*Tok tok tok*
Agad na napabalikwas si Vice sa pagkakahiga ng marinig na may kumakatok sa pintuan ng kanyang kwarto.
Dali dali siyang tumakbo para buksan ang pintuan. Kitang kita sa mukha niya ang pagkasabik kahit medyo kinakabahan habang tumatakbo.
Halata 'ring may inaasahan siyang taong dadalaw sa kanya nung mga oras na yun dahil sa pagaayos niya ng kanyang buhok at ng suot na damit.
Sa sobrang pagmamadali ay halos madulas pa nga siya sa sahig, ng matapakan niya ang mga nagkalat na nilamukos na papel.
Napakagulo ng kwarto ni Vice. Ibang iba sa natural nitong ayos. Napakaraming nilamukos na papel at mga maduduming damit ang nakakalat sa sahig.
Nakasara rin ang ilaw at tanging ang nakabukas na telebisyon lang ang nagbibigay ng liwanag sa buong silid.
Makikita rin sa side table ni Vice ang mga gamit' na sigarilyo at mga bote ng alak.
Napakagulo rin ng kanyang kama at kalat kalat rin ang mga unan niya sa paligid.
Nakasuot lang siya ng itim na v-neck t-shirt at itim na jogging pants. Magulo ang buhok niya at namamaga ang mga mata.
Ibang-iba ang itsura ni Vice nung mga oras na yun. Malayong malayo sa dating maliwanag at masayahin niyang awra. Halata rin ang malaking pagkabawas sa kanyang timbang.
Pagbukas ni Vice ng pintuan, agad napalitan ang pagkasabik na nararamdaman niya ng pagkadismaya at pagkalungkot, ng makita kung sino ang bumisita sa kanya.
.
.
.
.
.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kay Archie.
"Meme may..
Di pa man nakakasagot si Archie ay napakunot na agad ng noo si Vice ng marinig ang napakalakas na ingay, na nanggagaling sa may sala sa ibaba ng kanyang kwarto.
"Sino'ng mga kasama mo?" Tanong ni Vice habang tila may sinisilip sa gilid ni Archie.
"Ah meme, kasama ko ang mga beks. Dinalhan ka namin ng pagkain. Andyan rin si Bernard! Makiki-join daw siya. May dala pa ngang mani ang bakla eh" Buong galak na sagot ni Archie.
Walang reaksyon si Vice sa sinabi ni Archie. Bagkus ay naglakad na lang ito pabalik sa kanyang kama at pabagsak na dumapa at nagtakip ng unan sa ulo.
"Meme??" pag-aalalang tanong ni Archie.
"Hindi ako nagugutom." Malamyang tugon ni Vice.
Pumasok na ng tuluyan si Archie sa kwarto ni Vice.
Napapikit na lamang ito sa pagkadismaya ng makita na sobrang gulo at napakaraming kalat sa loob.
May napansin si Archie sa sahig. Lumuhod siya at pinulot ang isang papel na nilamukos at binasa ito. Napabuntong hininga na lamang siya pagkatapos niya itong basahin at agad niya din itong ibinalik ulit sa sahig.
"Anong hindi nagugutom? Eh ang sabi sa amin nila Lalaine di ka pa daw kumakain ngayong araw. Dinadalhan ka daw nila ng pagkain pero ayaw mo.Nagkulong ka na naman daw buong araw dito sa kwarto mo. Mag aalas-sais na meme kailangan mo na kumain Tara na sa baba." Pagpupumilit ni Archie.
"Ayokong kumain!" matigas na tugon ni Vice.
"Meme, ano bang ginagawa mo sa sarili mo?? Araw-araw ka na lang bang ganyan?? Tama na! Wag mong pahirapan ang sarili mo! Mag ta-tatlong buwan ka nang ganyan meme! Magkakasakit ka sa ginagawa mo." Halata ang pag-aalala sa boses ni Archie habang kinukumbinsi ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
ViceRylle ~a love built to last
RomanceSecond chances don't always mean a happy ending. Sometimes it's just another shot to end things right.