Hi. Sana onti-inti nyo tong nagugustuhan. Mehehe :3
--
Chloe's Pov.
Hay! Sa wakas. Umandar na din lahat ng bus namin papunta sa unang destination ng fieldtrip namin. Nakaka-inip na kasi. Nakaka-antok pa naman dito sa bus. Teka nga. Si Mika kaya nasaan na?
Hehe. Si Mika, girl bestfriend ko. Super close kami. Pero syempre, mas close kami ni Fafa Raymond. Haha! Fafa talaga?
"CHLOEEEEE!" Ay. Pakshet! Kakagulat. Speaking of the devil. Di man lang nahiya sa mga classmates namin. Grabe lang makasigaw. Diba? Papunta sya dito sakin. Ano na naman kayang trip neto.
"Mika! Ang ingay mo naman. Eskandalosa ka talaga e'no?" Sabi ko sakanya. Parang nag-wawala kung sumigaw eh.
"Gaga. Tinatawag lang kita. Eskandalosa agad? OA mo ah." Ako pa daw ang OA.
"Ewan ko sayo! Eh, bakit mo ba ko tinatawag?" Tinaasan ko sya ng kilay. Mehehe :3
"Wag ka nga mag-taas kilay. Hindi bagay sayo, halatang pilit. Mwahaha! Anyway, kaya kita tinatawag kasi you told me na tayo ang mag-katabi. Eh, bakit yang Raymond na yan ang katabi mo?" Sabi nya sakin ng may halong ngiting nakakaloko. Gaga talaga. Haha!
"Ang tagal mo kasi. At tsaka bigla akong hinarang nito kaya nauna na tuloy syang tangayin ako. Hehe."
"Aba-aba! Sabihin mo di mo lang matiis yang Raymond na yan kasi mah-asdfghjklzxcvbnm.." Tinakpan ko yung bunganga nyang walang tigil sa pag-bubunganga.
"Ano ba, Chloe! Hindi pa kasi ako tapos. Masyado ka. Bahala ka nga! :P" Sabi nya. Hay! Wooh. Muntik na ko dun. Alam ko naman na kung ano sasabihin nya. Sya lang kasi nakakaalam na mahal ko tong mokong na to.
"Oh, gising ka na pala Raymond?" Sabi ni Mika. Napalingon tuloy ako. Hala, oo nga. Nakasandal pala sya sa balikat ko. Kasi naman si Mika eh.
"Ah. Oo eh, ingay mo kasi eh. Hiyang-hiya nga ko. Lakas mo kasi mag-salita. Eh, katapat mo lang naman pala kausap mo." Haha! Natarayan tuloy sya ni Raymond.
Madalas kami yung tatlo ang mag-kasama pero simula nang magka-girlfriend si best, kaming dalawa nalang tuloy lagi ni Mika ang mag-kasama. Buti nga at natitiis ko pa tong si Mika eh. Hehe. Ang sama ko noh? Bungangera kasi pero mabait naman yan. Maganda nga sya eh. Wala lang poise. Haha!
"Wow ha! Sorry naman, kuya. Kasi kung matutulog ka lang din naman pala. Sana di ka na sumama. Diba?" Haha! Di talaga sya papayag na talo sya dito sa kay Raymond eh.
"Ay, teka! Andito tayo para mag-saya. Hindi mag-pikunan. Tumigil na nga kayo." Nag-sisimula na naman kasi silang dalawa.
"Tss. Ewan ko sayo, girl. Ay, teka lang ha!" Ano na naman kayang trip neto.
"Ahem! Ahem! Mark, palit nalang tayo ng upuan dyan nalang ako sa tabi ng antukin na yan. Dun ka nalang sa tabi ni Aya. Alam ko naman na gusto mo katabi si Aya." Sabi ng gaga.
Ito naman si Mark, parang nanalo sa lotto. Kumikislap kislap pa yung mata. Eh, paano ba naman crush nya yun si Aya. At etong gaga, inuto ang mokong.
"Sige." Sabi ni Mark. Halata namang papayag sya eh. At ayun, lumipat na nga.
"Ikaw talaga Mika, ang hilig mong mang-uto." Katabi nya yung classmate naming si Francis antukin. Sana dun nalang sya sa bahay nila nag-fieldtrip, matutulog lang din pala. Hay, buhay!
Bali nasa harap namin ngayon ang gaga. Umupo na sya at di na nag-daldal pa ulit. Napatulala naman ako dito sa katabi ko, kinukusot kusot pa nya yung mata nya.
Ang pogi talaga nitong nilalang na to. Half-british sya. Pero hindi nakuha yung pagiging british accent. Dito na kasi sya talaga lumaki. Gray eyes, mahahabang pilik mata, matangos ang ilong. Matangkad, magaling sumayaw, magaling din sa basketball. Varsity sya dito sa school namin. Ang dami ngang nagkaka-gusto sakanya.