June 2, 2014 - First day of classes. Boom Panes.
Since first day of school, of course, makikita mo ngayon ang mga nakakamiss na schoolmates, classmates, yung mga friends mo, mga enemies mo na walang ginawa kundi ang awayin ka last school year (peace), yung mga kabarkada mo na sila ang dahilan kung bakit lampungan lang ang ginagawa mo kaya 16 lang ang nakuha mo sa periodical test niyo sa science, at sa bandang huli tumiwalag ka dahil alam mo na babagsak ka at papagalitan ka ng parents mo, at siyempre yung crush mo na siya ang dahilan kung bakit di ka makatulog sa gabi sa kaiisip...
Ayun, nandun ako sa star section, sa 9-Pearl, at ngayon mo rin malalaman kung sino ang groupmates mo sa paglilinis, sa group activities at iba pa.
One thing more, OMG! Wish come true! Meron na naman kaming bagong classmate! Welcome Ms. Joana Ballesteros to Espiritu National High School! Hope you'll have a wonderful time here! Hehe ☺ Pero sayang, hindi ko kasi kakalase yung mga dati kong kadabarkads. </3 (mabuti na lang kaklase ko si Marion).
Ooopsss... masyado atang marami ang nasabi ko ngayon. Pero hindi pa rin ako nagpapakilala. Okay. Here I go.
HI! I am Stephanie "Effie" Dizon, female, 14 years of age, and probably the youngest in my class. I am now in Grade 9, or third year high school, and I belong to the section 9-Pearl. I am half - half, half pretty, half ugly.
May pagka - boyish rin ako kung minsan. Pero girly most of the time. I like to eat, pero hanggang ngayon, 25 parin waistline ko. pangarap ko rin kasing tumaba eh. Kahit slight lang. Mahilig ako sa potato chips, tokneneng, kwek - kwek, rice, tinapay, at biscuit. mahilig ako sa pizza, pasta, ice cream, cake, burger, lasagna, taco, cheese, chocolate, french fries, pie, fried chicken, sundae, at kahit anong masarap.
Kung yun lang sana ang gagamitin ng mga boys to please me, siguro sinagot ko na sila, that is, kung meron nga talagang manliligaw sa akin.
Yap. maganda nga ako, pangit naman. Contradicting no? That's me. Mahilig ako sa oxymoron. Pero may tanong ako, maganda ba english ko?
Okay that's it. You will know me more later as we go on through the story.
Kaya balik tayo ngayon sa eksena kung saan nagyayakapan kami at nagbebeso - beso na parang limang dekada naming hindi nakita ang isa't isa. Masaya rin kapag may friends ka na sobrang close sayo. Kapag bakasyon, nakakamiss yung paghingi nila ng pagkain sayo, or vice versa, yung halakhak nila, yung signals nila pag nakakita kayo ng guwapo, at marami pang kalokohan na magbestfriends lang gumagawa.
June 3, 2014
Napansin ko na wala ata kami masyadong ginawa this day. All vacant day yata. Marami kasing vacant eh. Paano kasi, yung teacher namin, mali yung binigay na schedule of classes. Yung binigay niya, yung lumang schedule. Marami ngang vacant, wala naman kaming ginawa. So boring.
June 11, 2014
BEST DAY EVAHHH, so far, dahil election ngayon. But the sad thing is, hindi ako masyadong nakajoin sa mga interest clubs since member ako ng SSG. Nakaramdam nga rin ako minsan ng inggit from the other section kasi sila, palaging masayahin. Palagi silang nagkukulitan. Pero okay lang yun. I'm at school. Wala ako sa park.
But, in the meantime, I am super happy, kasi kasama ko si Mr. Marion Corpuz, ang taong dahilan ng pagpupuyat ko every night sa kaiisip sa ngiti niya na kitang - kita ang pagkaarko ng kanyang bibig sa kanyang mukha.
Sabi ng iba, pangit siya, chaka, maitim, wala sa kanya ang hinahanap ng mga girls, pero wala akong pake. I don't care what they're going to say let the storm rage on the cold never bothered me anyway. Katamtaman lang ang katawan niya, mabango, pero medyo mas maliit kesa sakin. Oo, mas matangkad ako ng 2 inches. LoL.
Nung election sa mga interest clubs, kaming dalawa ang magkatabi. Sa quadrangle kami nagelection.
"Uy! Ang sweet niyo! Para kayong magboyfriend." sabi ng isa kong kaklase.
"Kami? ah, hindi no!" sagot ko at bigla akong tumalikod para hindi ako makita ni Marion na nagblublush.
Nung tumalikod ako, narinig ko siyang tumawa ng slight lang. Tapos ngumiti sakin. Shems, lalo lang akong nagblush.
"Oh eto oh, bantayan mo bag ko, pero wag mong papakialamanan ha?" utos ni Marion sa akin habang iniaabot sa akin yung bag.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at pumayag akong kunin yung bag niya eh. usually hindi ako pumapayag na magbantay ng bag. Naku po.
BINABASA MO ANG
A Notebook of the Past
RomanceFriendzoned. Likezoned. Seenzoned Hahazoned. SmileyFacezoned. Halos lahat ng zone except magkabilang mundo zoned at sibling zoned naranasan naranasan ko na. Pati school zone kung counted yun. Joke. Mabuti na nga lang di ko pa naranasan an malagay sa...