CHAPTER 1 : 20 YEARS AGO

4 0 0
                                    

NFC Entertainment

Isang magarang sasakyan ang pumarada sa harap ng NFC Entertainment bumukas ang pintuan nito at Lumabas ang isang magandang dalaga

"Mukang siya na yata yung CEO ng NFC kailangan ko na magmadali sa interview ko" Sambit ko sa aking sarili

*SA INTERVIEW*

"Lucas, papasukin mo na yung susunod" Utos sa akin
"Ms. Robles?" Tawag ko mula sa labas ng office

Agad naman may lumapit na isang babae at nakabihis ito nang pormal

"Take a sit" Utos niya sa Babae

Habang Binabasa niya ang resume nito ay hindi ko maipinta sa mukha niya kung tatanggapin nya pa ito o hindi

"Graduate of Business Administrationin Divine International School" Sambit niya habang nakatingin dito

"You're hired" seryoso niya sinabi sa harap ng aplikante

Ngayon ko lamang siya nakita na tumanggap ng aplikante na wala man lang katanong tanong.

"Cindy Robles, Right? Talk to my secretary
then Lucas, tell them na tapos na ang hiring natin"  Utos nito sa akin

"Ikaw na ang bahala close the door" Masungit niyang utos muli

Lumabas kami ng office at ginawa ang mga bilin niya sa akin

"Ms. Robles ito ang job mo, You will be the manager of our boyband group" Sambit ko at inilapag sa lamesa ang larawan ng apat na lalaki

"Di ba sila po yung boyband na Four You" Excited na tono mula sa mga salita niya

"Yes they are, You will be resident for Label Entertainment kung nasaan sila ngayon that was under the NFC kaya kaya ka namin imonitor sa lahat ng activities nila"  Explain ko sa kaniya

"The woman who hired you siya ang CEO ng NFC Entertainment si Sofia Margareth Del Nueva don't forget that name kung ayaw mo matanggal sa trabaho mo" Pagpapatuloy ng explanation ko

"This is their activities for today  ihahatid ka na lamang ng driver sa Labael Entertainment Goodluck on your job" Sambit ko sa kaniya at nagpaalam

Bumalik ako sa office kung nasaan si Sofia

"obviously wala sa ka sa mood mo today" Sambit ko habang naka silip siya sa labas

"No I'm just tired" Paliwanag naman niya

"Sa 20 years mong pag papatakbo ng company niyo ngayon ka pa napagod?" Tanong ko sa kaniya

"Knock Knock" boses mula sa labas.

"Rachel ! mabuti naman at dumating ka" Sambit ko

"Is there any problem?" Tanong niya sa akin

"Why don't you ask her muka kasi na mas maraming problema yung Boss ko kesa sa akin" Sagot ko naman

"Let's go outside and take some coffee, libre ko" Pagyaya ni Rachel

"I have my Company Roam for today" Sambit ni Sofia

"Sa susunod na araw pa ang Company Roam mo Sofia" Paliwanag ko na naman sa kaniya

"Bakit di mo na lang kasi ilabas lang stress sa sarili. para saan pa at naging magkaibigan tayong tatlo di ba?" Pag uudyok ni Rachel

"Well, Wala naman ako magagawa let's go to Aunt Marie for sure alam nya sagot sa problema ko" buntong hininga niya at sumagot

Lumabas kami ng Company kasabay nito ang pagbati ng pamamaalam sa kaniya ng mga employees.

We arrive at Tango Cafe Restaurant, Doon nakita namin si Aunt Marie na busy sa paghahandle ng foods

"Aunt Marie" Pambungad na Bati ni Rachel sa kaniya

"Rachel, Lucas , Sofia buti naman at napadaan kayo dito" Bungad niya sa amin habang naglalakad papalapit

"Maupo kayo, Anong gusto nyo?" Tanong niya sa amin

"just Coffee please" Sambit naman ni Sofia
"Pwede po samahan nyo na ng croissant" Habol ni Rachel
"Ikaw Lucas ano ang sa inyo?" Tanong sa akin
"Coffee na lang din po" Sagot ko naman

"Sige ipa-peprepared ko na sa kanila yung orders nyo" Nakangiti niyang sambit

"Aunt Marie may problema daw si Sofia kaya siya nagpunta dito" Biglang Salita ni Rachel dito

"Ah ... Mukang alam ko ang peoblema na yan Sofia" Sambit ni Aunt Marie 

Si Sofia naman ay seryoso ang mukha

"I'll tell them" Sambit naman ni Aunt Marie

"Sofia's father is having a Stage 4 cancer, and the problem is He wanted Sofia to get married before he die kaya naman hindi niya alam ang gagawin niya." Kwento ni Aunt Marie

"Ewan ba naman kasi kung bakit kailangan nya pa makita si Sofia na Ikasal." Paliwanag ni Aunt Marie

"Alam mo may sagot ako sa problema mo" Sambit naman ni Rachel

"Why don't you use this app, It's a dating app, Malay mo dito ka makakita ng lalaki na sasagot sa problema mo" Paliwanag ni Rachel

"Rachel wag mo na turuan si Sofia kung paano makahigit ng boys, Baka mamaya ma-scam pa sya sa application na yan" Sambit ko naman

"Hoy Lucas, it's Safe tsaka Take a risk before it's too late di ba Aunt Marie." Pagloloko na Salita ni Rachel

"Oo nga Tama ka Rachel" Biglang Sagot ni Sofia

"Seryoso ka? Gagamitin mo yung application na yan just to get your husband" Gulat na gulat kong sagot sa kanila

"Take a risk before it's too late" Sambit muli ni Sofia

"Aunt Marie" Tawag ko para pagilan sila sa gagawin

Sumenyas na lamang si Aunt Marie sa akin na wala na siyang magagawa.

"Here's your Coffee" Bungad ng isang Waiter

IMB : I Married My BossWhere stories live. Discover now