KABANATA II: Ang mga Tanikala: Gawa-gawa?

12 6 0
                                    

KABANATA II: Ang mga Tanikala: Gawa-gawa?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA II: Ang mga Tanikala: Gawa-gawa?

"Dumating na ang tamang oras ng singilan, matagal din kitang hinanap kung saan-saan, taas-baba kaliwa't kanan, sa bundok man o sa mga parang at kapatagan. Simula noong gabing iyon, pinaglaanan kita ng oras at panahon, tanaw kita saan ka man pumunta at pumaroon.."

"...hindi kayo kailanman naalis sa aking isipan, dahil tikom man ang inyong bibig ay bakas sa pintig ng inyong mga dibdib ang karuwagan; mga mahina at walang kalaban-laban, mga inutil na sa kahirapan ay pinagbuhatan, mga walang bilang na sa karunungan ay pinagkaitan, at mga kaawa-awang mga mortal na pinaglihi sa walang katapusang kamalasan" bungad nito sa akin.

Habang patuloy ko pa ring binabalik ang aking sarili sa katinuan ay dinig ko ang walang tigil nitong pang-aalipusta sa akin. Sobrang panliliit at paniniil ang ginagawa niya sa akin na tila ako ay kaniyang isang utusan. Wala akong ibang naging tugon kung hindi ang paghahanap at paghahabol ng aking baga't katawan ng malalanghap na hangin bungsod ng aking sobrang pagkapagod sa nangyaring sa habulan.

"Eto ang gusto mo 'di ba? Oh eto na, patayin mo na ako!" pasigaw kong hamon sa kaniya habang nakabukas ang aking dalawang mga braso't kamay nang pahalang na animo'y sumisimbolo ng pagsuko o pagpapaubaya. Dahil sa isip ko noong mga oras na iyon, alam kong hindi pa ako handa sa maaaring mangyari ngunit ano pang magagawa ko, ano pa ang itatakbo ko kung nasa harap ko na ang kikitil sa aking buhay.

"Ang angas mo ngayon ah? Matapang ka na ba talaga o tuluyan ka lang nawala sa wastong pag-iisip?" sabay lumuhod ito sa aking harap, lumapit sa aking mukha at binigyan ako ng titig na katulad ng binigay nito sa akin noong kami ay nasa dating perya na aking pinagtratrabahuhan, bago nangyari ang kalunos-lunos na trahedya na aking pinagdaanan.

"Noong huli nating pagkikita, umiiyak ka pa na parang uhuging bata, baka iiyak ka ulit ngayon?" anas nito.

"Tignan mo nga naman kung kailan ka minamalas, sineswerte ako"
dagdag nito at biglang dinakma ng kaniyang mga naglalakihang mga palad ang aking baba, kaniya itong iniangat at kapansin-pansin ang paghigpit nito na siyang hindi ko naman nagustuhan. Kaya aking pinilit na abutin ang kaniyang mga kamay at pwersahang alisin ang mga ito sa pagkakahawak sa akin.

"Marami pa akong pupuntahan na mga katulad mo na nakaligtas sa sunog noong gabing iyon, kaya't wala na akong oras makipaglaro sa'yo, bata" ani nito.

"Wala rin akong oras makipaglokohan sa'yo tan-"

Hindi ko na natapos ang aking pagsasalita dahil bigla na lang akong sinakal ni Morsetum nang ubod nang higpit. Sobra akong nabigla at hindi agad nakasagot sa kaniyang ginawa sa akin, agad akong naubusan ng hangin at namilipit sa sakit at hirap sa bigla nitong pagsakal sa aking leeg.

Sa puntong iyon mas lalo akong nabuhay at nagkaroon ng kaunting lakas na dala na rin siguro ng pagkataranta sa nangyari, minsan ko nang narinig ang ganitong uri ng natural na reaksyon ng ating katawan na nangyayari kung kailan tayo ay nasa bingit ng isang kapahamakan o labis na kasiyahan—adrenaline rush.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

R o l e t a IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon