Tanga

12 0 0
                                    

TANGA natatawa ka!? Oo aminin mo sa sarili mo nagpapakatanga ka! Pero bat ka nagpapakatanga? Ayan na naman tayo sa sagot mo, MAHAL MO KASE! Lahat naman tayo nagiging ganyan ang sitwasyon kapag nasa isang relasyon. Yung iba sa atin harap-harapan ng niloloko pero ayun pinapatawad pa rin nila kase mahal nila.

Mostly kase sa mga babae nagiging tanga talaga kapag nagmamahal. Oo aminin mo na sa sarili mo na nagpapakatanga ka kahit na sinasabe ng ibang tao ang panget ng taong mahal mo, ang baho ng taong mahal mo, bobo yang taong mahal mo pero dahil sa mahal mo nagpapakatanga ka di ba!?

Pero ito, hinay hinay lang sa pagiging tanga kase may dalawang importanteng organ sa katawan ng tao. Ang utak at ang puso.

Madalas nakakalimutan na nating gamitin ang utak at puro puso ang ginagamit natin, na nagiging dahilan ng pagsisisi natin di ba!?

Sa pagmamahal kase dapat balanse yan eh. Alam mo kung kelan dapat gamitin ang puso at kung kelan dapat gamitin ang utak. Parang pagkain, balanse dapat di ba!? Hindi puro maaalat at hindi puro matatamis dapat balanse ang pagkain ng maaalat at ng matatamis.

Oo, nasasaktan ka kase nga nagpapakatanga ka eh. May mga solusyon naman sa mga bagay na yan eh.

Una, huwag mong hinahayaang sinasaktan ka ng taong mahal mo.

- Hindi ka ipinanganak ng magulang mo para saktan ng babaeng/lalaking yan. Ipinanganak ka para makita mo ang saya sa mundo ito. Sa love kase masasaktan ka at sasaya ka. Pero wag mong hahayaang nasasaktan ka lang. Hanggat maaari masaya ka.

Pangalawa, kung nasasaktan ka lumapit ka sa mga kaibigan mo.

- Kaibigan, madalas nakakalimutan natin yang mga taong yan kapag nagmamahal na tayo at lalapitan natin sila kapag malungkot tayo. Alalahanin mo bago pa man naging kayo ng boyfriend/girlfriend mo nanjan na sila para tulungan tayo.

Pangatlo, humanap ka ng mapagsasabihan ng problema mo.

- Huwag na huwag mong sasarilihin yang problema mo kase nagmumukha ka lalong tanga na ikaw lang ang nakakaalam ng problema mo. Mas mabuting i-share mo yan sa ibang tao at mapayuhan ka nila, Hindi sa susundin mo yung mga payo nila di ba!? Pero nasa sa iyo nalang yan kung susundin mo ang payo nila sa iyo.

Pang-apat, pinaka importante MAG DASAL.

- Kapag hinang hina na ang loob mo at sobrang sakit na lumapit ka kay God at sa kanya mo lahat sa kanya ng nararamdaman mo at sure lulubag ang loob mo at gagaan ang pakiramdam mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

At bakit kasi?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon