Chapter 10 (Connection)

49.1K 1.8K 257
                                    

CHAPTER 10

NAPATUNGANGA siya kay William nang makitang prente itong nakaupo sa sofa. Para itong hari na pasimpleng iniikot ang paningin sa kabuuan ng bahay.

"Magpaliwanag ka," aniya sa binata.

Tumingin ito sa kaniya.

"Anong ipapaliwanag ko?" balik-tanong nito, may aliw sa mga mata habang nakatingin sa kaniya.

"Sino ka ba talaga?" diretsong tanong niya.

"I told you, it's just me, William," tugon nito.

Napangiwi siya. Hindi siya sanay na naririnig itong nagsasalita ng ibang lengguwahe. Kakaiba iyon sa pandinig niya at mas lalong...kakaiba ang epekto sa puso niya. Naiintindihan naman niya ito. Nakapag-aral naman siya at hindi siya bobo sa eskwelahan, mabilis lang siyang matuto lalo na sa salitang ingles.

Ang makita kung paano itong manamit ngayon ay sadyang iba ang epekto sa kaniya. Ibang-iba sa William na nakilala niya sa isla.

"Seryoso ako," aniya, nagsalubong ang mga kilay.

Mahina itong natawa.

"Nakapag-asawa nga akong matandang dalaga. Namatay noong nakaraang araw. Lahat ng kayamanan niya, napunta sa'kin. Lupa, bahay atsaka kotse. Kaya mayaman na ako. Dahil mayaman na ako, sino ka kasi? Magkakilala ba tayo?" Talagang aliw na aliw ito habang nakatingin sa kaniya.

Inirapan niya ito at akmang magsasalita ulit nang lumabas si Sandra mula sa kuwarto. Nagulat pa ito nang makita si William.

"May...bisita pala tayo," anito, tila natulala sa binata.

Kaagad na tumayo si William at nakipagkamay kay Sandra.

"William Ramirez, Miss. What's your name? Kaano-ano ka ni Kathy? Alam kong lalaking kumilos itong si Kathy pero huwag mong sabihin na magkasintahan kayo, ha? Ngayon pa lang didiretsuhin na kita, may tumitigas sa'kin, kaya alam kong ako ang pipiliin niya. Mas masarap pa rin ang matigas. Kahit hindi ko pa napapasukan 'yan, I can imagine how she moan and shout my name on my bed. And lastly, kapag mag-jowa kayo, I will do everything to steal her from you. Kathy is mine. Mine alone," dire-diretso itong nagsalita habang seryosong-seryoso ang mukha.

Napaawang ang labi ni Sandra sa sobrang gulat. Siya naman ay napakurap at nag-init ang buong mukha sa walang prenong bibig nito.

Ilang sandali lang ay humalagapak na ng tawa si Sandra habang hawak-hawak ang sariling tiyan.

"You're...so funny!" bulalas ni Sandra, halos maluha-luha na sa kakatawa.

Iritadong tinapik niya si Sandra sabay tulak kay William.

"Lumayas ka nga dito. Alis na!" pagtataboy niya.

"Bakit? Hindi pa nga kita nakakakain. Ay mali! Hindi pa ako kumakain. Gutom na gutom na ako. Pakainin mo muna ako, Kathy. Hindi ka ba naaawa sa'kin? Baka matumba ako dito bigla. Kain na kain na ako," anito, hinarap siya sabay tingin sa bandang ilalim niya.

Malakas niya itong binatukan. Kaagad itong napadaing pero natatawa.

"Layas na," muling sabi niya, nameywang.

"Ikaw naman. Bisita natin 'yan. Dito ka na kumain, pogi. May bakanteng kuwarto doon, puwede kang kumain kahit magdamagan pa kasama si Kathy," anang Sandra, tawang-tawa pa rin.

Aliw na aliw ang gaga sa kapilyuhan ni William. Masama niya itong tiningan. Kaagad naman itong tumigil sa kakatawa at tumikhim.

"Sandra nga pala. Kaibigan ako ni Kathy. Nice to meet you," nakangiting pinakilala ni Sandra ang sarili kay William.

Isla Fontana Series #3: Chain Her (COMPLETED)Where stories live. Discover now