"I will never forget what happened that night." –Cring*****
That night..
"Cring, bilisan mo na. Taena! Late na tayoooooww!" Pasigaw na sabi ng kaibigan kong si Johnson na pabiro pang binanggit ang huling salita, habang nakatayo sa may pintuan ng aking kwarto.
Kunot-noo ko siyang nilingon at binato sa kanya ang hawak kong flashlight. Nasalo niya naman iyon at nagsimulang tumawa.
"Taena! Mag-antay ka, hinahanap ko pa ang hinihiram mong sapatos!" Pasigaw ko ring tugon.
Lumakas pa lalo ang tawa niya at ako naman ay napailing na lang saka muling itinuon ang atensyon sa paghahanap ng hinihiram niyang sapatos.
Aliw na aliw ang mokong, imbes na tulungan ako sa paghahanap ng kanyang hinihiram na sapatos ay hindi, kasi prente lang ang sandal sa gilid ng nakabukas kong pinto nitong aking kwarto.
Nabasa pa tuloy ng pawis ang kwelyo ng suot kong polo shirt nang dahil sa paghahanap ng sapatos kanina sa ilalim ng aking kama. Pero buti naman at kaunti lang.
"Oy, tara na. Taena, hindi ko na makikita ang asawa ko na sumayaw." Kinikilig na aniya at nauna ng lumabas ng bahay namin habang binabalot sa plastic ang hiniram na sapatos.
Natawa ako.
"Wag ka nang umasa dun, wala ka nang pag asa dun. Sa pangit mong yan. haha!" pagbibiro ko na sinamahan pa ng malakas na pagtawa.
Humarap siya sakin at nagdirty finger. "Pakyu!" matalas ang ngusong sambit niya. Saka ko siya hinabol at binatukan.
Oo nga pala, Ako si Cring Templo, a Grade 11 highschool student. Ang kaninang kausap ko ay si Johnson Nuevo, kaklase at isa sa matalik kong kaibigan.
Ngayong gabi ay last day ng foundation day namin. Kaya syempre, hindi mawawala ang party party.
So ayun na nga, natapos na ang program at nakaraos na din sa intermission number. So ngayon ay nagsasayawan na kami.
At maya maya lamang ay tumugtog na ng sweet music. Ito ang pinakahihintay naming lahat na mga lalaki kapag may ganitong okasyon sa school. Kumbaga, chance na namin ito para maisayaw ang aming kanya kanyang crush.
Nag-asaran kaming magkakaibigan tungkol sa mga babaeng yayayain naming sumayaw ng sweet.
Bawat isa kasi sa aming magkaka-ibigan ay may kanya kanyang crush na nasa ibang section, syempre hindi naman yun mawawala. Hihi!
"Ang ganda mo ngayon Janice." Puri ko sa kasayaw kong si Janice na crush na crush ko at nasa kabilang section lang.
Nangingislap pa ang aking mga mata habang malawak ang pagkakangiti sa kanya.
Tipid naman siyang ngumiti.. Whooohhh!!! napatingala ako habang nakangiti pa rin.
Gusto kong sumigaw dahil sa tuwa at kilig na nararamdaman ko. Taena!!
"Ngayon lang ba ako maganda sa paningin mo?" nakangusong tanong niya sa akin na humalakhak pa sa huli.
Humalakhak din ako.
Mas lalo akong kinilig. Ang cute cute niya talaga.
"Syempre hindi, you're always beautiful in my eyes." Banat ko pa. Pareho kaming dalawa na natawa. Sa isip isip ko, ang corny nun.
Baka isipin nito pinagtitripan ko lang siya.
Nalingunan ko ang dalawa kong kaibigang tukmol na sina Johnson at Topi, makahulugan kaming nagtinginan na tatlo.
BINABASA MO ANG
My Collection Of Short Stories (COMPLETED)
Non-FictionThis are all based on true to life events. (Credits to the owner of every story) COMPLETED