa sasakyan agad kong inabala ang sarili ko sa pag tingin sa itsura ko sa salamin ng kotse. Hindi naman talaga kasi ako maarte, pero sabi kasi ni Mama, dalaga nadaw ako at matuto manlang daw ako mag-ayos. Hindi kona sinuklay ang buhok ko dahil kusa itong nakalugay at maayos na. Natural na brown ang kulay ng buhok ko. Tapos naka lugay lang ito may kulot din ito sa dulo. Samantalang ang mga mata ko naman ay blue namana ko daw kay Papa. Hindi ko siya kinilala dahil wala nadin naman akong pake. Minsan nga hinihiling ko nalang na nakuha ko ang itim na mga mata ni Mama. Mahaba ang aking pilikmata, katulad ng kay Mama. Masasabi kong katamtaman ang aking kulay. Hindi masiyadong maputi, hindi din maitim. Ang labi ko naman natural na mapula, malambot at saktong sukat. Tinignan ko din ang katawan ko. Buo pa naman 'to. Charot. Sabi nila sexy daw ako sa edad ko kasi meron na akong curve sa katawan. Matangkad din ako.
"Sige napo kuya, una na po ako." Sabi ko kay Manong James, habang papalabas sa sasakyan.
"Sige po Mam, mag iingat po kayo." Sagot naman ni Manong. Nginitian ko siya bilang sagot at nag-madali nang pumasok sa school.
Pag pasok ko palang sa school namin, nakarinig na agad ako ng bulungan.
Hindi na nakakapanibago 'yun dahil lahat ata ng tao kilala ako dito. Wala naman akong pake. Kaso naiinis ako lalo na kung minsan kung ano ano nalang pinag sasabi nila. Na kesyo nag paretoke daw ako o kaya naman nag pa-ganda.
Nasasabi nila 'yun kasi halos lahat na ata ng lalake sa school namin sinubukan na akong ligawan, tho wala naman akong sinagot, ni isa.
Wala akong tiwala sa mga lalake. Hindi naman kasi natin sila kailangan sa buhay natin. Lumaki akong walang Tatay kaya siguro ganon. Bilang lang ang lalake sa buhay ko si Manong James na tinuturing kong kuya at si brent ang kaibigan ko noon, kaso lang nasa ibang bansa na siya, wala nadin akong balita sakanila.
"HAILEY!!!" Sigaw ng isang babae sa likuran ko. Sa boses palang alam kona na si Ella 'yun kaibigan ko simula elementary.
"Ano nanaman 'yun? Ang aga-aga sigaw ka ng sigaw." Mataray kong sagot sakanya sabay lingon.
"Hoy babae, ang aga aga din ang sama ng aura mo. Kaya lagi kang madaming kaaway eh. Buti nalang andito ako, ganon kita ka mahal." Ma-drama niyang sabi sabay yakap sa 'kin.
"May kailangan ka nanaman no?" Natatawa kong sabi sabay tulak sa kanya ng pabiro.
"Hindi no! May chika lang ako. Kilala mo si Kleo? Pasok daw siya sa special class, meaning kaklase natin siya." Kwento niya naman kahit wala naman akong pake.
"And so? Ano bang meron sa kleo nayan at parang lagi mong nababanggit? Crush mo?" Sabi ko.
"Gaga, siyempre hindi. Pansin ko lang, siya lang kasi ang natatanging lalake na hindi nag ka gusto sayo, o nanligaw." Sabi niya. As if I care? Eh ano naman.
"Tapos ang pogi pogi pa, alam mo ba nakatabi ko yun sa pila dati ang bango. Bet ko siya sa'yo eh. Hindi 'yun maloko tapos ang talino pa! Bakit kasi ayaw mong try kausapin?" Dagdag niya pa.
"Ewan, alam mo naman na wala akong tiwala sa mga lalake. Anong meron kung pogi siya? Hinding hindi ko siya magugustuhan." Sabi ko ng pabalang, nagulat nalang ako ng biglang nanigas sa harap ko si Ella sabay salita ng taong nasa-likod ko.
"Wag mo naman sanang nilalahat na lahat ng lalake, hindi mapag kakatiwalaan." Boses palang kinabahan at nanginig na'ko. Sabi nila mabait daw si Kleo, pero ang nakapag tataka sakin iba siya, sobrang sungit.
"Eh ano bang pake mo? Sino ka para husgahan ako?" Galit na sabi ko habang tinitignan ang muka niya. I mean yes he really is the type of guy na habulin ng mga babae, ang pogi kasi. Teka! Bakit ko ba iniisip to. Eh ang kapal kapal ng muka niya.
"Done staring at my face? Well hindi kita hinuhusgahan. Why don't you ask yourself, kung sino ang mapang-husga sa'tin?" Sagot niya. Aba't ang kapal din ng muka ng isang 'to. Ano bang isasagot ko? Totoo nga palang ako yung nanghusga.
"Kapal talaga ng muka mo eh no? Sin-" Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko, umalis na siya at iniwan akong nagsasalita. Kaya naman halos lahat ng babae na nakatingin samin nagtawanan.
"Buti nga sakanya. Ang bait bait ni kleo tapog gaganon lang siya."
"Yeah right, she deserves it."
Bulung-bulungan nila. Hindi ko nalang sila pinansin dahil mas binigyan ko ng attensiyon ang lalakeng naglalakad palayo sakin. Bwiset siya! Anong karapatan niya na ganunin ako?
Ngayon, tignan natin kung sino ang maghahabol satin kleo. I will make you fall. Sa sobrang galit ko kung ano-ano na ang naiisip ko ha!
"Hailey, are you alright" tanong ng kaibigan ko na kakatapos lang paalisin ang mga babae sabay yakap ulit sakin.
"Ano kaba ok lang ako. I have a plan." Sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko.
"Omg, don't tell me. Sisimulan mona? Papaibigin mo siya?" Natatakot niyang sagot sakin. Pero halata naman na excited siya.
"Oo, Ella." Sabi ko habang nakangiti at inaayos ang buhok dahil na-hagard ako dun ah. Just wait kleo, mahuhulog kadin sakin.
"Let's go to class, Hailey." Biglang singit ni Ella at natatawang tinitignan ako.
"Sure, 'di mo nalang sabihin na excited ka at gusto mo malaman ang plano ko eh." Sabi ko naman sakanya habang nakangiti.
"Hehe parang ganon na nga." Sabi niya sabay tawa. Nahawa naman ako. Para tuloy kaming tanga, na nagtatawanan habang lumalakad.
BINABASA MO ANG
Hailey The Man Hater (TGGC SERIES #1)
RomanceHave you ever met a girl that has an angelic face but have the worst attitude toward guys? Well that's Hailey Baltazar for you. She's known in the whole campus. Panong hindi makikilala? Lahat ata ng lalake sa campus ay na basted niya na, except for...