"Don't give your trust to anyone that easily. Specially, when you only met them in a short period of time."———
Sa henerasyon namin ngayon, pagdating sa social media ay normal na ang makipag-chat sa isang estranghero.
By the way, ako nga pala si Maris, 17 years old na ako ngayon at ikukwento ko sa inyo ang nangyari sakin 1 year ago, so i was only 16 at that time.
Pagbabalik-tanaw...
March 11, 2017, tandang tanda ko pa ang buwan, petsa at taon nung maging magka-chat kami ni Jayson sa facebook. Nag-getting to know each other muna kaming dalawa, hanggang sa lumipas na ang isang buwan at nanatili pa rin kaming magka-chat na dalawa.
"Nakita kita kanina sa school, ang cute mo nga dun sa suot mong pink na cap." Bigla akong napaayos ng pagkakaupo ng mabasa ang mensahe na yun galing kay Jayson.
Prente kasi ang pagkaka-upo ko dito sa sofa na matatagpuan sa aming salas habang nakataas pa ang magkabilang paa at kunwaring nanonood ng TV, katabi si papa, pero ang totoo ay panay lang ang pagscroll ko sa newsfeed sa aking facebook account.
Papasok na sana ako sa aking kwarto kaso bigla akong tinawag ni mama.
"Maris!" may kalakasan ang boses na tawag sakin ni mama.
Nasa kusina kasi siya, at abala sa pagluluto ng aming ulam na panghapunan. Alas sais na pala ng gabi, naku! naku! May mga assignments pala kami, nawili na naman ako sa pagfi-facebook at hindi na naman namalayan ang oras.
Napatigil ako sa paghakbang.
"Po? Ano yun?" magalang ko namang tugon. Syempre, para hindi bawasan ang allowance ko, kaya dapat maging mabait akong bata. Hihi
"Bili ka dun ng mantika, at ipiprito ko na ngayon yung isdang babaunin mo bukas." Patuloy pa ni mama.
Maaga kasi akong pumapasok sa school para makasakay sa school bus, kaya kung minsan ay ako na lang ang gumigising ng maaga para mag-asikaso ng aking babaunin. Sa school na din kasi ako kumakain ng lunch, kasama ang mga kaibigan ko. Para isang uwian lang at makatipid ng pamasahe. Mas pinipili ko na lang din ang magbaon ng pagkain, para less gastos lalo pa't hindi naman kami mayaman.
Muli kong binasa ang kaninang chat sa'kin ni Jayson. Inalala ko ang kaninang itsura ko nung nasa school pa ako, My ghawd! Mukha akong basang sisiw kanina.. pano ba naman kasi ay naglaro kaming magkaka-klase ng volleyball sa field bago mag-uwian, at umuulan pa nun.
Kaya ang ending, pinagalitan ako ng bongga ni mama nung pag-uwi ko kanina sa bahay. Haha!
Oo nga pala, grade 12 student din si Jayson kagaya ko at same school rin kami. STEM ang course niya, at ako naman ay ABM.
Pero never pa kaming nag-meet na dalawa, kaya never ko pa siyang nakita. Samantalang ako, ay ilang beses niya ng nakita.
NAPAKA-UNPEYR!
Nagsimula na naman kaming mag-chat chat na dalawa, hanggang sa unti-unti ko ng nararamdaman ang pagbigat ng talukap ng aking mata.
Naalimpungatan ako ng makarinig ng boses na parang nagkakagulo sa aking paligid.
Kusot-mata akong bumangon at tuluyang nagising ang aking diwa ng boses ni mama ang mas nangingibabaw sa aking pandinig.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita sa nangyayari sa aking paligid.
Si mama akay-akay na ang bunso kong kapatid papunta sa tricycle na ngayon ay nasa harap ng aming bahay.
Si papa naman ay nasa labas at hindi na mapakali sa kanyang kinatatayuan habang hinihintay si mama at ang kapatid ko na makasakay sa loob ng tricycle.
BINABASA MO ANG
My Collection Of Short Stories (COMPLETED)
Non-FictionThis are all based on true to life events. (Credits to the owner of every story) COMPLETED