Maling Akala
by: caramelmaiichiato
May mga bagay na akala natin totoo, umaasa na may nararamdaman para satin ang isang tao. Binibigyan ng meaning ang kabaitan at pagiging sweet nila, at inaakala natin na gusto nila tayo.
Pero sa huli tayo lang ang masasaktan, pag nalaman natin na hanggang lang pala sa pagkakaibigan ang turingan. Minsan nauuwi sa pagiging bestfriend, ang masaklap minsan nauuwi pa sa pagiging strangers ulit at nabubura ng tuluyan ng pinagsamahan.
Hindi naman natin maiiwasang masaktan dahil tayong mga umaasa ay bobo sa pag-ibig, delulu nga kung tawagin ng mga kabataan sa ngayon. Para ka lang pumara ng jeep tapos pag tumigil na, wala na palang bakanteng upuan. Sa huli maiiwan ka ng jeep kasi wala ka na palang mapwepwestuhan. Di naman natin sila masisi dahil alam natin sa mga sarili natin na may kasalanan din tayo kung bat tayo nasasaktan.
Gusto ko naman na masabihang gusto ako ng taong gusto ko, yung mutual ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Gets mo ba? Yung sasabihin niya sakin ng direkta na, "Joey, mahal kita" pero wala eh.
Puro na lang ako asa at nganga.
Yung mga text na "good morning" at "good night" na akala mo PM pero group message pala. Na akala mo sayo lang sweet pero sweet din sa lahat. Yung mga panlilibre niya sayo, yung pang-aasar niya, yung mga ngiti niya na akala mo ikaw lang ang nakakakita. Yung mga patawag-tawag sayo na akala mo miss ka niya pero yun pala, concerned lang yung tao kasi nga kaibigan ka niya. KAIBIGAN KA LANG.
Sawang sawa na kong pakitaan ng mga sweet gestures, "Action speaks louder than words"? Wala gasgas na yan, dahil sa actions actions na yan and daming naloloko eh. Ang daming UMAASA.
Experience is the best teacher ika nga nila, at masasabi kong totoo nga yun. Di ko na mabilang kung ilang beses akong umasa eh, hindi ko alam kung sino ang may problema. Ako ba o sila? Di naman ako pangit, matalino naman ako, pero bat ako ginaganito?
"Hindi ka naman tulala sa lagay na yan?" napakurap ako nang biglang bumulong si Grey sa kanang tenga ko.
"Medyo napaisip lang" sagot ko pagkalingon ko sakanya, bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko. Nasa isang coffee shop kami ngayon at relax na relax habang umiinom ng iced coffee, at pasubo-subo ng blueberry cheesecake.
"Bakit? Anong nakakatawa?" tanong ko sakanya. Imbes na sagutin ako, bigla siyang lumapit sakin sabay pahid ng kung ano sa mukha ko gamit ang kamay niya. Hindi ko na nagawang pumalag dahil sa bilis ng mga pangyayari.
"Ang kalat mong kumain. Pfft" pabiro ko siyang inirapan at saka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Bat ganun? Kasing init ata ng sinag ng araw ang mga pisngi ko? Di naman maaraw dito sa pwesto ko ah?
Yan ang sinasabi ko eh, yang mga sweet gestures na yan? Papunas-punas pa kunwari ng dumi sa gilid ng labi? Ang daming babaeng napapaasa niyan, napairap na lang ako sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Maling Akala
HumorMay happy ending pa ba para sa mga pinaasa at sa mga patuloy na umaasa? thinkerbellxx © 2015