CHAPTER 1

61 1 0
                                    

Phoebe's pov

Lakad takbo ginagawa ko para makarating sa trabaho ko. Late na ako ng limang minuto panigurado talak na naman abot ko nito kay madam. Bakit naman kasi ang masarap matulog ngayon eh.

Ako nga pala si Phoebe Salvador 21y/o nagtatrabaho ako sa isang stall sa mall hindi pa kasi ako nakapagtapos sa college.Huminto ako ng mamatay parents ko.

-----

Sa mall....

Kapag nakikita ko ang owner ng stall na pinagtatrabahuhan ko kinakabahan ako nakapamewang na kasi ito tapos masama pa ang tingin sa akin habang padating ako.

" ay naku naman Phoebe late ka na naman eh di ba sinabi ko na sayo na ayaw ko ng late palagi pang ilang beses mo na bang late ito? dalawa? tatlo? next time wala ng sorry sorry tanggalin kita agad " mahabang litanya ni madam

" opo maam sorry po talaga kasi naman po--"

" huwag ka ng mangatwiran Phoebe "

" opo "

Habang nag-aayos ako ng paninda na nakadisplay napatingin ako sa katapat na stall.Nakita ko yung saleslady na si Irene na nag aayos ng mga estante.Lagi siyang nakismid sa akin kahit na nginingitian ko siya.

' lukaret yata siya naku ewan bahala nga siya ' bulong ko sa sarili ko

Nakita kong umalis na si madam sunget hehe yun ang tawag namin sa kanya.

" oyy Phoe bakit late ka na naman ha wag mong sabihin trapik " nakamewang na tanong sa akin ni ate Loida siya yung tumatayong kanang kamay ni madam at kahera.

" medyo lang ate " nahihiya kong sagot

" haha loka kelan pa naging trapik sa Plaridel? " natawa na din ako kelan nga ba?

" ate Loida bakit ganun si Irene mainit yata ang dugo sa akin lagi ko naman nginingitian at binabati lagi pa din nakairap sa akin" naisipan ko itanong habang wala png costumer

" naku Phoe yung ganung tao hindi dapat pinapansin baka malapit na magmenopause kaya ganun o di naman kaya naiinsecure kasi mas maganda ka sa kanya " sagot ni ate Loida sa akin

" si ate naman binuhat na naman ung bangko ko hahaha " ang sarap ng tawa ko ng mapansin kong nakatingin sa akin ung boss ni Irene si sir Jacob

" ganoon talaga kaninong bangko pa ba ang bubuhatin ko edi sayo na kesa naman jan sa Irene na yan di ba?"  sinundan  ni ate Loida ang tinitingnan ko " buong akala ko nakikinig hindi pala busy sa pakikipagtitigan hoy Phoebe matunaw yan" untag niya sa akin

" siya ate ang unang tumitingin eh may itsura siya kaso mukha naman babaero " nginitian pa ako ni sir Jacob bago tuluyang umalis

Maghapon akong nakangiti sa mga costumer na tumitingin sa mga paninda.

Araw araw ganito ang takbo ng buhay ko trabaho-bahay bahay-trabaho hayyyyy buhay.Para sa dalawa kong kapatid kaya ko ito ginagawa.

Mula ng maulila kami lahat ng pagsubok kinakaya naming magkakapatid.Naipangako ko sa aking mga magulang na aalagaan ko ang kambal sa abot ng aking makakaya.

Medyo late na ako nakauwi tagal kasi makahanap sa tricycle kapag special trip ang mahal kaya nagtityaga ako sa paghihintay ng kasabay. Tapos nilalakad ko pa mula kanto hanggang sa bahay may patong kasi pag nagpahatid pa ako.

"ate kain ka na nakapagluto na ako eh" sabi sa akin ng kapatid ko na si Princess

"si Prince nasaan siya?" kambal nga pla ang mga kapatid ko naulila kami nung naaksidente sila mama habang papunta sila sa pabrika na pinagtatrabahuhan nila tatlong taon na ang nakalipas kaya napilitan akong huminto sa pag aaral at ang kambal ang pinag aaral ko 2nd year na sana ako sa kurso kong nursing.

ANG KAPITBAHAY KONG POGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon